Chapter 4 - suitor

0 0 0
                                    

Aerine POV

Pagkatapos namin gawin ni Cathy yung activity umuwi narin kami.

Naalala ko , sino kaya yung babaeng yun ? Yun kaya yung ipinalit sakin ni Kent ? Maganda naman siya , pero parang masungit. Wala na akong pake dun basta ako move on na :-).

"Cathy ? Gala tayo ?" Pang ayaya ko sa kanya .
"Bawal ako ngayon be , may lakad kami ni daddy next time nalang siguro"
"Ah okay, parang ayoko pa kasing umuwi sa bahay pero sige uuwi nalang ako tutulungan ko nalang si mama sa bahay"
"Tama yan be, para naman makapag pahinga pahinga naman si tita"
Pumunta kami ng parking lot at hinanap ang kotse niya , nasa bandang dulo daw kasi niya pinarada. Habang naglalakad kami may narinig akong parang nag aaway.
"Bakit kailangan mo siyang awayin!" Parang boses yun ni Kent! Titignan ko sana kaso biglang tumigil si Cathy at sinabing
"Eto na pala yung kotse be, masyado na talaga akong makakalimutin."
Pumasok na kami at di ko nalang inintindi yun.
Nang maihatid naman niya ako sa bahay,
"Bye, ingat ah and thank you sa paghatid"
"Welcome, ikaw pa ba" ang bait talaga ng kaibigan ko noh inggit kayo hehe.
Pumasok na ako sa bahay then nakita ko si mama na nakaupo sa sofa na natutulog.
Masyado atang napagod ang mama ko kakagawa dito sa bahay , wala naman kasi kaming katulong di kami ganun kayaman katulad kila Cathy.
Naaawa ako sa mama ko, tumatanggap din kasi siya ng labada , andami siguro nagpalaba sa kanya tas siya pa ang nag aasikaso samin.
"Ma..ma.." ginigising ko si mama.
"Oh anak andyan kana pala, kumain kana ba ? Gusto mo ipagsandok kita ?"
"wag na po mama kaya ko po ang sarili ko magpahinga nalang po muna kayo dyan. Ako na ang tatapos ng ibang gawain".
"Pasensya na anak ah di ko natapos , sumama kasi yung pakiramdam ko"
"Mama naman eh , dapat nagpapahinga kasi kayo." Bigla akong napaluha at niyakap ang mama ko naaawa na talaga ako sa kanya. Tas lagi pa silang nag aaway ni papa.
"wag kana umiyak anak, ayos lang naman ako, kaya ko pa toh"
"Ma wag na po kayong magkunwari alam ko pong nahihirapan na kayo may trabaho naman po si papa bakit kailangan niyo pang tumanggap ng labada ? Wag na po kayong tumanggap ng labada ah."
"hindi pwede anak kulang naman ang inuuwing pera ng papa mo , baka pag tumigil ako sa pagtanggap ng labada baka kapusin tayo"
"kala ko ba mataas ang kinita niya araw araw , san napupunta ang kita niya ?"
"Di ko rin alam nak."
"Sige na ma , magpahinga po muna kayo , ako na bahala dito."
At umakyat na nga si mama , umakyat din ako at pumunta sa kwarto ko para magpalit ng damit. Pagtapos kong magpalit bumaba na ako at pinagpatuloy ang paglilinis na di natapos ng aking mama.
Naawa na talaga ako sa kanya, di ko alam kung paano ko siya susuklian.
--
After 1month

Lumipas na ang isang buwan , parang wala na akong pakielam kay Kent di na ako nasasaktan sa tuwing makikita ko siya.
Papasok na ako ng school , naglalakad na ako papunta sa room
"Aerine!!" Lumingon ako at nakita ko si Jeremy na kumakaway.
"Ah ikaw pala Jeremy"
"Sasabayan na kita sa paglalakad"
"Ah sige, ikaw bahala"
Parehas lang kaming tahimik. Nandito na kami sa tapat ng room namin kaklase ko kasi si Jeremy sa first subject which is Analytic Geometry. Pumasok na kami at naupo. Tumabi naman ako kay Cathy.
"Hi be ang aga mo ata"
"Oo naman, ako pa ba? "
"Himala nga eh!"
"May kasabay kasi ako kanina eh,"
"Sino nanaman ?"
"Maka nanaman ka naman dyan!.parang andami ko ng nakakasabay na iba"
"Bakit hindi ba ?"
"Oo na nga sige na nga, Oh ikaw nga kasabay mo si Jeremy eh"
"Oh ano naman, kung Nagka sabay kami?"
"hmms"bigla niya akong tinignan na pang asar "Kayo na noh?"
"Para kang baliw Cathy, di nga nanliligaw sakin yun eh"
"So dapat sabihan ko syang ligawan kana niya para maging kayo na?" Di ko na siya pinansin at bigla namang pumasok yung prof namin.
naglesson lang siya ng naglesson
Lagi nalang hinahanap si x and y.
Bakit pa kailang hanapin si X ? Why?
charot HAHA
Nang matapos ang discussion inayos ko na ang gamit ko at pagtapos ko ayusin ang gamit ko pagtingin ko sa katabi ko wala na. Saan nanaman kaya pumunta yun si Cathy.
Lalakad na sana ako palabas kaso may tumawag sakin
"Aerine? .. pwede ba kitang makausap ?"si Jeremy.
"Ah sige ayos lang naman, about saan?"
"Ah-Eh- pwede ba akong manligaw ?"
"Sinabi sayo ni Cathy noh ? Lakas talaga ng trip nun pasensya kana ah "
"Anong sabi ni Cathy?"naguguluhang tanong niya.
"Na ligawan ako para daw maging tayo, kasi akala nya daw kanina tayo daw kasi nga magkasabay tayo."
"Seryoso ako Aerine, can i court you?" Nagulat ako, di ko alam na totoo pala ito. Di ko alam ang sasabihin ko.
"Ahmp ikaw bahala, pero wag umasang sasagutin ah"
"Bakit ? Wala ba akong pag asa sayo ?" Bigla siyang nag pout. Ayy ang cute niya hehe
"Hindi naman sa ganun , ang akin lang syempre kikilalanin muna natin ang isa't isa"
"Ah Oo naman, ako na ang magdadala ng gamit mo" binigay ko naman ang gamit ko at naglakad na kami palabas
-----

like and comment if nagustuhan nyo

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 22, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Stupid PlayboyWhere stories live. Discover now