Chapter 13

87 8 1
                                    

Chapter 13

"Good morning sir."

"Tell me, what's good in the morning if all of your works are trash!"

"Meeting at 10!"

"My gas! Papagalitan na naman ba tayong lahat?" Iyon ang una kong narinig pagkapasok ko ng department namin. Naabutan ko pa ang boss namin na tila wala na naman sa mood.

"Badmood ba si sir?" Napatingin naman sa akin yung mga kaopisina ko.

"Late ka kasi kaya di mo naabutan ang pagsigaw niya. Napagalitan na naman kami. Teka nga, sa laging napapagalitan kami wala ka...nasesense mo ba kung kailan badmood si sir?" Nagkibit-balikat ako at ngumiti.

"Kainis. May meeting tuloy ng 10 tambak pa naman ang gagawin ko ngayon." Reklamo pa ng isa naming kasama.

"Bakit daw?"

"Natural manenermon na naman." Simangot na sabi nila.

"Mabuti nalang pala field ako ngayon." Mapang-asar na ngiti ang pinakita ko sa kanila.

"Alam mo minsan girl, sarap mo sabunutan. Hindi mo na nga naabutan yung pagsigaw niya kanina tapos ngayon makakatakas ka pa sa meeting niya na puro panenermon lang ang ganap. Saan ka ba pinaglihi girl? Swerte mo masyado." Natawa naman ako sa sinabi ng baklang katrabaho ko.

"Well, sorry fans. Mukhang kakambal ko ang swerte eh."

"Huwag na kayong malungkot. Next time, dadamayan ko na kayo sa galit ni sir." Biro ko sa kanila sabay kindat.

Binalingan ko yung bakla kong kaopisina.

"Akitin mo kaya bakla?"

"Me? No way! Mahal ko ang trabaho ko no. Remember, the last time na may lumandi sa kanya na empleyado dito kinabukasan tegi na si ateng." With action pang sabi nito. Sumang-ayon din sa kanya yung mga kasama namin. Tumingin ako sa relos ko at malapit na palang mag-alas dyes kaya nagpaalam na muna ako sa kanila.

"Saan na naman kaya ako pupunta ngayon?" Mahinang tanong ko sa sarili ko habang hinihintay ang elevator.

"Why aren't you in the meeting room." Nabigla ako sa nagsalita at nilingon ito.

"Good morning sir." Bati ko. Mabuti nalang hindi ako nabulol ng magsalita ako.

"Answer me lady, there's a meeting and here you are. Outside." Ramdam ko ang iritasyon sa boses nito.

Napatingin ako sa elevator na limang palapag nalang bago makarating floor ng kinaroroonan ko. Tumingin muli ako rito at huminga ng malalim.

"I am on field today sir so I can't join-"

"What's your department?"

"Most of the time sir nasa field ako. That's my work. I want to join the meeting but I can't." Sabi ko na hindi sinasagot ang tanong nito.

"Okay. Work hard. The company is paying you so give your best shot." Malamig na sabi nito at tinalikuran na ako.

"Yes sir. I will." Sagot kaya humarap muli siya sa akin na nakakunot noo.

Sakto namang bukas ng pinto ng elevator kaya pumasok na ako samantalang siya ay nakatayo lamang na tila sinusuri ako.

"What's your name."

"Ada. My name is Ada."sabi ko at tuluyan ng nagsara ang pinto ng elevator. Nakamasid lang ako sa salamin habang pinag-aaralan ang emosyong nakikita sa mga mata ko ngayon.

"Nakaya mo, Ae. Nakaya mo siyang harapin. Kaya mo ng mag-isa. Hindi mo kailangan ng ibang tao..."

"...pero masakit pa rin. Masakit na hindi na niya ako kilala. Hindi na niya niya ako maalala."

11:16 pm
08.19.17

3:05pm|12.13.17

What Makes a ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon