chapter 4

96 7 2
                                    

Hellloooooo.........................

-----------------------------------------

~Rain~

Saturday na. Ang bilis lang ng mga happenings especially sa school. Wala naman nagbago. Ganon pa rin. Lecture dito lecture doon. Turo dito turo doon. Buhay pa rin naman ang asungot na 'yun kasama ang mga alalay niya. Kahit gusto ko na ngang ilagay sa sako at itapon sa Manila bay eh hindi ko ginawa. Aba! hindi pa naman ako ganon kasama no.

Anyway, since Saturday ngayon pupunta na lang ako ng mall. Alangan naman tumambay na lang ako dito sa mansyon edi boring 'yun. Makapagbihis na nga at makapunta na dun.

Mall....

Pagdating ko sa mall pinagtitinginan na ako ng mga tao. Natural lang talaga iyon sa mga magaganda. Totoo naman diba? diba? Ang umangal pangit.

Ayun nga tambay tambay lang sa mga bookstores yung ginawa ko. Hanap ng mga magagandang books para basahin. Typical me. Pagkatapos kong bumili ng libro at paglibot eh nakaramdam na ako ng gutom. Since hindi ko trip ngayon ang fancy restaurants at Mcdo or Jollibee eh pumunta na lang ako ng food court. Mas trip ko pa nga minsan ang food court eh. Pagkatapos kong bumili ng pagkain ko humanap na ako ng mga vacant seats. Lunch time nayon kaya punong- puno ang food court.

Nakahanap naman ako yun nga lang hindi pangdalawa. Malaki yung table. Pwede pa nga makaupo ang limang tao. Pagkaupo ko eh kain agad. Naman no, alangang titigan ko lang yung pagkain ko.

Habang ang full concentration ko ay nasa pagkain, hindi ko namalayan na may umupo pala. Kung hindi pa ito nagsalita hindi ko siya talaga mapapansin.

"Hey, look whose here Zeke". Pagtingin ko, yung isa sa mga alalay pala yun ni Mr. Jerk.

Tsk. Nakakaistorbo sila sa pagkain. Hindi ko na lang sila ulit pinansin at ibinalik ko na lang ulit ang konsentrasyon ko sa pagkain. Ngunit hinay-hinay lang ako sa pagkain. Mahirap na baka mabilaukan. May mga asungot pa naman sa harap ko.

 "So it is Ms. Sungit" - Zeke

*cough* *cough* "T-t-tubig". Bwesit nabilaukan pa ako.

Lahat naman yata sila eh nataranta. Pulang pula na kasi siguro yung mukha. Binigyan naman nila ako ng tubig. Hmm. Not bad. May mga puso rin pala sila.

"Are you okay?". Tanong sa akin ng lalakeng kulay blonde ang buhok.

Nainis naman ako. Tanga ba siya? Kita ng nabilaukan ako tapos magtatanong pa siya kung okey lang ako. "Do I look like I'm okey to you?"

Sheeyt. Napa-english tuloy ako.

"At saka pa pwedi ba huwag kayong mag-english diyan. FYI nandito kayo sa Pilipinas kaya magtagalog kayo. Gadd!" -ako yan.

Nagtawanan lang ang mga gago. Hmp. Makaalis na nga. Mukha yatang may mga sayat tong mga tao na to. Kinuha ko na lang ang bag ko at agad-agad na umalis. Pero bago ako tuluyang makaalis eh nahawakan ng lintek ng Zeke ang kamay ko.

^___- At ano sa tingin niya ang ginagawa niya. "What do you think you are doing? Don't touch me." -cold na pagkakasabi ko.

Mukha yata siyang nagulat kaya inalis ya agad ang kamay. Ugh. It's just ayoko ko lang na hawakan ako ng kung sino-sino at saka bakit ba ako nag-e-explain. Tch.

"Where are you going?" tanong niya.

"Kung makatanong parang tatay ah. Tatay ba kita at saka tigil-tigilan mo ako sa kaka-english mong yan ha. Pag ako nainis lagot ka talaga sakin." sigaw ko dito. Geez. Nakahigh blood lang.

Tinakpan naman niya ang dalawa niyang tenga. "Gezz woman. You don't need to shout. Masisira mo yata eardrums ko eh."

"Masisira talaga yang eardrums kung hindi ka titigil diyan. At ano ba ang kailangan mo ha? Last time I check hindi tayo close at lalong hindi tayo FRIENDS." talagang ine-emphasize ko yung word na friends.

Maybe His the One [ on-hold ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon