/ KEDO /
MAG-DIDILIM na nang lumabas ako ng school, ganitong oras talaga ako umuuwe. Ayoko nang maraming nagpapansin sa'kin.
NAGLALAKAD na ako nang may tumawag sa pangalan ko. Iilan lang ang may alam ng pangalan na KEDO dahil kilala ako dito bilang si KIOS HAN, 18year old. 4rth year high school, dapat college na ako kaso ayoko pang umalis dito hangga't nandito parin ang mga gagong guro.
"KEDO!"
HINDI KO ugali ang huminto kapag tinatawag ako, pero hindi ko alam kusang huminto ang mga paa ko sa paglalakad. Familiar kasi sa'kin 'yong boses niya, nagulat nalang ako at nandito na siya sa harapan ko.
"ALAM KUNG ikaw si KEDO, dahil huminto ka nung tinawag kita"
TININGNAN ko siya nang masama, ngunit agad siyang yumuko kaya nagpasiya na ako'ng iwan siya. Nilagpasan ko na siya, akala ko tatahimik na siya.
"GUSTO KO lang naman malaman kung magaling ka na ba!?"
HUMINTO lang ako sandali.
"HUWAG KA ng didikit sa'kin"
HULING SALITANG binitawan ko. Nagmadali na ako'ng lumakad papalabas ng gate.
PAG-LABAS KO nakita ko agad si EKING ang isa sa galamay ni MONCHING ang may hawak sa'kin. Memyembro ako ng isang GANG ito ang kinalakihan ko.
"KEDO, pinapatawag ka ni Bossing MONCHING"
TININGNAN ko lang siya. Tumango lang ako.
Habang binabagtas namin ang papunta sa hide-out ni MONCHING naisip ko 'yong babae kanina. Ngayon lang kasi may naglakas ng loob na lumapit sa'kin at kausapin ko.
NAKALIMANG liko na kami bago makarating. Tatlong lalake ang nakabantay sa pinto at puro may mga nakasok-sok na baril sa tagiliran.
PAG-PASOK sa loob nakita ko agad si MONCHING. Siya ang leader namin, Ang leader ng GANG KILLERS. At isa ako dito, si MONCHING ang nagpalaki sa'kin at siya rin ang nag-turo ng lahat sa'kin. Palaboy ako nun nung ampunin ako nito.
"YAN BATA dalhin mo 'yan kila MR. VARGAS"
HAGIS NITO sa harapan ko nang isang di kalakihan na bag, naglalaman ito ng mga shabu at kung ano-ano pang mga Drugs.
BIT-BIT ang bag walang paalam na umalis ako. MR. VARGAS ang isa sa subject teacher ko, ang walanghiyang teacher at puro kababuyan ang alam.
KASALUKUYAN ako na ako'ng naglalakad nang sa may di kalayuan, may nahagip ang mata ko. At walang iba kundi SANTI na Buwaaya. May target na naman siya upang hingan ng kung ano-ano sa studyante. Hahayaan ko na sana nang marinig ko ang pangalan at ang boses na hanggang ngayon di mawala sa pandinig ko.
"WALA AKO'NG alam 'kay KEDO"
NAPAHINTO na ako at dahan-dahan na naglalakad. Walang kamalay-malay si SANTI.
"SIGE IBIGAY mo nalang sa'kin ang pera mo, pati cellphone mo"
"KUYA PAMASAHE ko nalang po ito, ito nalang cellphone ko"
NAKITA KO NA i-aabot na nito ang cellphone nito.
"HUWAG MONG ibigay sa kupal na 'yan"
NAPALINGON ang dalawa sa'kin. Hindi nila ako agad na napansin dahil may kadiliman dito sa lugar.
"TANG-INA buhay ka pa pala?"
NAKANGISI nitong tanong nito sa'kin. Habang nilalaro nito ang balisong na hawak nito.
"UMALIS KANA Santi!"
MARIIN na utos ko.
"TARANTADO KA!? Inuutusan mo ko?"
PASUGOD NA siya saakin.
NAKAHANDA naman ako at nag-hihintay sa atake nito. Papalapit na siya sa'kin, bago pa umabot sa'kin ang hawak niyang balisong nasipa ko na to at tumalsik sa di kalayuan.
"LINTEK!"
PALATAK NIYA, pasugod na muli siya sa'kin gamit ang kamao niya. Mabilis ako'ng kumilos patakbo na sumugod ako at buong pwersa ko siyang sinuntok. Pabagsak na sumad-sad siya lupa.
"TAMA NA YAN KEDO!"
NARINIG KUNG awat nitong babae. Tiningnan ko lang siya, muling binalik ko ang paningin ko 'kay SANTI. Unti-unti na itong bumabangon, mabilis na lumapit ako dito.
DINAKLOT ko ang kwelyo niya, akmang susuntukin ko na muli siya ng--
"TAMA NA KEDO! Di na ako lalaban"
NAPATIGIL NAMAN ako, at tiningnan ko siya.
"GAGO!"
SAGOT KO. Saka ko pinag-susuntok sa mukha ng ilang bises. "TARANTADO KA! May utang ka pa sa ginawa mo sa'kin"
"OH MY GHA! KEDO TAMA na yan! Hindi na siya gumagalaw"
DUN LANG ako natauhan nang magsalita 'yong babae.
PAGTINGIN KO sa itsura ni SANTI halos mapuno na ng dugo ang buong mukha nito. Dahil sa walang tigil na pag-suntok ko
"DUMUDUGO tagiliran mo"
NAKITA KO na bumakat ang dugo sa puting uniforme ko. Tumayo ako at dahan-dahang umatras, hanggang sa mapasandal ako sa pader.
"SANDALI LANG hihingi ako ng tulong"
"HUWAG, kaya ko. I-abot mo nalang sa'kin 'yang bag"
Impit na napasinghap ako, dahil kumikirot ang sugat ko. Bakas sa inosenteng mukha nito ang pag-aalala sa'kin.
"SIGE NA UMUWE ka na"
TABOY KO sa kanya, pero tahimik niya lang ako'ng pinagmamasdan.
"AH KEDO.... KASI"
NAPAKUNOT ANG noo ko. "UMUWE KA na at sa susunod huwag kang nagpapagabi"
"ALAM KO naman yon, kaya lang kasi ang totoo niyan. Naligaw ako"
HINDI AKO makapaniwala sa sinasabi niya. "ALAM MO miss, iwasan mo 'yang katangahan na yan. Dahil mapapahamak ka"
INIS NA kumilos na ako at naglakad na.
"ITO NAMAN, sakit mo magsalita. Talaga namang naligaw ako, firstime ko dito sa maynila"
HUMINTO AKO sa paliwanag niya. "TSSK! Saang planeta ka ba galing?" Inis na palatak ko.
"PROBINSIYANA ako"
"TSSK! Huwag mo nga ako'ng pinagluluko, diretso ka magtagalog"
LUMAKAD NA ako, dahil ayoko sa mga taong sinungaling. Akala ko matatahimik na ako.
"SAAN KABA pupunta?"
NAGULAT AKO dahil nakasunod lang pala siya sa'kin.
"BA'T DI KA PA UMUWE!?"
ASAR NA tiningnan ko siya, pero nakangiti pa siya sa'kin.
"HINDI KO NGA kasi alam kung saan ako dumaan kanina, sabi kasi ng SANTI alam niya daw. Tapos sa iba niya pala ako dinala"
TININGNAN ko lang siya
"SAKA INAALALA kita, hindi pa pala magaling sugat mo"
NAKATINGIN siya sa tagiliran ko.
"BOBO KABA? Sabi ko sayo huwag kang didikit sa'kin"
INIS KUNG bulyaw sa kanya, ayoko sa lahat 'yong may nagsasabi na nag-aalala sila sa'kin. Dahil alam kung puro kasinungalingan lang.
"Ay grabe ka naman, maka-BOBO ka naman. Sige di na kita kukulitin"
EWAN PERO parang kinurot ang puso ko, nang makita kung naging malungkot ang mga mata niya.
UN: Salamat sa suporta guys. Subrang nakakagwapo talaga. Hehehe
Salamat sayo Ms. NothingButABitch_16
BINABASA MO ANG
GANGSTER
Historia CortaLahat nang nakakita sa kanya at nakakakilala. Gangster ang pagkakakilala sa kanya. lahat nang maiisip niyo tungkol sa gangster ay nasa kanya. -Kedo Ang Gangster-