I Guess... I Wanted You More
(c) HennieAlyssa Wattpad
PROLOGUE
"Break na tayo, Pao. Nasasakal na ako." Biglang sabi sa akin ni Benetton habang nagdedate kami sa may park.
O_o ?
Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at pinisil ito. Tumingin siya sa mga mata ko at bumuntong hininga. Ang mga nasa mata niya ay parang nagsasabing 'Labag sa loob ko, pero kailangan.' .....
Huh?
Nakikipagbreak na siya sa akin?! Si BENETTON KO NAKIKIPAGBREAK NA SA AKIIIIIN??
"Huh?"
"Ang sabi ko..."
"Nakikipagbreak na ako sayo.. Kailangan muna natin eh. I need you to find yourself first." Tingin ko hindi ko naiintindihan ang mga sinasabi niya. Ano ba?! Magagalit na ba ako? Iiyak na ba ako? Pero... mahal na mahal ko siya. Yun bang tipong hindi ko na kayang mabuhay ng wala siya.
Tuwing umaga, tumatawag ako sa kanya para malaman kung papasok siya o hindi..
Tuwing tanghali, tinetext ko siya kung nakakain na ba siya..
Tuwing gabi naman, tinatawagan ko siya para itanong kung ano na nga bang nangyari sa araw niya.
Masama ba yun?
Mahal na mahal ko siya kaya ginagawa ko yun. Naiinis na ba siya?
Pero ngayon.......... nakikipagbreak na siya sa akin..
BAKIIIIIIT?!!
"Hindi mo na ba ako mahal??" sabi ko. Haha. Jinojoke lang kase ako ng gagong to eh.
Tumingin siya sa taas at sa kanan.. parang iniiwasan niya ang tanong ko. Binitawan na din niya ang mga kamay ko.
"Okay sige. Break na tayo. Sabi mo eh." Pacool ko pang sabi. Alangang di ko pa tanggapin?
Like, hello!
Lalaki na yung nakikipagbreak no!
Kinabig niya ang bewang ko at hinawakan ng dalawa niyang kamay ang ang mukha ko and gave me a soft peck on the lips.
A kiss that lasted for about 30 seconds...
Deh, 15 lang.
Pero naisip ko.. makikipagbreak na nga lang manghahalik pa!
Kaya itinulak ko siya.
"Break na nga di ba?! Pota kang gago ka! GO TO HELL!! Naiintindihan mo?! KUMAIN KA NG GOTO SA IMPYERNO, ULOL!"
One.
Not BenPao but BenKa
Ako si Pao. Paoline Gerah Villena. Sa buong buhay ko, isang beses pa lang ako nagmahal.
Pero hindi ko alam, kung minahal ba niya ako o nagpadala lang siya sa udyok ng ibang tao.
Ewan ko, ikekwento ko na lang lahat, kayo na ang bahala.
January 4, 2010
Batangas City
"Putek. Late na naman ako sa klase ko! Ampupu!" Sabi ko habang naglalakad sa kahabaan ng EDSA...deh, joke lang. Naglalakad-takbo ako ngayon sa covered walk ng campus namin.
Kalalagpas ko lang sa guard matapos kong ipakita ang ID ko. Haiyy naku. Kung may makakakita man sa akin ngayon, mapapagkamalan nila akong isang losyang na babae. Paano ba naman, sa kamamadali ko, nakalimutan ko nang magsuklay! Sino namang matinong babae ang lalabas ng bahay na di nagsusuklay?!! Ako lang! Ako! Kaya habang sakay ako ng jeep, sinuklay ko ang buhok ko gamit ang kamay ko. Para at least, kahit papano, magmuka naman akong presentable. Terror pa naman ang teacher namin sa 1st subject namin. Paktay talaga ako dun.
BINABASA MO ANG
Compilations of her stories
Storie d'amoreCompilations of my story/ies for easier download.