"May Tayo Nga Ba Talaga?"

31 0 0
                                    

"May tayo ba talaga? "

Tayo nga ba talaga?
O nangangarap nanaman ako?.
oo tayo nga sa mata lang ng ibang tao,
tayo nga sa mata lang nating dalawa,
Tayo sa mga mata lang natin.
Kung tayo nga bakit sobrang daming tanong na gumugulo sa aking isipan?, Kung tayo nga bakit hindi mo ako pinapahalagahan?,
Kung tayo nga bakit tila wala kang nararamdaman?,
manhid kaba o sadyang wala ka lang pakielam?., Lahat naman ginawa ko masuyo ka lang,
Lahat ginawa ko isipin mo lang ako,
Lahat ginawa ko mapasaya ka lang,
Lahat ginawa ko malambing ka lang,
Lahat ginawa ko mahalin mo lang 
Lahat naman ginawa ko pero bakit tila kulang parin? Kulang parin. (😢😢)
....
Ayy oo nga pala.. 😞 kase hindi mo naman sinabing mahalin kita at gawin ko ang lahat para sayo,  diba?.. laki ko ring tanga eh😒 Kase umasa nanaman ako, umasa nanaman ako sa wala. Ang sakit umasa,  ang sakit sakit😭😭,  namamanhid na sa sakit, hindi na ko makadama sa sobrang sakit, pero heto parin ako umaasang sana dumating yung araw na ako naman yung suyuin mo,
Sana dumating yung araw na ako naman yung isipin mo,
Sana dumating yung araw na ako naman yung nagpapasaya sayo,
sana dumating yung araw na ako naman yung lalambingin mo,
sana dumating yung araw na ako naman yung priority mo,
Sana balang araw ako naman yung mahalin mo,
Sana.. Sana nga... Hanggang sana nalang ako.. kase alam ko sa sarili ko na hindi mo kaya ibigay lahat ng gusto ko kase hindi naman ako yung tinitibok nyang puso mo..

spoken poetry Where stories live. Discover now