Chapter 3 | 朋友 (Friend)

4 0 0
                                    

Nakatayo lang kami habang pinagmamasdan ang tanawin ng buong suidad ng Taipei.

"Alam mo ba kung bakit ako nandito sa Taipei?" pagsisimula ko ng usapan.

"Bakit?" tanong niya habang nakatingin sakin.

"Nandito kasi ako para magtrabaho as Waiter sa isang mamahaling restaurant malapit sa Taipei." sagot ko.

"Ahhhhhh." tingin nito sa malayo. "Ako naman para mag-aral." sagot nito.

"Alam ba ito ng buong pamilya mo? Alam ba nila nangyari sayo?" tanong ko.

"Wala naman silang pake sakin kaya nga ako nag-abroad eh." sagot niya.

"Awww.. Kung ganun, ako nalang magiging kasangga mo." sagot ko.

"Ha?" tanong nito.

"Pwede mo ko maging kaibigan. Yun ay kung gugustuhin mo." Sagot ko.

"Oo naman 'no? Gusto ko." sagot nito.

Bumaba siya sa kinauupuan namin at naglakad papuntang pinto ng rooftop.

"Tara!" kaway nito.

"Bakit?" tanong ko.

"May pupuntahan tayo." Sabi nito.

Agad agad akong bumaba at tumakbo sa kanya.


Habang naglalakad kami ay nadaanan namin ang isang pinto. Kulay asul ito at nagliliwanag.


"Alam mo ba 'yan?" tanong niya.

"Hindi. Ano ba 'yan?" tanong ko.

"Portal 'yan." sabi niya ng nakangiti.

"Ha? Paano?" tanong ko.

"Ganito... Isip ka ng lugar na gusto mong puntahan then makakapunta ka doon."

Nag-isip ako ng lugar na pwedeng puntahan hanggang sa naisip ko ang lugar na pupuntahan sana nung ex-girlfriend ko nung nabubuhay pako.

"Amsterdam." sambit ko.

"Tara na!" sabi nito.

Naglakad lang siya papunta sa kulay asul na pinto habang ako nakatingin lang sakanya.

Huminto sya at tiningnan ako. Binalikan niya ako sabay hawak sa kamay ko.

"Tara na. Wala namang mangyayaring masama eh. Tsaka proven and tested ito. 相信我 (Xiāngxìn wǒ .) Trust me." sambit nito sabay pasok sa asul na pinto.

Pagpasok namin ay lumiwanag ng malakas at sumarado ng kusa ang kulay asul na pinto.


Wala pang ilang minuto ay binitawan na ni Arianne ang kamay ko.

"Dilat na. We're here."

Pag dilat ng mata ko ay nasa ilalim kami ng tulay.

"Niloloko mo ba ko?" tanong ko.

Hinawakan niya ako pabalas ng tulay. Pag labas namin ay tumambad sakin ang napakagandang suidad ng Amsterdam.

"Wow." Yun lang ang nasambit ko.

"Sabi ko sayo magtiwala ka lang sakin eh." sabi nito. "Bilisan lang natin at baka hindi na tayo makabalik sa Taiwan."

Nilibot namin ang buong Suidad ng Amsterdam.

Tiningnan namin ang mga bangka na dumadaan sa ilog, mga tindahan na mala-quebec sa ganda, mga naglalakihang gusali na akala mo nasa Budapest ka, at iba pang kamangha mangha na pinapangarap kong makita about Amsterdam ay natupad na.

"Tara na. Kailangan na nating bumalik." Hawak ulit nito sa kamay ko at naglakad ulit pabalik ng asul na pinto.


After namin maglakbay ay nagpasalamat ako sa kanya.

"Thank you sa pagdala sakin sa pangarap kong suidad. Sobrang nagenjoy ako."

"Talaga?" tanong nito.

"Oo. Nag-enjoy akong kasama ka. Kung hindi dahil sayo, di ko mapupuntahan ang Amsterdam." Sabi ko sa kanya.

"Osige alis nako. Mag gagabi na. Bukas ulit." sabi niya.

Tiningnan ko lang siya habang naglalakad paalis sabay naglaho na parang hangin.

Habang ako, hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako na parang tanga.

Masasabi ko talagang nakatagpo ako ng bagong kaibigan sa kakagala ko bilang ligaw na kaluluwa.

Isang kaibigan na lagi kong sasamahan, dadamayan at poprotektahan simula ngayon.


Kinabukasan, habang naglalakad ako pababa ng hospital ay bigla nanamang sumakit ang dibdib ko.

Hinanap ko yun pero mabilis ding nawala agad ang sakit.

Hindi kaya related siya sa nangyari sakin?

================================================================================

N/A: Tulungan ninyo ko paano lalagyan ng cliff hanger at chemistry itong story ko. Huhuhu. I dunno how.


It Might Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon