The Story ~ PART1

21 1 0
                                    

SABADO ng hapon noon, galing ako sa isang birthday party ng isang kaibigan…

pagkatapos tumunga ng tatlong bote ng beer ay nagpaalam na ako…. mukha kasing uulan, ayokong maabutan ng ulan sa daan. Medyo may kalayuan pa ang titirhan ko. Anak ng Sampung kamalasan, tumirik ang kotse ko sa daan…

no choice kailangan kong bumaba para ayusin ang makina. Dahil sa Sobrang malas talaga at naiwan ko pa ang gamit ko, nag uumpisa ng pumatak ang ulan…

kung bakit kasi hindi ko nadala ngayon yung tools ko. HAYS! Kung kelan nasiraan ako saka ko pa naiwan. Tsk! Noon naman lagi kong dala yun pero hindi ako nasisiraan. Tapos ngayon kung kelan ako nasiraan, saka ko hindi dala. PSH! =___=

May natanaw akong isang bahay, nagbakasakali akong tumawag… biglang lumabas ang isang matandang lalaki, siguro mga 80 yrs old na…

“ Magandang hapon po ‘tay, nasiraan po kasi ako eh, di ko po nadala ang gamit ko baka po may lyabe kayo at pliers jan?”

ngumiti sya sa akin at umalis saglit, maya maya ay bumalik siya at may bitbit na bag at dalawang payong, iniabot sa akin. Sumama pa sya sa akin sa aking kotse… malaki ang deperensya, mukhang tinamaan nga ako ng napakalaking malas.

Inaya ako ng matandang magkape muna sa kanila, medyo malamig nga at basa na rin ako ng ulan kaya sumama ako.

Pagpasok namin ng bahay ay nakita ko na hindi maayos iyon…

"Pasensya na hijo kung ganito ang itsura ng bahay ko, nag-iisa lang kasi ako dito sa bahay."

"Ah ganun po ba. Ayos lang po iyon." at nginitian ang matanda.

"Ako nga pala si Armando, mang Arman nalang ang itawag mo sa akin." sabi nito. "Isa akong taxi driver noon. Kaya may mga kagamitan ako para sa sasakyan. Siya sige, umupo ka muna." dagdag pa ni mang arman.

Umupo ako sa sala, maalikabok yun. Pumunta sa kusina ang matanda, siguro magtitimpla ng kape, ayoko na sana kasi iika-ika na sya, hindi na masyadong makalakad pero mapilit si mang Arman.

Sa aking pagmamasid sa tahanan ni Mang Arman,. may nakita akong mga litrato sa dingding.  Siguro family picture nila yun.

Sa ibaba ay picture ng lalaking nakatoga katabi nito ang isang kwadro rin ng babaeng nakatoga din… siguro mga anak nya. Malinis ang mga kwadro, halatang kapupunas pa lang at parang ayaw maalikabukan man lang.

"Mga anak ko yan. Yung lalaki, yan si Joemer, panganay ko tapos yung babae naman si Kristina, bunso namin." nakangiting sabi ni mang arman.

Tama ako, anak nga nya yun. Inilapag nya ang kape, mejo hindi malinis yung mug pero nakakahiya naman kung tatangihan ko at isa pa nilalamig na rin ako at malakas ang ulan, gusto ko ring mainitan ang sikmura.

“ kung gusto mo anak… ano nga ba uli pangalan mo? “ tanong nya sa akin

"Jake po." sagot ko naman.

“ kung gusto mo Jake eh sayo na lang yang mga gamit ko, wala na rin namang gagamit nyan dito… gamit ko dati yan ng driver pa ako ng taxi pero mahina na ako ngayon Jake, di ko na kaya na magdrive pa uli.”

“ naku wag na po, meron po ako naiwan ko lang po sa amin. Nga po pala, asan po mga anak nyo?” tanong ko

“ Si Joemer, Engineer ko yan…" may pagmamalaking itinuro ang litrato sa ding-ding. "nasa Saudi na ngayon, yan namang si kristina… nakapag asawa ng taga Zamboanga at doon na nanirahan..." habang sinasabi niya yun, nakita ko sa mga mata ni mang arman ang lungkot, lalo na nung marinig ko ang sumunod niyang sinabi.

The Prayer...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon