Lakas Naman Niya Makaramdam

74 2 0
                                    

New update na!!

yay!

___________________________________________________________________________

Good day!

Chip here!

eto na po ang bagong chapter ng KKB (Kanyang kanyang bayad jowk!!!! Kailan Kaya Babalik! ahhahhaha)

ang nakaraan....

ikwenkwento ko pa ba? wag na basahin nyo na lang uli ung last chapter pag kung nakakalimutan niyo nakakatamad itype eh

hahhahhaaah

soooo eto na!

STARTO!! (said with a japanese accent)

Gabi Gabi kami ay tumatambay sa bahay ni lola at kami ay naglalaro kami ng unggoy-ungguyan, at syempre meron pa ding parusa ung matatatalo. Lagi naming naeenjoy ang samahan namin kaya ginawa ni Ana na official group na nagngangalang "Isprikitik", wala naman meaning or anything at ang tanging purpose ng grupong to nato ay magsaya kasama ang mga miyembro ng Isprikitik. hahahahahaha

Isang hapon kakatapos lang namin maglaro ng patintero, nagpahinga muna kami at nag isip ng lalaruin.

"Habulan naman tayo." suggest ni Anton

"Anu ka ba nung isang araw nga lang napagalitan tyo nung matanda dun sa baba di ba?" malakas na sinabi ni Zelle

"Edi Agawan Base na lang" sabi ni William

"Hello?? Anu to? gusto mo kabila naman?" galit na sinabi ni Ainelle

"Anu ka ba... gusto lang naman ulit ni Will na habulin mo siya" banat ni Leo

"Oy indi ah!" deny ni William

"Edi Tagutaguan na lang" masayang sinabi ni Teah

"Wag ung normal na taguan, ung baliktad na taguan!" sabi ko.

"Ha? Panu yon?" gulat na tinanong ni Ana.

"uuuhhmmmm, marereverse ung roles ng mga mag tatago at ng maghahanap. Basically Ang Taya ung magtatago, while the rest ang maghahanap." inexplain ko sa kanila.

Sumangayon na lahat sa laro sinuggest ko.

nag "onte alis" na kami at ang unang magtatago ay si Zelle

Sinimulan na naming magbilang. (BTW hanggang 30 ang bilang kasi malawak kasi ung lugar eh, kaya medyo mahirap humanap ng tataguan)

pag lipas ng 30 bilang, nagsimula na kaming maghanap.

Sa paghahanap namin unti unti nawala ang mga naghahanap. ito ay senyales na may nakahanap na sa nagtatago.

Si Zelle pala ay nagtago sa puno malapit sa sasakyan ng tatay niya,ang unang nakahanap sa kanya ay si Ana, ako naman ang huli.

So Bilang na naman ng 30, si Ana naman ang magtatago. Pagkatapos mag bilang diretso hanap kami medyo natagalan kami pero pag tingin ko dun sa isang sulok sa tapat nung bahay ng kaibigan namin na si Jedd

Si Jedd nga pala dati na naming kaibigan pero minsan lang namin makita, medyo kulot ung buhok niya, matangkad, gwapo (daw), payat ng onti at medyo badboy ang dating (may hikaw epek din kasi sya). okay okay. back to the game

diretso agad ako sa pag tago dun, dahil wala naman nakakita sa akin eh. maya mya unti unti na kaming dumadami hangga't sa nahanap kami ni Anton. Dahil ako ang nakahanap kay Ana ako ung magtatago. Habang nagbibilang sila di ko alam kung saan ako magtatago. Sa totoo lang tlga di ako magaling sa taguan eh, pero marunong ako magpanggap. Soooo, di ko pinahirapan sarili ko sa pagtago, pwumesto ako sa tapat ng bahay nila Ana at umupo sa tabi ng gate nila katabi ng halaman. ahhaahhahaa! nagpapanggap akong halaman. narinig ko na sila nagsimula na silang maghanap, may onting kaba ako nararamdaman, baka kasi mahanap nila agad ako. Pero natagalan din sila hangga't sa bumababa si Yatz, dirediretso siya pababa ng road hangga't sa paakyat na siya at nakita niya ako. Natawa nga siya kasi ang obvious daw ng taguan ko pero di daw nila ako napansin tapos nun unti unti na silang dumating kasi madali lang naman ako makita eh

Kailan Kaya Babalik?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon