Calvin's POV
Grabe rin pala talaga si Chlorine noh ubod rin talaga ng sungit.
Ang ganda ganda nga pero pangit naman ang kanyang ugali
Paano ko kaya mababago ang babaeng yun na yun naman talaga ang ugali nun.
Mabuti na lang na abotan ko pa ang malditang diyosa.
Sumakay na kami ng malditang diyosa sa van na sinakyan namin kanina.
Habang nag bi-byihe puro katahimikan ang namagitan sa amin.
Teka lang bakit naman kami mag uusap di naman kami close noh.
At parang malabo na din na maging close kami.
Kasi close rin kasi puso niyan.
"Ano nga pala ang ibig sabihin ng P.H.R?"bigla kong natanong
"Eh di mag research ka"mataray nitong sabi
"Hoy ipaalam ko lang sayo ha walang wi-fi doon"sabi ko
"The heck walang wi-fi doon?!"sabi niyaNaku patay bat ko ba sinabing walang wi-fi doon?
Sigurado akong tatakas naman toh.
Calvin kahit kailan talaga ang bobo mo.
Nanahimik na lang ako baka masabi ko pang walang kuryente doon.
Ilang minuto pa kami nag biyahe nang naka punta na kami sa probinsya namin.
Sa wakas naka punta talaga kami dito.
Kasi nakakatakot pala tong si Chlorine.
Tingnan ko palang nga siya halos maka ihi na ako sa sasakyan.XD
Inalalayan kong bumaba si Chlorine.
Hindi sa may gusto ako sa kanya sadyang gentle man lang talaga ako.
"Nagugutom ka ba?"natanong ko.
Walang malisya yun ha sadyang sinabi lang talaga ng ama ni Chlorine na alagaan ko siyang mabuti.
"Obvious ba?"sabi niya
Paano ko naman malalaman?
Ano ako manghuhula?!Mag sasalita na sana ako pero biglang dumating si mama.
"Oh anak nandito n ka na pala"sabi ni mama
Pero naagaw ang atensyon niya kay Chlorine.
"Sino yang babaeng yan?!"tanong ni mama sabay turo Kay Chlorine
"Ah ma siya nga pala si Chlorine este Chloe"sabi ko
Oh bakit ano ba ang masama kung nasanay na akong tawagin siyang Chlorine.
Kahit ngayon lang kami naging medyo close.
"Tinanong ko ba kung anong pangalan niya?"tanong ni mama
"Sinabi niyo po diba kubg sino siya?
Siya nga si Chloe"sabi ko
"Aba pilosopo kang bata ka!"sabi ni mama sabay kurot ng tenga ko at kinaladkad ako.Natanaw ko si Chloe na tumatawa na di naman masyadong malakas.
Masaya ako na nakatawa siya kahit nasasaktan man ako.
Teka ano ba ang sinasabi ko?.
Teka Calvin ililinaw ko lang sayo ha mas gugustuhin ko pang sumimangot siya kahit isang decada pa.
Wala akong paki alam!.
Sumunod si Chlorine sa amin.
Kinaladkad pa ako ni mama pero nang nakita niya si papa napabitaw siya ng tenga ko at agad naman akong nag tago sa likod ni papa.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Daughter
RomanceIsang utos na madaling sabihin pero mahirap gawin. Isang utos na mahirap tangihan pero mahirap rin pag gampanan. Tatangapin ko ba ito? Magiging rason nga ba ang kahirapan para gawin toh? Paano kaya kung malalaman ko na ampon lamang ako? Paano kaya k...