Proposal 2

2.4K 65 0
                                    

"K-Kasama ka ba nila?" hindi ito sumagot at sa halip ay pinasadahan ako ng tingin. I saw his jaw clenched. Nakita ko ang pagdilim ng ekspresyon ng mga mata niya.

Kasama ba siya?

Natigilan ako sa ingay na mga tumatakbo paakyat. Agad akong kinabahan at tatakbo na sana sa dulo ng rooftop nang hilahin ako ng lalaking blue eyes. Napasubsob ako sa matigas na katawan niya at nang subukan kong kumawala ay hinigpitan niya lang lalo ang paghawak sakin. "A-Ano bang gagawin niyo sakin?" yumuko ako at bigla akong kinabahan.

Hindi siya nagsalita.

Maya maya ay sunod sunod nang umakyat ang limang lalaki nayon na ngayon ay walang suot na mga uniforms. Napaatras ako at nagulat ako nang bulungan ako ng lalaki. "Sa likod ka lang." halos kilabutan ako sa lalim ng boses niya.

"V-Von Del Valle.." sambit ng isa na halatang natatakot.

"T-Tara na pre.." sabi ng isa.

"Pakialamero ka naman pare. Ibigay mo na sa amin ang babae." sabi ni Jacson

Ibig sabihin hindi nila kasama itong si blue eyes.

Hinahawakan nila si Jacson na parang pinipigilan sa ano mang gagawin niya. Napatingin ako sa lalaking nasa harap ko na ngayon ay nakatalikod sakin. Bakit parang nakakatakot siya?

Hindi siya nagsalita at patuloy na nakipagtagisan ng titig kila Jacson. "Ang angas nito ah. Pipi ka ba?!" sa sinabing yon ni Jacson ay may lumipad sa kanyang bote ng beer dahilan para mabasag ito. Ang iba ay napatakbo sa takot. Hindi ko napansin na may beer pala sa paanan niya na dinampot niya para ipambato.

Napatakip ako ng bibig nang makita ang dumudugong ulo ni Jacson. "Bakit mo.."

"Magbabayad ka!" sumugod ito.

Eksaktong pagkasugod niya ay agad nakaiwas ang lalaki kaya dumiretso siya sa hangin. Ginamit niyang pagkakataon yun para sipain ang lalaki at muli ay kalmado siyang dumampot ng bote ng alak sa tabi at pinanghampas naman niya ito sa likod ni Jacson.

Napahiga si Jacson at namilipit sa sakit.

Nakita ko ang apat na lalaki na patakbo pababa ng rooftop. Kalmado lang ang lalaki na para bang hindi siya pinagpawisan sa ginawa niyang moves. Tinapakan niya ang kamay ni Jacson. "A-Aray! M-Masakit!" daing niya.

Nanlaki ang mata ko at wala sa sariling tinapik ang lalaki. "Kawawa naman siya.." hindi niya ako pinansin at mas lalo pang dumiin ang pag apak niya sa kamay nito.

"Aaahhh!!" sigaw ni Jacson

"Kapag inulit mo pa to, tuluyan na kitang babalian ng buto. Naiintindihan mo?" halos lamigin ako sa boses niya. Kalmado pero punong puno ng awtoridad.

"O-Oo! S-Sorry Von--aah!" sinipa niya ang kamay nito bago tumingin sakin.

Napayuko ako at napaatras nang lumapit ito sakin. Maya maya ay naramdaman kong may pumatong na leather jacket sa katawan ko. Hinawakan niya ang braso ko at walang imik akong hinila pababa sa rooftop. Bad guy din ba siya?

"Kuya? Saan mo po ako dadalhin?" sinamaan niya lang ako ng tingin bago kami makapunta sa isang kwarto na napaka kalat at gulo. Mga sirang upuan ang nandoon.

Pinaupo niya ako sa upuan. Sinara niya ang pinto at may kinuha sa isang cabinet sa gilid. Nakita ko ang isang red na cross na box. First-aid kit siguro.

"Bakit mo kinuha yan? Gagamutin mo ba si Jacson?" kumuha siya ng isang upuan sa tabi at kinuha ang braso ko. Nanlaki ang mata ko nang makita kong dumudugo pala. "Hala bakit dumudugo?" tanong ko sa kanya.

"Stupid." rinig kong bulong niya.

"Sinong stupid?" napangiwi ako nang dampian niya ng kulay brown na nasa maliit na bottle. "Salamat nga pala kanina ha? Hindi ko alam kung bakit ganon sila Jacson kaya sorry." nakita ko ang pagkunot ng noo niya.

Proposing To The BADBOY [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon