Chapter 11

106 6 1
                                    

Chapter 11

"Get up man! Bukas na ang kasal mo kaya lumayas ka na dito sa ospital. Masyado mo na akong napeperwisyo. Wala na akong matulugan dahil inaangkin mo na ang higaan ko!"

"Cloud, pwede bang ikaw nalang ang umattend?" Tamad kong sabi at umayos sa pagkakahiga.

"At ano? Sabihan sila na ako nalang ang magpapakasal dahil iba ang gusto mong pakasalawan. Na hindi mo na papanindigan ang responsibilidad na pakasalan si Allana?"napasimangot ako at walang ganang naupo habang ito naman ay hinila yung isang upuan tsaka naupo.

"Alam mo ba kung ano ang laging sinasabi ng tatay kong gwapo na nagmana sa kagwapuhan ko? Kapag gusto maraming paraan. Kung gusto mo talaga si Ada bakit di mo sabihin sa lahat ang totoo? Kung kinakailangan mong magdeklara ng digmaan makuha lang siya eh di gawin mo. I will support you no matter what. Listen dude, hindi mo kasanan kung napili siya ng puso mo. You just fell in love,Dash."

"Mabuti sana kung ganon lang kadali iyon." Halos pairap kong sabi at ang gago tumawa lang.

"Sabi ko nga, sobrang hirap ng pinasok mo. Ano ng balak mo ngayon?"

"I don't know. Mababaliw na ata ako-"

"Matagal ka ng baliw Dash."

"Sinong mas baliw?"

"Gago! Solohin mo muna."napangisi ako sa sinabi nito.

Ayokong balewalain ang responsibilidad na ito. Bata palang ako, hinanda ko na ang sarili ko para dito. Ito lang ang tumatak sa isipan ko habang lumalaki ako. Pero sa pagdating ni Ada, unti-unti kong nakalimutan ang resposibilidad na matagal ng nakaatang sa pagkatao ko at binuhay nito ang responsibilidad na tanging ang puso ko lang ang makakapagdesisyon.

"Why not we ask for help? Kay ate Brea kaya?" Napatingin ako sa kanya na mukhang seryoso sa sinabi nito. Talagang nag-iisip siya ng paraan para hindi matuloy ang kasal.

"Cloud, Brea is in MIA right now. Ano namang magagawa ng pinsan kong iyon?"

"Alam ko naman iyon ata alam ko ring alam mo kung saan matatagpuan ang pinsan mo. At kung anong magagawa niya? You know her very well Dash. Maybe, you're emp's favorite but ate Brea have the word. The final judgement is in her hands. Baka nakakalimutan mo dude...kayang-kaya niyang ibahin ang magiging desisyon ni emp sa isang salita lang."napahinto at napaisip ako sa sinabi niya.

Cloud's right! She is emp's queen! Bawat sabihin niya papakinggan iyon ni emp.

"You're right! May utak ka pa rin pala kahit papaano." Napapalakpak pa ako.

"Bwisit ka! Sinong nagsabing wala akong utak? Para saan pa't nagdudoctor ako ngayon kung wala akong utak!" Inis na sabi nito.

"Chill Cloud, i was just joking."

"Lumayas ka na nga! Kapag nakita ka na naman ng mga babaeng staff dito pagkaguluhan ka naman. Akala ata nila may libre kang papandesal."  Sinamaan ko ito ng tingin at hinampas ng unan na ikinatawa lang niya.

"Bakit? Sa yun ang tingin nila sayo eh. Sino bang nagpakita ng katawan sa kanila?"

"Shut up! Hindi ko naman akalain na papasok sila dito when I was about to change clothes."

"Exactly! Kaya nakita nila ang lihim mong panaderya. Wala ka ng magagawa, pandesal ka na sa paningin nila."

"Leche ka! Makaalis na nga!" Inis kong sabi tsaka lumabas. Kahit inis na inis na ako sa tingin ng mga babae sa paligid ko nakangiti pa rin ako.

Kailangan kong makausap si Brea, I know she can help me. Alam kong hindi ako papabayaan ng pinsan ko. Inabot din ako ng isang oras bago marating ang lugar niya.

What Makes a ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon