"Liza! Hoy Liza! Gising na" nagising ako dahil sa pag yuyugyog at ingay ng boses
"Ano ba? Natutulog pa ako eh" antok na sabi ko habang naka pikit pa din, medyo masakit pa naman yung ulo ko dahil anong oras na ko naka tulog ka gabi tapos naka inum pa ako.
"Hahaha gaga bumangon kana dyan" natatawa nyang sabi.
Diko pinansin yung sinabi nya, alam kong si jarah yung gumigising sakin. Matutulog na ulit sana ako pero di na ako makatulog parang ang kati- kati ng hinihigaan ko. Hinayaan ko na lang baka kase hindi pa to nalalabhan ni akie.
"Hahaha!"
"Pfft hahaha Lt"
"Picturan nyo dali!"
Naririnig kong tumatawa yung mga kaibigan ko pero hinayaan ko na lang.tsk bat ba ang ingay nila? Tapos tawa pa ng tawa wala namang nakakatawa. Mga sira ulo yata tong mga toh eh.
"Hoy tawa kayo dyan ng tawa ang iingay nyo hindi nyo ba alam na natutulog ak- Pfft bat dyan ka naka higa Liza?"
Dumilat ako para tignan sila ng masama kaso sikat ng araw agad ang tumambad sa mukha ko kaya napa pikit ako agad.
"Alangan higaan to- eh? Bat ako nandito?" Gulat na tanong ko sa kanila habang tumitingin pa sa paligid.
Wahhh grabe kaya pala di ako naka tulog ng maayos tapos ang kati-kati pa ng hinihigaan ko kase sa garden ako naka tulog.
"Pfft baka dala lang yan ng kalasingan mo ka gabi" natatawang sabi ni jarah kaya tinignan ko sya ng masama.
Di naman madami yung na inom ko, dalawang shots lang yun atsaka ang pag kakatanda ko sa kwarto ako dumiretso at dun ako natulog kaya naka kapag taka naman yata na naka rating ako dito sa graden.
"Liza dika ba tatayo dyan?pft" tsk kahit ako natatawa na lang din habang iniisip yung nangyare kanina.
"Ang daya nyo hindi nyo ko hinintay ka gabi na una na agad kayong uminom" nag tatampo kong sabi.
"Ang tagal mo kase ,kaya na una na kami" sagot ni jerah na kapatid ni jarah pero mas matanda si jarah.
"Traffic nga di-" di kona natuloy yung sinasabi ko ng biglang sumigaw si akie
"MGA BRUHA! KAKAIN NA!" kaya nag madali kaming tatlo pumunta sa kusina dahil kanina pa talaga ako gutom at halatang ganun din yung dalawang mag kapatid.
Nag siupuan na kami lahat at kanya-kanya kaming kuha ng plato at kutsara pag ka kuha ko ng tindidor ay bigla ko naman itong nabitawan.
"May bisita tayong lalake" nakangiting sabi ni arie habang naka tingin sakin, diko na lang sya pinansin dahil gutom na talaga ako.
Uupo na sana ako ng biglang may nag doorbell.
*Ding-dong* *Ding-dong* *Ding-dong*
"Ako na mag bubukas" prisinta ko sa kanila na kahit gutom nako, nakakahiya naman kase sa kanila, sila kumakain na ako hindi pa baka maistorbo pa sila.
Pag bukas ko ng pintuan isang malakas na hangin ang sumalubong sakin imbes na tao, kaya lumabas ako at tumingin-tingin sa paligid kung may tao ba pero wala akong makita kaya pumasok na lang ako sa loob.
Naka simangot akong bumalik sa kusina at pa dabog na umupo kaya takhang tumingin sila sakin.
"Anong nangyare sayo?" Nag tatakang tanong sakin ni akie. Hindi ko nga din alam nangyayare sakin eh siguro na iinis lang ako dahil hindi ako makakain ng maayos.
"Wala, abot nyo nga yung kanin kanina pa ako nagugutom"
.
.
.
"Mauna na ako sainyo mga bakla" pag papaalam ko sa kanila.Kailangan ko na din kase umuwi sa apartment ko, pinagalitan din ako ni mommy kanina sa phone dahil uminom na naman daw ako.
"Sige, ingat ka bakla" sumakay na ako sa kotse ko. "Kayong dalawa di pa ba kayo uuwe ?" Tanong ko sa dalawang mag kapated na si jarah at jerah.
"Mamaya pa, maliligo pa kami eh"
"Ahh sige bye" nag wave na lang ako sa kanila tsaka nag simula ng mag maneho.
Madadaanan ko na naman yung bahay na nakita ko ka gabi. Aaminin ko natatakot ako sa bahay na yun tsaka sa mga nangyare sakin ka gabe.
*Beep beep*
*beep beep*
*beep beep*
Mabilis kong inapakan yung preno dahil may biglang sumulpot na lalake sa gitna ng kalsada kaya dali-dali akong bumaba para tignan kung anong nangyare sa kanya.
"Shit I'm so sorry, OK ka lang ba? May masakit ba sayo? May sugat ka ba?" Kinakabahan na tanong ko habang tinitignan ko yung braso nya kung may sugat ba.
"Haha wala miss, OK lang ako at buti bumusina ka" naka ngiti nyang sagot sakin.
"Ahh buti naman OK ka lang, kinabahan tuloy ako sayo" nahihiya kong sabi habang tumi- tingin ako sa paligid ayoko tumingin sa kanya para kaseng may kakaiba sa kanya.
"Pfft halata nga" kaya napa tingin ako sa kanya, ngayon ko lang napag tanto na gwapo pala sya ang tangos ng ilong nya tapos yung mata nya medyo singkit pati yung labi nya mas maganda pa keysa sakin.
"Uy miss OK ka lang ba?" Napa hinto ako sa pag iisip at mabilis na lumayo sa kanya ang lapit na pala ng mukha namin sa isat-isat mga one inch na lang.
"A-ahh o-oo naman sige una na ko" hindi ko na sya hinintay sumagot pa tumakbo na ako agad papunta sa kotse at dali-daling sumakay"ahhhh nakakahiya tapos nauutal pa ako" inis na sabi ko sa sarili ko.
Pinaandar ko na lang ang kotse ko pero bago pa ako makaalis ng tuluyan sumulyap muna ako sa rear mirror naka tingin pala sya sakin at naka ngiti, bat ganun parang kakaiba sya i mean parang nakilala ko na sya.
"No No No Lizanne ngayon lang kayo nag kita ok, gutom lang yan mabuti pang kumain ka muna" para akong tanga na kinakausap ko yung sarili ko binalik ko ulit yung tingin sa rear mirror pero wala na sya malamang naka alis na yun.
Bumuntong hininga na lang ako"sana mag kita pa tayo" bulong ko sa sarili ko at tuluyan ng umalis.
A/N
Please vote and comment.

YOU ARE READING
The Second Chance
RomansaSi Lizanne Delaquin ay hindi na niniwala sa mga kaluluwa o multo dahil para sa kanya isa lamang iyong ka sinungalingan na panakot sa mga bata. Paano kaya kapag nakilala nya si Jahris Mofelco? Isang binatang kaluluwa. Ano kayang mangyayare sa kanilan...