Alone 3: Why's

2 0 0
                                    

"Mahal," tawag nya saken.

Lumingon lamang ako sa kanya ngunit di sumagot.

Umiling lang sya kaya itinuloy ko na ang ginagawa ko. Mabilis din naman akong natapos.

"Let's talk," sabi nya sabay hawak sa kamay ko.

Hinila nya ako sa couch sa sala, nagkasya kami roon. Di naman kasi kalakihan ang katawan nya at payat din ako.

"Please?" Pakiusap nya.

I sighed deeply.

"Okey," walang emosyong sabi ko at tumango-tango.
"Ayusin natin 'to, di ko na kaya."
"Alin? May nasira ba?" Pagmamaang-maangan ko.

Di sya agad nakasagot, waring pinag-iisipan ang sunod na sasabihin at iniiwasang magkamali.

"Please, 'wag namang ganito," pagsusumamo nya.
"Ano ba dapat?" Mapaklang tanong ko at tiningnan sya.

Malungkot na mata, nasasaktan, ang sumalubong sa aking mga mata.

"Hindi ko na rin alam," sagot nya at unti-unting may namumuong likido sa mata nya.
"So, ano pa ako?" Wala pa ring emosyong sabi ko.
"Patawarin mo ako. Sorry.."

Sorry? Pagkatapos ng lahat? Sorry?

I bite my lower lip to avoid asking such questions.

Umiwas ako ng tingin sa kanya but he got my chin and made my eyes fixed with his.

"Mahal kita, mahal na mahal," pahayag nya.

Naguilty ako, somehow. Nagiguilty ako dahil di ako dapat ganito sa kanya.

Ano ba ang dapat?

Mahal nya ako. Pero bakit?

Bakit may ganoon?

Bakit sa iba, ang bilis nyang magkaroon ng oras?

Bakit sa iba, ang bilis nyang makapunta?

Bakit pag iba, napagbibigyan nya agad?

Bakit ako, hindi?

Dahil hindi ako iba?

Bakit kelangang may iba pa sya?

Bakit di sya nakuntento?

Bakit?

Bakit di ko magawang magalit sa kabila ng lahat?

Hindi pa rin ako umimik. I keep staring at him, showing no emotion.

Maybe, I get tired.

"Hindi mo na ba ako mahal?" Tanong nya.

I felt my world stopped for a few seconds.

Hindi ko na nga ba sya mahal?

Hindi ko na rin alam.

Hindi ko na alam.

Nanatili pa rin akong walang imik.

Masyado na akong maraming iniisip. Pagod na ako.

"Siguro nga. Bakit pa ba kita tinanong?" Tatawa-tawang sabi nya at kasunod niyon ay ang tuluyang pag-agos ng luha nya na agad nyang pinunas.

Tumayo sya mula sa couch.

Tumingin sa akin sandali.

I locked my eyes to his.

Gusto kong sabihin sa kanyang mahal ko pa rin sya pero di ko magawa.

"Sige. Aalis na rin ako. Take care of yourself," paalam nya na waring dumurog sa puso ko. "Mahal kita, mahal na mahal pero kung ayaw mo na, wala na akong magagawa."

He kissed my forehead and turned his back at me.

Dire-diretso syang umalis at di na hinintay na magsalita ako.

Bakit, Lance?

Bakit 'pag saken, ang bilis mong sumuko?

Take care of yourself.

Bakit 'pag ako, di mo kayang alagaan at ingatan?

Bakit 'pag ako, ang bilis mo lang iwan?

Bakit 'pag iba, ikaw ang nag-aalaga?

Bakit 'pag iba, di ka kaagad sumusuko?

Bakit 'pag ako.. Bakit, Lance?

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatingin lang sa kawalan.

Unti-unting naglandas ang mga luha ko sa aking pisngi.

Kalahating oras.

Tahimik lang sa loob ng bahay.

Walang ibang maririnig kundi ang pagsingkot ko at malalalim na buntong-hininga.

Nagpatuloy ang pagpatak ng luha hanggang sa di ko namalayan na nakatulog na pala ako.

**
♪Just close your eyes,
You'll be alright♪

"Hello, Ma?"
"N-nak," garalgal na tawag saken ni Mama.
"B-bakit po?" Nag-aalalang tanong ko.
"Ang Tatay mo..," mangiyak-ngiyak nyang sabi.

My chest grow heavy and exhausted nang marinig ko ang impit nyang iyak. No, tell me, no! Pakiramdam ko ay nag-uunahan ang bawat pintig ng puso ko sa sobrang kaba sa sunod na sasabihin ni Mama.

It takes a minute bago pa nakapagsalita ulit si Mama.

"Wala na sya, anak. Iniwan na nya tayo," at tuluyan nang humagulhol si Mama.


📝To be continued...

AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon