Switch I part 1

55 3 1
                                    

--

SUNNY'S SIDE

And.. that is the evolution of man, I wish that you listened, and siniksik ninyo sa utak niyo ang important matters tungkol sa report ko na 'to.” Ngumiti ako sa kanila at tumingin ulit dun sa projector kung nasan yung report ko. 

Dapat lang talagang makinig sila, may mahihirap na tanong pa naman ako. Mwahaha!

Let's give a round of applause to Ms. Sunny, Sabi ng History teacher namin at tsaka ako pinaupo sa upuan. Sumunod naman ako sa kanya at umupo sa respective seat ko.

Pagkatapos ay nag-discuss na siya. Ako naman, nakinig lang. Aba siyempre! Ayoko namang sabihan ako ng “What is beauty if your brain is empty?” diba? Para complete package na rin! Maganda, Matalino, Mabait? Hmm, I can be. But being kind is not my style.

 --

Dahan dahan akong bumaba sa hagdanan, siyempre, with poise. Anak mayaman ata 'to! Nakita ko namang nakatingin sa akin yung mga estudyante ng University na pagma-may ari ng Papa ko. Alam ko kung bakit sila nakatingin. Ako lang naman kasi ang nag-iisang Sunny Villarde ng Villarde Academy. Ako lang ang nag-iisang queen ng University na 'to. 

Pagkababa ko ng hagdanan ay sinalubong ako ng aking Personal Assisstant at ng aking Lady Butler sa harap ng gate. Habang naglalakad kami papuntang parking lot ng university, ay bigla akong napa-irap. Tsk, buwiset talaga kahit kelan.. Ilang beses ko na bang kelangan sabihin dito sa P.A ko na... 

“Makakalimutin ka ba o sadyang tanga ka lang? Ilang beses ko ba kelangan sabihin sa'yo na.. WALK BESIDE ME, NOT BEHIND ME.” Masungit kong sabi sa kanya. Napayuko naman siya at nagsorry pagkatapos ay lumakad sa tabi ko. Yan. Mas maganda. Para hindi na 'ko lilingon lingon pa kung may kelangan akong hanapin sa kanya. 

Habang naglalakad kami ay tumigil ang lady butler ko at humarap sa akin, “Uhm, ma'am,” she called.

I nodded as a sign to let her continue, “May lunch meeting daw po kayo with your father at the usual restaurant. Ang sabi niya po, dederetso tayo sa restaurant right after your dissmissal which is now.” 

Napa-buntong hininga ako sa sinabi niya. Eto nanaman si Daddy, tsk. Alam na alam ko kung ano ang dahilan kung bakit niya ako pinapasama sa lunch meeting na 'yan. Tumingin ako sa P.A ko at inilahad ang palad ko, “Cellphone ko,” utos ko at agad naman niyang sinunod at inilabas ang Samsung Galaxy Duo ko, no. Not iPhone 5. It's not my style. 

I dialed an oh-so-familiar number in my contacts. 

“Hello?” sagot ng nasa kabilang linya, 

“Dianne!” I happily answered. Napa-'tss' naman siya sa kabilang linya. 

“Oh, bakit? Tanong niya

“Samahan mo ako mag-lunch, doon sa may mall ha? I'm sure kasi na dun malapit sa subdivision si Daddy makikipag-meeting.” Sabi ko, I could almost hear her rolling her eyes at me. 

“Okay, sure.” 

“Thanks, Dian--” Naputol yung sasabihin ko nung biglang sumingit ang lady butler ko,

“P-Pero ma'am, sabi po ng Daddy nyo--” At dahil sumingit siya sa usapan namin ni Dianne ay sumingit din ako, “Wait, DIanne ha. I'm just going to take care of something,” sabi ko at hindi ko na hinintay ang sagot niya at binaba na ang phone ko. 

“You dare to interrupt me?” Matapang kong tanong sa kanya. Napatahimik naman siya. Tsk, tignan mo 'to ngayon, kanina sisingit singit sa usapan namin ng best friend ko, ngayon naman eh parang pipi na hindi na makapagsalita! 

“Nobody dares to interrupt me,” I continued. Napayuko siya lalo. Buwiset talaga, nakakainis sa lahat yung kinakausap mo tapos hindi sumasagot. 

“What's your name, dear?” Tanong ko pa.

“J-Jessica Ramos po,” Sagot niya, I smiled oh-so-sweetly. 

“Well then, Jessica... You are fired,” I announced, she looked shocked for quite a moment but then regained her posture. Nagulat ako sa sunod niyang sinabi,

“Oh hell yeah?! Thank you Sunny ha?! At last! Nakawala na ako sa isang demonyitang katulad mo!” Then she walked out almost immidiately, napanganga ako pero sinara ko ulit ang bunganga ko. Pagtingin ko sa paligid ay nakatingin sa akin yung mga chismoso't chismosang mga estudyante ng University. Yung iba nagbubulungan, yung iba naman medyo natatawa na. 

I glared at them, “Anong tinitingin tingin niyo d'yan?!” Agad naman silang nagsi-alisan na parang walang nangyari, ibinaling ko ang tingin ko sa P.A ko, 

“You. What's your name?! Tanong ko sa kaniya,

“Sh-Shiela San Juan po,” sagot niya. 

“Good, then ikaw na ang bago kong Lady Butler, okay? Hanapan mo ako ng bagog P.A ASAP, understand?” Utos ko sa kanya, tumango naman siya agad,

“Yes, ma'am!” Then I smiled inwardly, at tuluyang lumakad papunta sa sasakyan ko. 

--

A/N: Sorry po kung natagalan ang Update! ^^' tinatamad kasi ako eh, haha. Enjoy the first chapter, then. Bye! :) 

Warning: SLOW UPDATE. Kasing slow ng paguutak ni Author. HAHA. <3 

Switch with the Bitch (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon