chapter 2

15 6 2
                                    

Nicko's Pov

Eto nanaman ako na pabalik-balik tsk. bakit ba kasi di kami nauubusan ng customer? Sa mga oras na to dapat nakauwi na ko eh

"Nicko serve mo to sa table 7"rinig kong sabi ng kasamahan ko at kahit na napapagod na ako kakalakad eh kinuha ko pa rin ito at hinanap ang table 7

"here's your order"nakangiting sabi ko sabay lagay sa table ng order nila

"Salamat iho"nakangiti ding sabi nung isang babae at tumango na lang ako bilang sagot

*sigh*

Bakit ganon?

Hindi ko talaga maiwasan na hindi makaramdam ng kirot sa dibdib ko sa tuwing may nakikita akong nanay kasama ang anak nilang lalaki?

Alam kong oras ng trabaho ko ngayon pero gusto ko muna manatili sa CR.

Langya, naiiyak nanaman ako!

Bakit kasi....

bakit kasi kailangan pa mangyari yun?masaya naman kami ni nanay kahit dalawa lang kami at kahit hindi kami tatlong beses kumakain sa isang araw okay lang...

sariwang-sariwa pa sa alaala ko ang mga nangyari dati

kung bakit ba kasi nakilala pa namin yung putek na lalaki na yun HAHA nagkanda-letse letse na ang buhay namin

Tss syempre nung una mabait ang stepfather ko pero habang tumatagal unti-unti na lumalabas ang tunay na kulay nya!Lagi naglalasing,nagsusugal tapos pag di nabigyan ng pera binubugbog nya ako

Okay lang sana kung ako lang eh pero pati ang nanay ko idadamay nya?!napaka-walang puso talaga

Nagtitimpi pa ako sa kanya nung una eh pero nung isang araw habang pauwi ako galing school nakasalubong ko syang lasing na lasing dahil malaking halaga ng pera ang natalo nya sa sugal...

hinigit nya ang braso ko hanggang sa makauwi kami sa bahay

wala syang pakialam kung mabali na ang buto ko at nung pagpasok namin sa bahay nag-away na sila ni nanay hanggang sa yung boteng hawak nya ay binasag nya

Putek!Alam ko na ang kasunod na gagawin nya pero hindi ako makagalaw at nanginginig ang buong katawan ko

Natatakot ako nun sa gagawin nya pero nung makita kong naglalakad na sya at akmang sasaksakin si nanay...bigla na lang ako nagkaroon ng lakas na loob na lapitan sya

"Aba!Hayop sya!Subukan lang nya saksakin si nanay!"Yun ang tumatakbo sa isip ko nun kaya kahit nahihirapan ako agawin sa kanya yung basag na bote eh pinilit ko ito kuhanin sa kanya

Pero...

pagkatapos ng ilang segundo natigil na ang pag-aagawan namin ng basag na bote

Bakit??

bakit may dugo ang kamay ko?nasaksak ba ako?

o dahil...

may nasaksak ako?

Nung mga oras na yun hindi ako makapagsalita...naririnig ko ang iyak ni nanay at pati na rin ang paghihingalo ng hayop na stepfather ko

Gusto ko magsalita pero walang lumalabas na boses mula sa bibig ko

hindi ko sinasadya...

Hindi ko naman gustong saksakin sya eh.

ilang minuto pagkatapos ang insidente na yun ay may narinig kami ni nanay na sigawan ng mga kapitbahay kasabay ng pagpasok ng mga pulis at isang babae na asawa daw ng stepfather ko

Gwapitos(comedy&sliceoflife)Where stories live. Discover now