Switch I part 2

42 2 0
                                    

--

STEPHANIE'S SIDE

Nandito ako ngayon sa may maliit na mall kasama ang best friend ko na si Brian, paano kasi. Nagpumilit na gusto niyang sumama para daw may taga-protekta ako kung may mangyari man sa akin. Bwisit. Ano ako, baby? Tsh, ayun pinabayaan ko na lang sumama sa akin. Tutal, stroll stroll lang naman ako dun eh. 

“Brian?” Napatigil ako sa paglalakad at halos bumangga na sa likuran niyang ke lapad lapad kasi tumigil din siya sa paglalakad. Hindi niya ata ako narinig kasi nakatingin lang siya sa isang tindahan sa may harap namin, 

“Huy, Brian.” I poked his left cheek para makuha ang atensyon niya, pero no effect. Bwiset. Ano ba yang tinitignan niyang yan, ha? Bagong videogame nanaman ba? Tsk. 

Tinignan ko kung ano yung tinitignan niya, nanlaki naman ang mga mata ko at kulang nalang eh magtingkad-tingkad sa sobrang pagkahanga ko doon sa nakita ko. 

Shet. Ang ganda, kwintas siya na yung design ay isang maliit na ribbon na nasa isang bilog, kulay pink pa man din. Kaya ang cute cute niya! Shemay talaga. 

“A-Ang ganda,” Bulong ko para sa sarili ko, kaso narinig ni Brian eh, “Gusto mo niyan?” Tanong niya habang nakangiti.

Tumango naman ako, “K-Kaso mukhang mahal eh, wag na lang.” dugtong ko pa. Nakakahiya naman kasi pag pinabili ko pa sa kanya yan, edi ang kapal kapal naman na ng mukha ko nun. 

Pero nanatili pa'rin siyang nakangiti, “Ah, manang,” tawag niya dun sa tindera. Lumapit naman agad siya sa amin. 

“Ano 'yon?” Masaya niyang tanong, tinuro naman ni Brian yung kwintas. 

 “Magkano po yan?” Tanong niya, 

“Ah, eto? Kinuha nung tindera yung kwintas at tinignan, “150 lang,” sagot niya. Napakunot naman ako ng noo. Weh? 150 lang yan? Eh mukhang mamahalin yan ah? Tsk, kung sabagay kasi hindi naman 'to magarang mall. Pero.. kahit na, 

Lumiwanag naman yung mukha ni Brian, “Talaga ho? O sige po, bibilhin ko po 'yan,” sabi niya sabay labas ng wallet nya, hinawakan ko ang braso niya para pigilan siya. 

“Naku, Brian. Wag na, hindi naman na kailangan eh, ikaw talaga,” Sabi ko sa kanya, pero ngumiti lang sya. “Okay lang, para sa'yo naman eh, kaya wala akong pinanghihinayangan.” Sagot niya. Ramdam kong uminit ang pisngi ko. Bwisit, nagb-blush ako. Bakit naman kasi ang sweet sweet niya magsalita?! Tsk. 

“Oo nga pala,” Simula nung tindera, “May kapares itong kwintas na to eh, saglit lang iho, iha. Titignan ko lang kung nasaan ang kapares neto,” sabi niya kaya naman tumango na lang kami at hinintay siyang bumalik mula sa loob ng tindahan. 

“Ito,” sabi niya pagkalabas na pagkalabas niya sa tindahan at pinakita sa amin ang isa ring kwintas, identical siya doon sa binili namin ang kaibahan lang, color blue siya. Nilagay naman ng ale sa loob ng lalagyan yung kapares nung kwintas at tsaka isinilid sa plastic at binigay sa amin. Pagkatapos magbayad ni Brian ay agad na kaming umalis sa maliit na mall sa bayan namin.

--

Sumalpak ako sa sofa ng maliit na apartment na tinutuluyan ko-- ay hindi, naming dalawa ng ate ko. Nagttrabaho kasi siya bilang isang Lady Butler ng anak isang mayamang pamilya, at tuwing sunday lang ang day off niya kaya halos every one day lang siya nagi-stay dito. Habang ako naman, working student. Third year college na ako. Nagt-trabaho ako diyan sa may malapit na Grocery store dito sa probinsya namin. Cashier ako doon. 

Tumingin ako sa orasan, 4:53 na pala ng hapon. Hindi pa ako nakakapag-merienda. Napabuntong hininga na lang ako at tinitigan ang kwintas na suot ko. Ah, oo nga pala, may kapares pa 'to. Kay ate ko na lang ibibigay pagka-uwi niya. 

Tatayo na sana ako para magtimpla ng kape nang biglang bumukas ng marahas yung pintuan at nakatayo doon ang hinihingal kong ate. 

Eh? Teka, sa pagkaka-alam ko, Miyerkules pa lang ngayon at sa Linggo pa ang day-off niya! 

“A-Ate? Anong ginagawa mo dito? D-Diba sa Sunday pa day-off mo? Hindi ko alam, pero kinakabahan ako nung tinatanong ko siya, dahil na rin siguro sa tapang ng aura niya ngayon, 

Bumuntong hininga siya at tsaka naglakad para umupo sa sofa, sinundan ko lang siya ng tingin habang umupo siya sa tabi ko, “Stephanie,” Panimula niya. Nag-hum lang ako bilang response. 

“Tanggal na ako sa trabaho,” 

Napa-singhap ako sa gulat.. “A-Ano?! Bakit ate?! Anong nangyari?! Bakit ka natanggal?!” Halos pasigaw ko nang tanong, ito lang ang nagtagal na trabaho ni ate, halos isang taon na siyang namamasukan doon sa mayamang pamilya. Pero bakit? Parang biglaan naman atang natanggal si ate? 

“Sinagot-sagot ko kasi yung amo ko, kung naalala mo.. Yung babaeng anak ng pinagsisilbihan kong pamilya.” Sagot niya. Tumango naman ako, naghihintay ng susunod niyang sasabihin.. 

“Paano kasi, sumosobra na siya. Nakakainis yung ugali ng babaitang yun. Mabuti na nga lang at hindi ko nasabunutan, ayun. Tinanggal ako agad-agad.” Patuloy niya pa. I nodded. Siguro nga tama din yung ginawa ni ateng pagsagot sa amo niya kasi.. Diba? Kung napaka-cruel naman na yon, edi maiintindihan naman talaga... 

“Okay lang yun ate, makakahanap ka pa naman eh. Gusto mo pagtimpla na rin kita ng kape?” Tanong ko sa kaniya. Tumango naman siya at tsaka ako tumayo, pero bago pa man ako makalakad... 

“Steph, pasensya na ha? Nawalan nanaman ako ng trabaho... Uhm, pwedeng favor?” Sabi niya. Napangiti naman ako. “Ayos lang yun, 'te. Ano yon?” Pagtatakang tanong ko sa kaniya. Ngumiti din siya pabalik.. 

“Pwedeng ipasok mo muna ako dun sa Grocery store na pinagt-trabahuan mo? Habang naghahanap pa ako ng matinong trabaho,” sagot nya. Tumango na lang ako at sinabing tatawagan ang boss ko para sabihing ipasok siya sa Grocery store. 

“Ah, nice necklace by the way.” sabi niya pa at tumayo papunta sa kwarto namin. 

-- 

A/N: Sensya late update. Osya. Enjoy. :) 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 26, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Switch with the Bitch (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon