Charlotte's POV
"Darla... please sumagot ka" naglalakad ako ng mabilis papuntang Malaya habang dina-dial ang number ni Darla. Hindi ko maintindihan ang mga nararamdaman ko, nasasaktan ba ako ng nakita ko ulit si Liam o masaya dahil nagsisisi siya sa mga nagawa niya? Haaay, di ko na alam.
"Charlotte, bakit?" tanong ni Darla sa tawag ko.
"D-darla, n-nakasal-lubong ko kanina si L-liam at gu-gusto niyang makipagbalikan sakin. D-darla, tulungan mo ko di ko na alam ang gagawin ko" naiiyak na ako habang sinasabi ko 'yon kay Darla.
"HAAAA?! Charlotte, nasan ka?! Pupuntahan kita diyan, diyan ka lang wag kang umalis" mabilis at natataranta na si Darla at sinabi ko naman kung asan ako.
"Nasa b-butterfly sanctuary ako" sagot ko sa kanya.
"Cge-cge, papunta na ako diyan" at pagkatapos 'non binaba na niya ang tawag.
ILANG MINUTO...
"Charlotte!" napatingin ako sa likuran ko habang nakikita si Darla na hinihingal papunta sa'kin.
"Okay ka lang ba? tanong niya
Umiling ako, at hindi makasagot sa kanya. Sa totoo lang, habang naghihintay ako kay Darla napag-isipan ko na kalimutan na talaga si Liam at mag move-on. Sapat na ang sakit na binigay niya sa'kin. Pero hindi ko pa'rin malubos-lubos isipin na kaya niyang gawin lahat sa'kin yon na sa simula pa lang, nung nagbreak sila ni Candice ako lang ang laging nandiyan para patawanin siya at tulungan para maka move-on. Naging bestfriend ko nga na din siya eh, at tuluyan nahulog ako sa kanya pati siya din. Lumabas kami pa minsan-minsan hanggang sa isang araw na niyaya niya akong maging girlfriend at umo-o din ako. Pero anong ginawa niya? Sinaktan niya lang ako, at mas masakit don ay hiniwalayan niya ako, para makipagbalikan don sa ex niya na tinulungan kong makalimutan siya noon. T*ng*ina lang, ang sakit.
"Charlotte, ano ba talaga ang nangyari?" tanong niya ulit.
At 'yon kinuwenta ko sakanya ang lahat-lahat. Laking pasasalamat ko sa Panginoon na binigyan ako ng isang dakilang bestfriend. Minsan meron mang-misuderstanding saming dalawa, siya talaga ang unang magso-sorry kahit ako naman talaga ang may kasalanan. Kaya mahal na mahal ko tong bestfriend ko!
"Talaga?!" lumaki talaga ang kanyang mga mata at halos di maniwala sa mga sinabi ko.
"Oo, at gusto niyang makipag-usap sa'kin sa park. Darla, anong gagawin ko? Nalilito pa'rin ako." sabi ko sakanya.
"Hmm alam mo girl, may tanong ako sayo." sabi niya
"Ano?" tanong ko naman sa kanya
"Mahal mo pa ba siya?"
"M-medyo"
"Gusto mo pa ba siya bumalik sayo?"
"Hindi"
"Pupunta ka ba sa park mamaya?"
"Hindi" pagkasabi ko ' non tumawa si Darla. Sa bilis ng mga tanong niya, hindi ko namalayan ang mga sinasagot ko.
"Yun naman pala eh!" sabay hampas sa'kin. "Wag kang pumunta at wag kang mag-alala dahil mare-realize din ni Liam na wala ka na talagang feelings sa kanya" dugtong pa niya.
Napagisipan ko na, oo nga naman. Pag hindi ako pupunta, mare-realize ni Liam na naka move-on na ako sakanya at wala na talaga ang feelings ko sakanya. Ngumiti ako.
"Salamat talaga bessy, hindi ko talaga alam anong gagawin ko kung wala ka" pagkatapos 'non hinug ko si Darla at ang loka tumawa pa!
"Walang anuman bessy, basta sabihin mo lang sa'kin pag ginugulo ka ni Liam. Okay? Dahil makakatanggap talaga 'yon ng famous flying kick ni Darla." Tumawa siya, at hindi ko rin mapigilang tumawa rin.
Phew! Nakakapagod! Comment naman kayo diyan guys, please? :3 :/
