Chapter 35

98 5 7
                                    

Chapter 35

Pagkapasok ko ng bahay ay agad kong nakita si Dash na naghahanda na ng pagkain.  Oo nga pala, maggagabi na at hindi pa ako kumakain.

Tiningnan niya lang ako tsaka tinalikutan at naglakad papuntang kusina. Saglit lang iyon dahil lumabas ulit ito na may bitbit ng mga pinggan.

"As much as I want to continue our dram, I can't. It's already 6pm atsaka alang kong hindi ka pa kumakain kaya-"

"Mauna ka na. Mamaya nalang ako pagkatapos mo." Sa tingin ba niya magiging komportable ako na sabay kaming kakain pagkatapos ng naging pag-uusapan namin kanina.

Naglakad na ako papunta sa kwartong pinanggalingan ko kanina kaso napahinto ako ng humarang ito.

"No, you'll eat with me. Don't act like a child, Ae." Magsasalita sana ako kaso ng makita ko ang mga seryosong mata nito ay parang nanlambot ang mga tuhod ko.

"Maglalakad ka ba o bubuhatin kita?" Tila bumalik ako sa wisyo ng sabihin niya iyon.

Inirapan ko siya tsaka ako naglakad papunta sa may hapag. Akala mo kung sino, makapag demand parang boss lang. Argh! bakit naman ako sumusunod? Tsk.

"good girl" mahinang sabi nito pero rinig ko naman. Tiningnan ko siya at inirapan ulit.

Natakam naman ako pagkakita ko sa mga pagkain. Tila may sarili itong mga buhay at inaaya akong lapitan sila. Gutom na nga talaga ako. Nagulat ako ng bigla akong hilahin ni Dash paupo.

"Eat."

Imbes na tarayan siya ay tumahimik nalang ako. Nagsimula na akong kumuha ng pagkain para matapos ako agad at ng makabalik na ako agad sa kwarto.

Hindi ko maiwasang sulyapan siya na seryoso lang sa pagkain. Ang saya sana kung magkasama kami sa hapag at masayang nagkukwentuhan habang kumakain kaso malabo ng mangyari iyon. Hanggang pangarap nalang.

Napatingin ako sa phone niya na nakalapag sa mesa ng umilaw ito at ng makita ang pangalang rumehistro doon ay tila bumalik ako sa reyalidad na wala na talaga kaming pag-asa. Pag-aari na siya ng iba. Tumayo ito at lumabas. 

"Wag kang iiyak." Paalala ko sa sarili ko at pilit na ngumiti. Sunud-sunod ang ginawa kong pagsubo para matapos agad ako sa pagkain ko.

"Hindi naman ito eating contest so eat slowly Aerielle. Baka mabulunan ka pa dyan." napahinto naman ako sa pagsubo ko ng marinig siya. Ang bilis naman ata niya? Wala pang limang minuto ng umalis siya pero ngayon ay nandito na ulit siya. Naupo na ulit ito at nagpatuloy sa pagkain.

"Ahm, kamusta na kayo ng asawa mo? Hindi ba katatapos lang ng kasal niyo? Hindi niyo ba honeymoon ngayon?" Martir na siguro kung martir pero gusto ko lang naman malaman kung bakit siya nandito ngayon kasama ko. Dapat si Allana ang kasama nito at hindi ako. 

Tumigil ito sa pagkain at tinaasan ako ng kilay.

"You really asking me that?

"Huh?" takang tanong ko rito.

"Okay, to satisfy your curiosity. We're okay. May hindi lang kami pagkakaintindihan but i'm doing my best para maayos iyon. Yes, we're on our honeymoon and I am enjoying it so much. I really want to spend some time with Ada para mabawi ang mga oras na nawala sa aming dalawa but I think it will be great to have another baby. Kapag nagkaanak kami, hindi na siya makakawala sa akin or pakasalan ko siya ng paulit-ulit. The more wedding ring she have the harder she can get away from me." Nakangising sabi nito na tila tuwang tuwa sa ideyang naisip nito. Isang ideya na unti-unti namang dumudurog sa puso ko.

Kailangan pa ba niyang sabihin iyon sa harapan ko? Kakasabi ko lang sa kanya na mahal ko siya tapos ipapamukha niya sa akin ang mga plano niya para kay Allana. Ganito ka ba manakit Dash? Hindi nga pisikal pero ang mga salita mo naman ay parang isang matalim na kutsilyo.

What Makes a ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon