Proposal 1

3.1K 79 8
                                    

"Briana! Anong kulay ng bra mo ngayon?" bulong sakin ni Shin Zendano. Kilala siyang playboy sa school namin. Transferee lang siya pero sobra niyang daming babae. Ang weird din ng isang ito.

"Bakit ka naman interesado sa bra ko?" takang tanong ko. "May boobs ka din?" nakangiti siyang tumango. "Talaga? Anong size mo?" masayang tanong ko nang may biglang bumatok sa kanya ng malakas.

Si Ayesha Ramirez.

"Hoy Bria! Huwag ka ngang magpapaniwala sa gunggong nato! Manyakis to." napakamot ako ng ulo. "Ikaw, halika dito baliw ka." hinila niya ito sa tenga patayo at saka lumakad palayo.

Weird.

Nag focus nalang ako sa pagrereview ko sa Philosophy. May test kasi kami ngayon. Nasa garden ako ng school at hanggang ngayon mag isa parin ako. Wala ang kaibigan kong sila Maxine. Ang boring tuloy.

"Hi Briana!" may bumati saking mga lalaki. Mga first year college students. Last year ko na kasi sa senior high dito sa Lumin University, but it's more like so called second year senior dahil shs at college lang ng nandito.

"Hello!" isa isa silang lumapit sakin nang ngitian ko sila.

Sabi nila Maxine marami daw nagkakagusto sa akin dito sa University. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng gusto kaya hindi ko naman pinapansin. Lahat kasi ay nakakasundo ko. Hindi ko alam kung bakit maraming lumalapit sa akin na boys, samantalang girl naman ako. Para sakin ang weird.

Wala parin ako sa sarili dahil sa lalaking nakausap ko sa library. Last week pa iyon pero hindi ko pa siya nakikilala.

"Gusto mo sumama sa amin?" napatigil ako sa tanong nila.

Lima sila at mga mukhang mga nagbubulakbol dahil bukas pa ang butones ng mga uniforms nila.

"Saan naman?" nagtinginan sila at nagngitian.

"Sa birthday ko sa linggo. Gabi kasi iyon. Ikaw ang gagawin kong special guest kaya kailangang pumunta ka." tumango tango ako.

"Oh sige." napasigaw sila.

"Ayos! Linggo ah!" tumango ako habang nakangiti.

"Nice pre!" kantyaw sa kanya ng iba niyang kaibigan.

"Ah Briana, gusto ko sana magsuot ka lang ng two piece. Yung undies lang." nagtaka naman ako doon.

Bad daw yun sabi ni mommy, hindi naman daw ako si Eva kaya bakit ako mag gaganun? Bawal yun. Isa pa, hindi naman ako model kaya hindi ako mag gaganon.

"Hindi ako nagsusuot ng ganon eh. Sorry." paghingi ko ng tawad. "Pwede bang iba nalang?" napasimangot siya.

"Sige. Pero gusto ko pula yung underwear mo--Aray!" napatayo ako sa gulat sa isang bolang tumama sa kanya mula sa kung saan. "Tangina sino yon?!" nagkaroon ng kumpol sa paligid at ang iba ay napapatingin sa amin. Tumingin ako sa paligid at wala naman akong nakitang taong pwedeng bumato non. Wala namang varsity na nadaan o mga player.

Sino kaya yun?

Bigalng tumunog na ang bell kaya dali dali kong kinuha ang gamit ko. "Sige ha? Una na ako sa inyo!" patakbo akong pumunta sa next subject ko. Naabutan ko pang papasok palang ang prof.

Ang aga naman. Hindi na tuloy ako makakapagreview pa ng maigi. Dumiretso na ako sa upuan ko. "Briana saan kaba galing?" narinig ko ang ingay nila Maxine na nasa likod ko pala.

"Diyan lang sa tabi tabi." nakangiting sagot ko. "Nagreview kayo?" umiling sila kaya natawa ako. Kung aalis ang prof. baka mapakopya ko sila pero kapag nandyan the whole time hindi pwede. Lagot kapag ganon.

Proposing To The BADBOY [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon