/ Kedo /
LAHAT nang mga nangyayari, minsan akala mo panaginip lang. Gusto mo'ng matakasan, pero kahit anong gawin mo. Nandiyan at nandiyan lang.
KAHIT ayaw mo na wala kang magagaw kundi ang gawin nalang, ang labanan dito. Pahabaan ng buhay.
KASALUKUYAN ako'ng naglalakad papasok nang eskwelahan. Kung saan ako nag-aaral, ang eskwelahang ito 'ay kakikitaan mo nang kaguluhan at maling pamamalakad nang mga nasa itaas nito. Dito kung mahina na ka, asahan mong iiyak at tatabi ka nalang sa gilid.
NASA kalagitnaan palang ako ng campus nang makita kung papalapit sa'kin ang grupo nila Santi. Ang numero unong bully at isang ring tarantado at mandaraya. Wala pang gaanong tao dito dahil maaga pa.
"HOY KEDO!"
Tiningnan ko lang siya. At tumayo nang tuwid habang nakasuk-sok ang dalawang kamay ko sa itim na slacks kung suot. Alam ko na naman kailangan nito. Tssk!
"GAGO KA! Bakit di mo ginawa 'yong pinagagawa ko?"
NANLALAKI ang mga mata ni Santi habang humihit-hit ng segarilyo. Ang kasama naman nito ang sama makatingin
"AYOKONG GAWIN"
SIMPLENG sagot ko. Nagpatuloy ako'ng lumakad kahit nakaharang sila sa daraanan ko
"PUTANG INA MO! Gago ka ba?"
SINGHAL nito sa'kin. Ayoko sa lahat 'yong sinisigawan ako, at lalo na kapag ayokong gagawin. Ipipilit mo sa'kin.
"UMALIS kayo sa daraanan ko"
Matigas na mahinang tonong salita ko.
"ANG YABANG MO AH! Kahit hawak ka ni Monching. Wala ako'ng pakialam"
NAG-GAGALAWAN na ang tenga ko sa mga naririnig ko. Humakbang muli ako ngunit mas lalo pa silang humarang sa daraanan ko.
ASAR na yumuko ako.
"HUWAG kang magyabang kundi dahil kay Monching, malamang nabubulok na sa lupa 'yang kayabangan mo. Haha"
Dito na nagpanting ang tenga ko. Pagtingala ko kasabay nang pag-angat sa ere nang kamao papunta sa mukha ni Santi. Halos tumabingi ang mukha nito
"TANG-INA mo Kedo!"
Sumugod na ang dalawa sa'kin, ngunit ni hindi man lang sumasayad ang kamao nila sa'kin
"TSSK! Mahihinang nilalang"
Asar kung palatak. Hinawakan ko sa kwelyo ang isa at pinag-susuntok ko ang panget nitong mukha. Ngunit bigla nalang ako napatigil may kung anong tumusok sa tagiliran ko
NAPATINGIN ako sa ibabang bahagi ng tagiliran ko. May pulang dugo, unti-unti ako'ng napaupo habang kapit-kapit ko ang tagiliran ko.
"GAGO yan lang pala katapat mo. Yabang mo"
TININGNAN ko lang ng masama si Santi.
"HOY ANO YAN!"
AGAD na nagsitakbuhan ang mga gago, pagkakita sa guard.
Salamat sa mga makakapansin ng story ko.
BINABASA MO ANG
GANGSTER
Короткий рассказLahat nang nakakita sa kanya at nakakakilala. Gangster ang pagkakakilala sa kanya. lahat nang maiisip niyo tungkol sa gangster ay nasa kanya. -Kedo Ang Gangster-