Prelude Proposal

4.2K 109 0
                                    

Hapon na at wala ng tao sa library. Mag isa lang akong nanonood sa loob. Wala ang masungit na librarian kaya malaya akong nakakanood. Hindi naman niya ako nakikita at naririnig dahil nasa second floor ako ng library at malayo kung nasaan ang table niya.

Napangiti ako sa ending ng pinapanood ko. Isang chinese movie. Maraming pinagdaanan yung lalaki at babae pero in the end sila parin. Tapos ang cute kasi babae ang nag propose.

Bigla tuloy akong na motivate na gawin din iyon sa taong mamahalin ko. Feeling ko ang cute tapos masaya tapos enjoy din kasi ako magyayaya ng kasal. Tinakpan ko ang bibig ko sa tawa ko.

Wala kasi ang tatlong best friends ko na dapat ay kasama ko ngayong manuod. Sila ang nagyayang manuod. Sila din ang nagplay ng movie, kaso biglang sabay sabay na tumawag ang parents nila at pinapauwi silang maaga. Nandito kasi sila kanina, kaso hindi pa nag start ang movie umuwi na sila kaya ako nalang.

Time check. 6:01 pm.

Kainis. Manunuod pa sana ako ng Hello Kitty kaso never mind. Papagalitan lang ako nila mommy.

Agad kong niligpit ang tape ng movie at in off ang dvd at tv. Pasimple ko ding pinatay ang maliit na lamp sa gilid na nagsisilbing ilaw ko.

Dahan dahan akong naglakad at sumilip sa first floor kung nasaan ang librarian. Agad akong nataranta nang makitang papalabas na siya.

"T-Teka po miss.." dali dali akong bumaba ng hagdan para sana habulin ang librarian. Hindi pa ako nakakalahati ng hagdan ay bigla na niyang in-off ang ilaw at sinara nag pinto.

Narinig ko nalang ang pag lock nito at ang tunog ng takong niyang papalayo. Bigla akong nataranta.

Bumaba agad ako ng mabilis kaso ay nang nasa ibaba na ako at patakbo na bigla namang lumusot ang paa ko sa butas ng hagdan. Rinig na rinig ang paglagapak ko sa sahig. "Ouch!" napaupo ako sa sahig at napahawak sa kanang paa kong parang nabalian yata.

Waahh! I can't be locked in here! Pagagalitan ako nila mommy at daddy plus madilim pa.

Tiningnan ko ang switch. Katabi siya ng pintuan. Halos hindi ako makatayo nang pilitin kong igalaw ang paa ko. Sobrang sakit.

Napapikit ako at napaiyak.

I need my phone. But nasa bag ko iyon na naiwan sa second floor kung saan ako nanood. Ngayon ko lang narealize na naiwan ko pala sa taas.

It's too dark. Tanging ilaw lang sa labas ang naaaninag ko.

Masyadong nakakatakot.

Gumapang ako para maabot ang switch. Inextend ko ang kamay ko pero hindi ko talaga maabot. Kumatok ako sa pintuan baka may makarinig mula sa labas.

"Someone is still here! Open the door please!" pakiusap ko. Nakaupo ako pero kinakalampag ko parin ang pinto.

Today is friday the 13th. Sabi na nga ba totoo talaga ang rumors na malas ang day na ito. Kainis!

A minute has passed pero walang sumagot. Lalo akong naiyak. I feel tensed and panic. I can't be here till midnight. Hindi ko kaya.

Napahawak ako sa paa kong sprained. Napangiwi ako sa sakit non. Sumandal ako sa pinto at niyakap ang dalawa kong tuhod. I need to do something pero hindi ko alam kung anong gagawin.

I really don't know!

My breathe stopped when I heard noises in the second floor. Napalunok ako at sumiksik sa pinto. Tiningala ko ang second floor at napatakip ako ng bibig nang may nakita akong anino.

It's a man's figure!

Mumu? Alien? Demon?

Umiling iling ako at pinapakalma ang sarili ko. Pero lalo lang akong naiyak at humikbi ng malakas. Lalo na ng bumaba siya sa hagdan.

Proposing To The BADBOY [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon