Chapter 2- Don't Me

0 0 0
                                    

Kaya pala ayaw akong patuluyin ni Cathy sa pagpasok , alam ko na , dahil ayaw niyang masaktan ako.
May biglang humila sakin at bigla akong niyakap
"Sabi ko naman kasi sayo , wag na tayong pumasok eh! Ang tigas naman kasi ng ulo mo" di ko alam ang sasabihin ko pero ang gusto ko ngayon ay umiyak , umiyak ng umiyak. Ang sakit parin pala kapag nakikita ko siya.
"Dalhin mo ako sa walang tao be , di ko na kaya tutulo na talaga toh"
At pumunta naman kami dun banda sa may park dito parin naman sa school dun kami pumwesto banda sa dulo kung saan wala masyadong tao.
"Ang sakit be , ang sakit sakit talaga."
At bigla akong napahagulgol.
"Sige ilabas mo lang, nandito lang ako para damayan ka" buti at may kaibigan akong katulad niya, kahit sobrang drama na talaga ng buhay ko nandiyan parin sya at dinadamayan pa rin ako.
"Di ko alam gagawin ko , pag nakikita ko siya naiiyak ako"
"Hay nako kaya ayokong magka love life eh, sakit lang kasi sa ulo yan. Pero kailangan mong magpakatatag , ipakita mo sa kanya na di siya kawalan "
Napatigil sa pag luha at biglang inayos ang sarili
"Oo, at ipapakita ko sa kanya na mali siya nang iwan ako!" bigla kong narealize na di ko siya dapat iyakan dahil wala syang kwenta.
"Tara na be uwi nalang tayo"
"Hindi !papasok tayo"
"papasok ka ng ganyan ang itsura mo?"
"Punta muna tayo ng cr hehe , mag aayos lang ako"
Pumunta kami ng cr then nag ayos ako , pag tapos ko mag ayos tinignan ko ang sarili ko sa salamin.
"Don't me Kent! Don't me!"
Pagtapos kong sabihin yun lumabas na kami ng cr ni Cathy. At naglakad na patungong engineering building.
At pagdating namin sa room namin naghanap na kami ng mauupuan namin ni Cathy , buti may bakante ba dun banda sa dulo pero malapit lang dun si Kent! Wala akong pake ! Umupo na kami.
"Oh hi Aerine" pagbati ni kent.
"Oh hello Kent!" Pabalik na pagbati.
May sasabihin pa sana siya pero dumating na yung prof namin. Wala naman masyadong ginawa kaya maaga kaming pinalabas.

- - - -
Ginaganahan ako ngayon mag update yipee !

Stupid PlayboyWhere stories live. Discover now