Chapter 2 | 记忆 (Memory)

6 1 2
                                    

"Ha? Kaluluwa ka nalang din?" tanong nito habang nakatingin sa daan.

Tumayo ako at naglakad. Sumunod naman ito.

"Oo kaluluwa nalang ako. Tsaka teka nga lang? Bakit ka ba sunod ng sunod?" seryosong tanong ko.

"I want to know your story of how you become a ghost." sabi nito.

"Ha? Are you crazy? I don't want to tell my story. Di ako nagkukwento ng talambuhay ko sa iba."

"Paano tayo magtutulungan kung hindi mo ikukwento?" Sabi nito.

"I don't need your help." sagot ko

"I will tell my story too in exchange.

Humarap ako at napatingin sa kanya.

"Yes. I want to know who you really are before I tell my story too." and then she smile at me.

"Sige. Kukwento ko. Pero make sure na hindi mo nako susundan."

Pumunta kami sa parke at dun ko sa kanya kinuwento ang lahat lahat.

Pero teka nga, paano nga ba ako naaksidente?

================================================================================

September 20, 2012 || 10:15pm ||

Isang gabi, habang naglalakad ako galing unibersidad, isang rumaragasang kotse ang paparating.

Walang sasakyan nun at lagpas alas diyes na ng gabi.

Nakikinig ako ng music sa cellphone ko ng hindi ko mapansin na may paparating na sasakyan.

Ilanng saglit pa ay nasilaw ako sa headlight ng sasakyan at nabundol ako ng sasakyan.

Nasaksihan ko ang mabilis na pagtakas ng driver.

"Tu..long.." Sabi ko habang duguan na nakahiga sa kalsada. Tumulo nalang ang luha sa mata ko dahil di na ako umaasa na may darating pang tulong. Sa kawalan at pagkaubos ng dugo ko, yun ang naging dahilan upang mawalan nako ng malay.

================================================================================

"Pagkatapos nun ay nagising na lamang ako sa rooftop ng hospital. Hindi ko na alam kung ano ang nangyari sa katawan ko tsaka kung bakit ako nagising sa hospital na yun."

"Nakakalungkot naman yung nangyari sayo. Sorry ah?" Sabi nito.

"Okay lang." Sagot ko "Oh ikaw naman. Ikwento mo naman nangyari sayo. Paano ka ba naging kaluluwa?"

"Paano nga ba?" sabi nito saka nag-isip. "Kase ganito, may tumulak sakin kaya ako nalaglag kase ako sa hagdan eh."

"Panong tinulak? As in tinulak ka talaga?" tanong ko.

"Oo." Sagot ko.

 Pero teka nga, paano nga ba ako naaksidente?  

================================================================================

Her POV

September 20, 2012 || 10:15pm

Habang naglalakad ako paakyat sa unit ko ng nakarinig ako ng away.

Tapos habang tinetext ko ang bestfriend ko, biglang may tumulak sakin. 

Hindi ko nakita yung itsura. 

Basta nalaglag nalang ako sa hagdan. 

Then ayun, pag-gising ko ng umaga, nasa hagdan parin ako ng apartment. Pag uwi ko dun sa apartment ko, nakita ko yung bestfriend ko na umiiyak. Tiningnan ko lang sya na hawak niya picture ko. Dun ko nalaman na comatose nako.

================================================================================

Napayuko ako dahil nalungkot din ako sa sinapit niya.

"Huwag kang mag-alala, mahahanap mo din yung nakasagasa sayo. Tutulungan kitang makamit yung hustisya na inaasam-asam mo." sabi nito. "Kaya cheer up!" sabi niya ulit.

"Oo. Mahahanap natin yung mga gumawa satin nito." Sabay ngiti ko.

"Ako nga pala si Arianne." ngiti nito sabay abot ng kanang kamay.

"Cedric." sabay abot ko ng kanang kamay atsaka nakipagshake hands.

"So friends na tayo?" tanong nito.

"Sure." sagot ko.


Habang nakatingin ako sa kalangitan.

Lagi ko noon tinatanong kung kailan ako makakaakyat.

Siguro ito yung sagot niya. Hindi ko pa oras. Binibigyan niya pa ako ng pag-asa na matapos ko ang aking misyon sa tulong niya.

At ang tulong na binigay niya.. si Arianne.


Kinabukasan..

Tumayo ako para mag-gala ulit.

"Isa nanamang panibagong araw para sakin, sakanya at sa lahat ng taong nabubuhay sa mundong ito. Salamat po, Ama." ngiti ko saka ako umalis.

Habang naglalakad ako sa hallway ng hospital, bigla akong nakaramdam ng sakit sa puso.

Unti unti akong nanghina tsaka nawalan ng malay.


Pag-gising ko, nakita ko ulit ang mukha niya.

Ang mukha niyang nag-aalala.

"A... rianne...?" sambit ko.

"Oo, ako nga. Okay ka lang ba?" tanong nito. "I was about to go to your place today pero nakita kitang nakahiga sa hallway at walang malay. Ano bang nangyari?" tanong nito na nag-aalala.

Ano bang... nangyari..?

Anong sakit yung naramdaman ko?

Anong kaba tong nararamdaman ko?

Hindi kaya ito na ang sagot sa mga tanong na hinahanap ko?

Tanong kung pano ako naaksidente?

================================================================================

N/A: Bitin mode muna hahahahha. Wala lang gusto ko lang kayo bitinin.


It Might Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon