CHAPTER 7
June 17, 20**
Monday
[Yanna]
“O anyare sayo, Bessy? Bakit ganyan yung mukha mo? Agang-aga.” –Bessy asked me.
BTW, ayos naman kami ni Bessy. Paranoid lang siguro ako kaya ko naisip na may mali sa kanya. Hihi. We’re back to normal.
“Wala ‘to.” –I lied.
“Ge! Magsinungaling ka pa. So..ano nga?! I know you, Bessy.”
I sighed. Mukha rin namang wala akong choice..
**Flashback
(Sunday evening)
Van calling…
O? Bakit naman natawag ‘to?
“Hello?”
[Yanna..]
“O, Van. Bakit ka napatawag? May problema ba?”
[Aish! Wag na nga lang. Sige..bye n---]
“Hey! Ako wag mong binibitin ha. Ano nga yun? Van naman e.”
[E kasi…O SIGE NA NGA! Pero wag mong sasabihin kay Captain na sinabi ko ha! PLEASE LANG, YANNA!]
?___?
“Oo na! Sige na! Ano ba yun?”
[Kaya ko lang naman ‘to sasabihin kasi naaawa na ako sa kanya. Basta Yanna ha, wag mo namang sasabihin n----]
“VAN! Oo na nga. Ano ba kasi yun?! Pabitin e.”
[Eto na! *sigh* Kasi Yanna, ganito yun. Lagot ako kay Captain pag nalaman nya. Hinatid ka ba ni Captain pauwi nung Thursday?]
“Oo.”
[E nung Friday?]
“Oo. Ano ba naman, Van? Diretsahin mo na ako. Kinakabahan ako sa’yo e.”
[Oo na! Eto na! So ayun nga. Hinatid ka pala. NAHULI SYA NI COACH! Diba nanuod kayo ng practice ni Kysler nung Thursday, and wala don si Coach. Pagbalik ni Coach galing kung saan, hindi namin alam kung bakit pero sobrang init ng ulo niya nun. Sobrang hinapit nya kami sa pagpapractice. Bawat sablay na shoot namin nun, pinaparusahan nya. Tapos itong si Captain, alam nang badtrip si Coach, nakuha pang tumakas! Pagbalik nya, halos umusok ang ilong at tenga ni Coach sa galit. Pinarusahan pa. Nagextend ang practice ng 1 hour, damay kami. Pero si Captain, pinaglinis pa sya ng whole gym. Grabe si Coach! Hindi na naawa.]
“A-Ano? B-Baki-it? An—
[Alam ko narinig mo at naintindihan. Wag mo na ipaulit. Medyo mahaba! Tapos the next day, ganun pa rin si Coach. Sobra pa ring manghapit. Pero si Captain, hindi na nadala! TUMAKAS PA DIN! At ang punishment, 1 hour extension of practice for 1 week. Hindi nagreklamo si Captain. Tinanggap nya lang yung punishment. Kahit sobrang naaawa na kami sa kanya, wala kaming magawa kasi natatakot kami kay Coach. Mahirap na pag kami ang pinagbalingan. So ayun, sa halip na 6:30, 7:30 sya nakakauwi. Bantay sarado sya ni Coach. Then kahapon, nanuod kami ng practice game ng team na makakalaban namin. Madumi silang maglaro, Yanna. Maybe that’s why sobrang strict ni Coach. Si Captain?..late sya dumating. Almost di na sya nakapanuod. Siguro sobrang pagod kaya tinanghali ng gising.]
“M-Magkausap k-kami all night.”
[Ha?! Tsk. Nalintikan na. Tama nga na sabihin ko ‘to sa’yo lahat. *sigh* Hindi pinalampas ni Coach ang pagkalate ni Captain. Binalaan nya si Captain na kung hindi ito magtitino, tatanggalin nya ito bilang Captain ng team. OR WORSE, tanggalin sya sa team. Ayokong mangyari yun, Yanna. Kaya please. I need your help. Siguro by now, nagpapractice pa rin si Captain dahil nga nung punishment nya. To think na sobrang pagod kami sa whole day practices, kung ako si Captain, siguro nagcollapse na ako. *sigh* Nga pala. Extended ng 1 week ang whole day practices namin. Haaay. Nakakapagod na talaga, Yanna. Ngayon lang naging ganito si Coach. So ayun lang! Sorry kung binigla kita. Naisip ko lang na dapat mong malaman ‘to. Sige na, yun lang.]
BINABASA MO ANG
Journey to Happy Ending [HIATUS]
Teen FictionThere's this girl who once had a perfect life. Understanding friends. Supportive parents. Comfortable life. And oh-so-handsome and loving boyfriend. BUT what if destiny plays, and everything turns upside down?