seven

187 15 3
                                    

Chloe's POV

Nagising ako sa isang kwarto na naka higa sa isang kama.

At naka full pa ang aircon.

Pero sa totoo lang ang init pa rin.

At itong kama ang tigas.

Parang mahihiya naman ata ang bato dito.

Umupo ako sa kama at aaktong lalabas pero biglang bumukas ang pinto at nakita ko ang isang anino ng lalaki na naka tayo lang sa pinto.

"S-sino ka?"tanong ko.

"Wag kang mag alala miss hindi ako rapist"sabi niya sabay ngiti.
"Eh tinanong ba kita kung rapist ka?,diba hindi"mataray kong sabi
"Eh diba sabi mo kung sino ako"sabi niya na parang inaasar ako.

Gusto mo palang mag asaran tayo ha.
Pwes ipatitikim ko sayo ang buhay na nahihirapan.

"Iba kasi ang meaning ng sinasabi ko"sabi ko
"Hindi ko naman sinabi na rapist ka ang tinatanong ko kong sino ka,kung ano ang pangalan mo.....tanga!!"sabi ko.

Tanga mo!!!!

He smirked.

At medyo lumapit sa akin.

Saka ko nakita ang mukha niya.

Nalaglag ang panga ko sa nakita ko

"J-jason??"

Bumalik na siya?
Akala ko ba hindi na siya babalik.
Akala ko ba doon na siya titira?

Bwiset.
Ang rami nang tumatakbo sa isip ko na parang kahit anong oras ay sasabog na ang utak ko.

"Miss me?"tanong niya na naka ngisi.

Paano kung sabihin kong oo?!!
Paano kung miss na miss na kita may problema ba doon?!!

"Ako namimiss ka?!"sabi ko
"Ang kapal talaga"bulong ko.

Iniwasan ko ang pag tingin sa kanya.

Na ikinawala naman ng ngisi niya sa kanyang mga labi.

"Are you still mad at me?"tanong nito

Nakukonsensya naman ako.

"Eh pano naman di  ako magagalit sayo!,iniwan mo akong nag-iisa at kung kailan kailangan kita,asan ka?,wala ka sa tabi ko!!"sigaw ko

Di ko na lang namalayang may luha na palang nag simulang mahulog mula sa aking mga mata.

Aish bwiset,hoy!! Chloe Anderson wag kang luluha mas pinapatunayan mo lang na mahina ka!.

Tumayo ako at tatakbo na sana pero napigilan lang ako nang hinawakan ni Jason ang braso ko.

"Bitawan mo ako"seryosong sabi ko pero naka talikod pa rin sa kanya.

Di niya pa rin binibitawan ang braso ko
"Kung lilingon ka sa akin at muling babalik sa akin gagawin ko ang lahat para mapatawad mo ako at liligawan kita ulit,ibabalik natin kung ano ang dapat kong ibalik"sabi nito sabay bitaw sa braso ko.

Pero mas pinili kong manatiling nakatalikod sa kanya at unti-unting lumakad palayo sa kanya.

"Kung yan na talaga ang napili mo nais ko lang sabihin na mahal na mahal kita"sabi niya.

Gusto kong lumingon sa kanya at tumakbo papalapit sa kanya at yakapin siya ng mahigpit.

Pero wala na,wala na kami.

Tumakbo ako palayo sa kanya.

Hindi ko namalayang may luha na palang pumatak sa mata ko habang tumatakbo ako.

Hindi ko alam,hindi ko alam kung asan ako pupunta basta ang alam ko tumakbo lang ako ng tumakbo.

Nang napagod ako pinunasan ko ang pisngi ko.

Kanina pa pala ako umiiyak halos mawalan na ako ng luha at baka mamaya dugo na ang lalabas sa mata ko.

Ano ba toh?

Napa hawak ako ng ulo ko ng maka ramdam ako ng pagka hilo.

Ano ba ang nangyayari sa akin?

Nakakaramdam na naman ako nito.

Mukhang mahihimatay na naman ako.

Pero bago ako matumba ay may narinig akong tumatawag sa akin.

"Chlorine asan ka ba?!,wag ka nang mag tago nag aalala na ako!,i mean baka nag aalala na ang papa mo!"sigaw niya

Ang boses na yun.
Ang pag tawag niya sa pangalan ko.
Di ako magkaka mali si Calvin yun

I smiled bago ako natumba pero malakas ang kutob ko nasalo ako ng asungot na yun.

Calvin's POV

Nakita ko si Chloe na parang nahihilo at kahit anong oras lang ay maari na itong matumba.

Kumaripas ako ng takbo nang na out of balance ang bruha.

Mabuti na lang nasalo ko ang bruha.

Ang bigat pala niya.
Joke lang.

"Chloe ayos ka lang ba?"alalang tanong ko sa kanya habang hinahawakan siya.

Hoy!,walang malisya yun ha.

"C-calvin?"sabi niya bago tuluyang naka paikit dahil siguro sa sobrang hilo.

Binuhat ko siya na parang bagong kasal lang kami.

Nang maka rating na ako sa bahay biglang napansin ni mama at ni Mia.

"Kuya ano po ang nangyari kay ate?"kabang tanong nito.

Akala kasi niya dahil sa kanya kaya nangyari toh kay Chloe.

"Ihanda mo ang hihigaan ni Chloe at mag handa ka rin ng mga gamot para sa kanya"tuloy-tuloy kong sabi
"O-opo kuya"sabi nito na natataranta na at tumakbo papasok sa bahay para ihanda ang hihigaan ni Chloe

Dumiretso ako sa kwarto ko para  maka higa si Chloe.

Tamang-tama nang maka punta ako sa kwarto ay tapos na si Mia magligpit.

Teka tao ba talaga tong kapatid ko?.

Ipwenesto ko si Chloe sa kama.

Tiningnan ko itong mahimbing na natutulog.

Parang gusto kong kurutin ang pisngi niya.

Pero baka isumbong ako sa tito niya tapos baka susunduin na ako.

Ayaw ko pang mamatay!!

Eh kasi pamangkin yan ni kamatayan.

Lumabas ako ng kwarto.

Nag  bugtong hininga ako nang nasa labas na ako.

Teka bakit ba umiiyak si Chloe kanina.

Tsaka bakit ba tumatakbo siya habang umiiyak?.

Ah basta ewan ko ba.
Bakit ba ako nag aalala sa Chlorine na yun?

Ewan ko parang sasabog na ang utak ko sa sobrang kaka isip.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Sorry sa slow update guys...

Busy kasi.
Preparing for the contest.

Kaya expect na lang po na slow update po ang chapter eight..

Hope maintindihan niyo guys

Love you all!!!!

Fighting:)

The Billionaire's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon