"Torpe"

134 0 0
                                    

Ako yung tipo ng babae na hindi masabi ang tunay na nararamdaman, o sa tingin ng iba ay torpe, hindi ko man kayang sabihin pero kaya kong ipadama. Hindi ko man mabigkas ang bawat letra ng salitang " mahal kita", pero kaya kong ipadama sayo ang bawat halimbawa nito
Nakakapanghinayang lang dahil hindi ko ito masabi sayo, at hindi ko kayang ipadama sayo ngayon dahil sa sobrang katorpehan ko iba ang minahal mo.
Siguro nga sakin ay isa ka na lamang pantasya na kahit kailan ay hindi magkakatotoo, Tulad ng isang mangarap na kailan man ay hindi ko makakamit,
Masakit makita na may kasama kang iba, na mas mahal ka pa, at sa inyong mga mata mukang hindi na kayo maghihiwalay pa.
Siguro nga torpe ako pero tanggap ko
At alam ko kung hanggang saan lang ako
Hindi ako naghahangad na mamahalin mo pa ko.
Dahil isa lamang akong hamak na duwag na nilikha ng diyos para umasa sayo at hanggaan ka.

spoken poetry Where stories live. Discover now