Chapter 1

680 21 8
                                    

Ara's POV

"Victonara! Bukas ka pa ba matatapos jan??"

Sigaw ni Kim. "Teka lang! Tapos na ako dito." Nag aayos na ako para sa dinner namin nila Kim at Cienne. Plus yung friend ni Cienne na kakauwi lang from US. Hindi na ako nag tanong kung sino yun. Basta gutom na ako. Haha. Sinuot ko na yung sky blue polo ko and a pair of vans. Inayos ko ang buhok ko at bumaba na ako.

"Ang tagal mo naman. Akala ko nag gown ka pa eh." Si Kim na kanina pa nag aantay. "Sorry naman. Sabi ko naman sayo mauna ka na eh." Kinuha ko na ang susi ng kotse sa coffee table at nag lakad na palabas. Sumunod na rin si Kim. "Pare naman. Pano ako mauuna dun eh wala ako'ng sasakyan. Coding eh." Natawa nalang ako at napailing. "Ayan. Kaya wag mag rereklamo ok? Haha. Oh ikaw na mag drive" binato ko ung susi sakanya. "Bat ako?" Nag tataka niyang tanong "Eh hindi ko alam kung san yung resto na sinasabi mo eh. Baka maligaw pa tayo. Kaya ikaw nalang. Thanks Kimmy haha" sumakay na ako agad sa passenger seat bago pa siya mag reklamo ulit.

Pag pasok namin sa resto eh agad naman namin na kita si Cienne. Pero siya lang mag isa. Akala ko apat kami?

"Hi Kim. Hi Vic." Bati ni Cienne at bumeso samin. "Na traffic lang saglit ung friend ko. Bat ba ang tagal niyo?" "Eto kasing si Victonara akala mo nag gown pa eh." Ako nanaman jusko. Pero ako naman kasi talaga. "San na yung friend mo Cienne? Nagugutom na ako eh." Sabi ko. Ang tagal naman kasi talaga. "Mag antay ka nga jan. Ako nga nag antay sainyo eh. Tumingin ka nalang ng oorderin mo." She rolled her eyes. Taray talaga nitong intsik na to.

Nang makapag isip na ako ng oorderin ko lumingon lingon muna ako, napansin kong maganda ang ambiance ng resto na ito. Sana isang araw makapag-pa tayo ako ng ganito.

"Hi sorry I'm late. Na traffic kasi ako sobra sa Edsa." Sabi ng babae. Bumeso siya kay Cienne at umupo sa harap ko. Ang ganda niya. Yung mga mata niya. Yung ngiti niya. Hala. Ano to? Love at first sight!?

"Uy Vic." Siko sakin ni Kim. Di ko namalayan kinakausap na pala nila ako. "Ah. Sorry. Ano ulit yon?" "Sabi ko, this is Mika. Friend ko. Mika, this is Vic and Kim" ngumiti ulit siya. Nakakahiya ako. Natulala ako. Ugh. Victonara naman eh.

"Oh Vic. Bat pa demure ka kumain jan? Akala ko ba gutom ka na? Haha" nako talaga to'ng si Cienne. Natawa tuloy si Mika. Nakakahiya. "Ano guys? Bar tayo after dinner?" Tanong ni Kim. "Sakin okay lang, baka si Mika may pupuntahan pa?" Sagot ko. Tumingin ako kay Mika at nag smile naman siya "Wala naman. So. Sure. Game ako."

"Ha? Bakit? Akala ko ba mag bar tayo?" Tanong ko kay Kim at Cienne. Tsk. Pano ba naman may emergency meeting daw sa boss nila na nasa ibang bansa. "Sorry Vicky. Biglaan lang rin kasi. Kung gusto mo kayo nalang ni Mika?" Nakakainis naman eh. Nahihiya pa nga ako kay Mika eh. Tsaka sasama kaya to sakin. Eh hindi pa naman kami masyado magkakilala.

"Sure. I don't mind naman." Sabi ni Mika. Oh, edi sige. Go na rin ako. "Okay lang Mika? May dala ka ba'ng kotse?" Sabi ko habang napakamot ako sa ulo. "Yes. Ikaw ba?" ang ganda niya talaga. Tas did I mention ang tangkad rin niya? "Ah oo eh, pero okay lang kung yung sayo nalang gamitin natin? Papadala ko nalang ung kotse ko kay Kim." "Sure." She flashed me her beautiful smile again.

Pag dating namin dito sa bar eh pinagtitinginan talaga si Mika. Pano ba naman hindi, eh ang suot niya. Fitted na black dress. It compliments her body. Ang sexy niya. Haha.

Nag order na kami ng drinks namin. At nung nakarami na kami ng inom, nahahalata ko na na medjo may tama na rin si Mika "Sayaw tayo?" Bulong niya sakin. "Sure." Tumayo kami at nag punta sa dance floor. Ang hot niya sumayaw! Grabe halos lahat pinagtitinginan na siya.

Hinawakan ko siya sa bewang at hinila ko siya papalapit sakin. "Just pretend we're together. Yung mga lalake kasi kung makatingin sayo." Bulong ko sakanya, I heard her giggle at patuloy parin siya sa pag sayaw, this time she clings her arm sa neck ko and she's running her fingers sa hair ko. Oh shit! Ang hot lang. "Hmmmm. Ang bango mo naman." she's smelling my neck. Nakikiliti ako.

"Hi miss. Pwedeng tayo naman mag sayaw?" Tanong nung lalake kay Mika. Nako baka masapak ko to. Mukha pa'ng manyak. "Can't you see I'm dancing with my girlfriend?" Irap niya dun sa lalake. "Girlfriend? Sa ganda mo'ng yan pumapatol ka sa babae? Di ako naniniwala." Aba gago to ah. Di hamak naman na mas gwapo ako sakanya. "Ayaw mo talaga maniwala?" Tanong ni Mika at nag umiling lang naman ang lalake. What Mika did next surprised me. Naramdaman ko nalang ang labi niya sa labi ko. She's asking for entrance. Ewan ko ba. Pero ayoko'ng itigil niya to. Hinila ko pa siya para madiinan ang halik namin.

------

So how's the first chapter guys? Vote and leave comments. Thanks! - U

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 15, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Forgot to Forget (Mika Reyes-Ara Galang Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon