The Story ~ PART 2

15 0 0
                                        

Tumila na ang ulan, nagpaalam na ako, nagpasalamat. Nagpasalamat din sya sa akin.

nakita ko sa mga mata nya na talagang sabik sya sa kausap. Sabi nya ay magkwentuhan pa kami habang hinihintay ang tawag ng mga anak nya pero dumating na yung hihila sa kotse ko papunta sa pagawaan. Nangako na lang ako na dadalawin ko sya pag may libreng oras ako.

Nung mga panahon na iyon ay parang ayaw ko munang umalis at manatili muna doon ng mga ilang araw para maalagaan at mabantayan si mang arman. Gusto kong maramdaman niya na hindi siya nag-iisa sa mga oras na iyon. Gusto ko na maramdaman niya na maging masaya kahit sa kaarawan man lamang niya. Gusto kong i-celebrate namin ang birthday niya ng walang lungkot na sumasakop sa tahanan niya. Gusto kong mangyari lahat ng iyon ngunit hindi ko magawa.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Dalawang lingo ang dumaan at naisipan ko uling dalawin si mang Arman pero sarado na ang bahay. Inisip ko na nasa labas lang siya at nagpapahangin. Nagtanong ako sa kapitbahay nila at nalaman ko na namatay na si mang Arman apat na araw ang nakakalipas.

Nabigla ako sa nalaman ko. Halos hindi ako makakilos sa nalaman ko na wala na si mang arman.  Nabanggit din ng kapaitbahay nila na

pagkatapos paglamayan ng dalawang araw ay dinala na ng mga anak nya si mang Arman at pina-cremate.

Aalis na sana ako pero pinigilan ako ni mang Gorio.

iniabot nya sa akin ang isang bag, yun ang bag na pinahiram sa akin ni mang Arman…

“ bilin ni Arman na ibigay ko raw sa'yo kung sakaling babalik ka, kakailangan mo daw ito sa pagbalik mo sa Laguna, baka ka daw masiraan ka sa daan”.

Hindi ko napigilan ang pagpatak ng luha ko, ramdam na ramdam ko ang pangungulila ni mang Arman sa kanyang mga anak at apo.

Nangulila siya sa mahabang panahon habang hinihintay ang maikling tawag ng kanyang mga anak o kahit ang saglit na pagbisita sa kanya sa kanilang lumang tahanan. Yun lamang ang tanging PANALANGIN ni Mang Arman.

Habang naglalakad ako pabalik sa sasakyan ko. Bigla akong napahinto at tumingin sa kalangitan. Makulimlim ang langit ngunit sa gitna nito ay may liwanag parin na matatanaw.

Napabulong ako 'Siguro mang arman, masaya ka na ngayon kung nasaan ka man. Alam kong masaya ka na dahil kasama mo na ang iyong minamahal na asawa.'  Habang binibigkas ko ito ay hindi ko maiwasan na mapaluha. Ngunit may mga ngiti sa aking mga labi. Nakita ko sa gitna ng kalangitan na ngumiti sa akin si mang arman. Oo, Nakita ko mismo iyon!

Nakapagdesisyon na ako, magfifile ako ng leave. uuwi ako sa Laguna para dalawin ang nanay ko, tama si mang Arman, tiyak na matutuwa yun pag nakita ako.

Habang naglalakad ako pabalik sa aking sasakyan, naalala ko ang isang sulat na nakalagay sa isang lamesa ni mang-arman. Binasa ko ito, habang abala siya sa kusina upang ibalik ang mga tasang pinag-inuman namin ng kape. Yun yung araw ng kanyang Kaarawan.

____________________________________________

 Sa aking mga Anak,

Anak.., kung nasaan ka man sana maalala mo ako.

Sana dalawin mo ako kahit minsan lang.

Sabik na akong makasama at makausap kang muli.

Kung may pagkukulang man ako… patawad anak,

Gusto kong malaman mo. MAHAL KITA higit sa pagkakaalam mo.

Yun lamang ang simple kong hiling ngayong kaarawan ko.

Nagmamahal,

Tatay Arman.

PS/ alam kong malapit na. Malapit na kaming magkasama muli ng inyong ina.

_____________________________________________

sa mga oras na iyon. Naalala ko ang kalungkutan ang pananabik ni mang arman na makasama ang kanyang mga anak ngunit nangibabaw sa kanya ang pagmamahal.

Sa huling pagkakataon, di kalayuan sa tahanan ni mang arman, tumingin akong muli sa kalangitan at nagwika,

"Paalam Tatay Arman."

~~~~

THE END ~

Love is endless and Love is Worth Waiting for ♥

[Haraya Man ~ 2014]

All Rights Reserved !

The Prayer...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon