Alone 4: Coming Back

2 0 0
                                    

"Wala na sya, anak. Iniwan na nya tayo," at tuluyan nang humagulhol si Mama.

I don't know how long I've been stuck.

I don't know how long I've been seeing nothing.

I don't know when did I speak.

I don't know how the call ended.

I just found myself packing few of my things and running to the terminal.

I'm not thinking anymore. My hands and feet seem to have in control. Both are working on their own.

Nakipagsiksikan ako sa mga pasakay ng bus para lang makauwi.

My eight hours ride seem to be forever for me.

I want to see him. I just want to see him.

Ang Tatay ko, ang Tatay ko..

Naramdaman ko ang tuhod ko na nanghihina nang maalala ko ang lagi nyang sinasabi sa akin kapag nakakausap ko sya.

"Anak, kelan mo ba balak umuwi? Gusto na kitang makita. Aba! Baka mamatay ako nang di kita nkikita man lang," may halong pagdadamdam na wika nya.
"Pa, saka nalang po. Sayang din po pamasahe, panggastos na rin natin 'yon," ang laging isinasahot ko.
"Ang pera, napapalitan 'yan pero ang oras, hindi," he said.
"Pa naman.."

Bumuntong-hininga lamang ito.

"Oh sige, naiintindihan ko naman. Basta lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka ni Papa," sabi nya ngunit naroon pa tin ang pagdaramdam.

Ang tanga-tanga nya! My gosh, Marthynna, you're so stupid!

How could you involve your family sa pagiging sawi mo?

Yeah. Ang dahilan kung bakit siya umuuwi ay ayaw ko magkrus ang landas namin ni Lance.

You and your stupidity, Marthynna! Hindi mo man lang naisip ang magulang mo na naghihintay sa'yo?! Leksyon nya sa sarili.

Naroon pa rin ang rumaragasang luha ko. Nararamdaman ko na panaka-nakang sinusulyapan ako ng katabi ko sa upuan pero wala na akong pakialam.

Remorse and regret.

Iyon ang nararamdaman ko.

I'm sorry, Papa..

Pagkababa na pagkababa ko sa bus ay agad akong tumakbo patungo sa paradahan ng tricycle at sinabi ang address namin. After fifteen minutes, I reached our house.

Gloomy lights welcomed me and I shivered when the cold breeze touched my skin.

Pakiramdam ko ay naubusan ako ng lakas upang humakbng patungo sa bahay.

"Pa..," mahinang usal ko.
"Anak huhuhu," hagulhol ni Mama na kaagad akong sinalubong sa may gate.

In just a snap, my tears made their way down to my cheeks and  fell endlessly.

Nakayakap si Mama sa akin habang naglalakad kami papunta  kay Papa.

I need to be strong. Tama! Pano na si Mama kung pati ako e iiyak nalang din ng iiyak? Sinong kukunan nya ng lakas if I will be weak? Pano na ang kapatid ko? Tama, kaya kelangang maging malakas ako para sa kanila.

Pinunas ko ang luha ko at saglit na inayos ang sarili bago ako humarap kay Papa. I know, he will not be happy kung iiyak ako.

I never saw any sadness in Papa's face.

Masaya sya.

I'm sorry, Pa, kung ngayon lang ako nakauwi, kung ngayon lang ako nakabalik.

I bitr my lower lip to refrain myself from crying.

"Ang Papa mo, ang Papa mo...," paulit-ulit na sambit ni Mama.
"Shhhh, Mama, tama na po muna. Sasakit po ulo nyo nyan e," alo ko sa kanya at dahan-dahang iginaya ko sya sa upuan malpit sa kabaong ni Papa.
"Ang daya-daya ng Papa mo, Marthy. Iniwan nya na tayo," umiiyak pa rin sya habang nagsasalita.
"Mama naman. Hindi nya po tayo kayang iwan. Siguro nga, di natin sya nakikita physically pero andyan lang po sya, binabantayan tayo," wika ko.

Kahit anong alo ko kay Mama ay di pa rin sya tumigil kakaiyak hanggang sa naramdaman kong bumagal na ang paghikbi nya. Tiningnan ko sya at nakita kong nakatulog na pala sya.

I'm sorry din po, Ma. Sorry kung ngayon lang ako. Bulong ko sa isip ko.

"Ate..," napalingon naman ako nang maring ko si Jiro na tinawag ako, ang bunso kong kapatid.

Regret and sadness can be seen in his eyes.

"Jiro."

Lumapit sya sa akin at mahigpit ngunit maingat na yumakap sa pag-aalalang magising si Mama.

"Dalhin na muna natin si Mama sa kwarto, Jiro. Kahapon pa ata sya iyak nang iyak e," untag ko kay Jiro na nararamdaman kong iiyak na rin.

Nang maiayos namin ng higa si Mama ay saka pa lamang nagsalita si Jiro.

"Ate, ang sama kong anak. Ni minsan, di ko man lang naipakita o naiparamdam na mahal ko sya,"  wika ni Jiro. "Kahit pa ampon lang ako, kahit di ako kadugo, ang sama ko. Wala akong utang na loob, Ate. I'm sorry."
"No, Jiro! 'Wag mong sabihin 'yan. Mahal ka namin, mahal ka ni Papa. Ni minsan, di sila nagalit sa'yo," paliwanag ko.
"'Yon na nga, Ate, e. Sobrang bait nyo. Pakiramdam ko, wala akong karapatang mabuhay at magkaroon ng pamilyang gaya nyo."
"Jiro!" Sigaw ko na ikinagulat nya. "Makinig ka sa akin, Jiro, makinig ka. Pamilya tayo. Anak ka nina Mama. Kapatid kita. You deserve to live and have a family. Jiro, hindi rin kami perfect. Don't feel like you're not belong. Nashock ka lang siguro sa nalaman mo kaya 'yon ang naging decision mo."

Medyo kumalma naman na siya dahil sa sinabi ko.

Jiro is now fifteen years old. We adopted him when he was two kasi di na raw kayang buhayin ng magulang nya sa dami na rin ng anak ng mga ito. Maayos naman sya, matalino. He's always at the top of their class. Until he found out na ampon lang sya, he was thirteen that time. Nagrebelde sya. Napabarkada. Mataas pa rin naman ang grades nya but lower than the previous years.

Sinabi ko kina Mama na intindihin nalang muna until he realized everything kasi partly, may kasalanan din kami. Hindi namin agad sinabi ang totoo.

"I'm sorry pa rin, Ate," sabi nya habang umiiyak.
"It's okay. Matagal ka na namaing napatawad. Now, get rest. Ako na muna ang bahala. Dito ka na sa tabi ni Mama para may kasama rin sya," I said.
"Pano ka, Ate?" He asked worriedly.
"I'm fine," sagot ko at ngumiti ako ng bahagya.

Lumabas ako sa kwarto at inasikaso ang mga naroon para makipaglamay.

"Aba! Umuwi ka na pala," kaswal pero naroon ang sarcasm sa boses ni Tita Mathilda, ang nag-iisang kapatid ni Papa.
"Tita," wala sa loob na sabi ko.
"Kung hindi pa ata namatay ang kapatid ko, wala kang planong bumalik? Tinatakasan mo ang kapahiyaang ginawa mo? Umalis ka at hiyaang sina Greg ang dumanas niyon?" Wika nya na ipinagpanting ng tenga ko.

Huminga ako ng malalim bago magsalita.

"Not now please, Tita," sabi ko nalang. Tumaas naman ang kilay nito.
"Pasalamat ka dahil burol ito ng kapatid ko," sabi nya at tinalikuran ako.

Napansin kong nakatingin pala halos lahat ng tao sa akin ngunit nang makita nilang tumingin ako ay agad silang nag-iwas.

Pakiramdam ko ay kakain ako ng lupa sa hiya at papatak ang nagbabadya ko na namang mga luha.

Sandali akong napapikit and let out a deep sigh.

"Camille," tila di naman ako makagalaw nang marinig ko ang boses ng lalaking nagdulot sa akin ng matinding sakit sa loob ng mahigit isang taon.


📝To be continued...

AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon