His Second Best

338 3 0
                                    

All rights reserved.

No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means without permission of the author except for brief quotations in critical reviews.

_______________________________________________________H_A_M_G___

H i s      S e c o n d       B e s t

By HennieAlyssa

Prologue

“S-Sorry pero tigilan na natin to,” Napatingin ako sa kanya. Nandito kami sa isang bench sa park na pag-aari ng tatay ni Sandara na pinsan ni Linkin. Funny no? Dapat nga napatawa ako pero iba ang nararamdaman ko dahil sa sinabi niya.

“B-Bakit?” Sabi ko nang hindi tumitingin sa kanya. Nakatingin pa rin ako sa braso na kanina ko pa kinukurot.

Buti na lang lagi akong pinaghihiwa ng sibuyas ng nanay ko kaya immune na ako. Immune na immune na ako sa sibuyas na katulad ni Rob.

Si PROF ROBERT.

Professor ko siya sa PE simula 1st Year hanggang ngayong 3rd Year College na ako.

At 2 years na kami. 2YEARS. DALAWANG TAON. As in dalawa.

Umabot kami ng dalawang taon na dalawa rin ang hadlang sa relasyon namin.

Unang-una.. Teacher siya. Estudyante ako.

At pangalawa… may girlfriend na siya.

KAKLASE ko.

Ang tanga-tanga ko no?

Simula pa lang alam ko nang mali..

Alam ko nang hindi tama..

Alam ko na…. kahit kailan hindi ako ang mauuna sa puso niya.

Na… Kahit anong gawin ko, Second Best lang ako.

Pero anong ginawa ko? Sinunod ko pa rin ang katangahan ng puso ko!

Pero kahit ang isip ko hindi maintindihan ang puso ko.. na tao lang ako at nagmamahal.

Wala naman talagang nakakaintindi sa akin.

At ngayon… hinihiling na niyang tigilan na namin ang lahat.

Hindi ko namamalayang tumutulo na ang mga luha ko. Hindi ko ito pinapahid. Baka sakaling makita niya akong umiiyak at hindi na niya ituloy ang sinasabi niya.

Nararamdaman niya sigurong humihikbi ako kaya napatingin siya sa akin. Kinabig niya ako at niyakap.

“Stop crying, babe.” Alo niya sa akin, sabay haplos sa braso ko. “It’s tearing me inside.” He then planted a kiss on my head.. and on to my cheeks.

Oh, God. I can feel his warmth and it makes me feel secure. I cannot let this man go.

“Don’t go.. Please.” Pagmamakaawa ko. “Hindi ko kaya..”

“Kailangan ko.” Sabi niya sa determinadong boses. Dahan-dahan niyang inihiwalay ang katawan niya sa akin. Tumayo siya, hinaplos ang buhok ko at sa mahinang boses ay sinabi ang mga salitang mas masakit pa sa kaalamang may mahal siyang iba…

“Tandaan mong importante ka sa akin..”

Importante lang ako sa kanya. LANG. Kasi kahit pagbalibaliktarin pa ang mundo,

I'm still HIS SECOND BEST.

One. Meeting The Hot Professor

"Shai!'' Sigaw sa akin ni Miah, ang boyfriend ko. "Tara na sa next class natin." Sabi pa niya sabay hawak sa kamay ko.

Compilations of her storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon