Ang pag-ibig ng Magulang ay sadyang hindi matatawaran. Sila ang nag aruga at nagbigay ng pangalan sa atin. Nagpakin, nagbihis, nagpatulog at nagtaya ng napakalaking PASENSYA. Isa sa mga pumanday sa ating katalinuhan at talento. Naging unang guro bago pa man tayo tumuntong sa eskwelahan. Mga naging masugid na tagapakinig mo sa oras na nasasaktan ka at may malungkot na karanasan. Unang umiiyak kapag nalaman na nasaktan ka. Ang pinaka matalik mong kaibigan sa oras na wala ng gustong lumapit sa'yo. Ang Nagiging super hero mo kapag may mga nang-aapi sa'yo.
Ngunit papaano kapag dumating ang panahon na kailangan mong lumayo at bumukod dahil gusto mo na din gumawa ng sarili mong pamilya. Hahayaan mo ba na mapag-isa sila sa oras ng unos, Malakas na ulan at malamig na gabi?
Papaano kapag dumating yung panahon na manghina sila at mawalan ng lakas sa pag-gawa? Iiwanan mo ba sila at hahayaan nalamang sa isang tabi? Magpapakalayo-layo dahil takot ka sa isang responsibilidad na dapat ay hindi ikaw ang gumagawa kundi dapat sila dahil buhay nila iyon?
Ito ay kwento ng isang magulang na naghintay ng napakatagal para lamang marinig kahit na kakarampot na boses ng kanyang anak. Naghihintay na makita kahit anino nito sa tapat ng kanilang pintuan. Nagbabakasakaling bibisita kahit saglit ang kanilang mga naging supling.
Ang istoryang ito ay para sa mga anak na nang-iwan, gustong iwanan at iiwanan palang sa kanilang mga magulang na hindi kayang alagaan pa ang kanilang sarili.
I am not the author of this story.
Hope you will read this!
BINABASA MO ANG
The Prayer...
Short Story"MAMA" - the most beautiful woman on earth." "PAPA" - the most handsome man in the world." "FAMILY" - The Greatest gift that GOD gave to us here in the human world."