H.S.Crush |1|

7 0 0
                                    


Cailey Mae Rufuerzo's POV

NAPAMULAT ako ng mata ng maramdaman kong parang may nakatingin sa akin.
Pag-angat ko ng mukha nakita ko si Sir.Callanta na nakatingin sa akin.

Shems! Ang gwapo. Dahil si Sir.Callanta 'to nakipagtitigan ako sa kanya.

Tinaasan naman ako nito ng kilay. Ay, taray!
"Ano Miss Rufuerzo, makikipagtitigan ka na lamang ba? Aba! Kilos-kilos rin. Math time na, you need to give Math more time. Math is not easy, Miss Rufuerzo." Ang sungit nito. Bwisit! Gwapo sana, kaya lang di ko alam kung masungit lang ba talaga 'to o bakla.

Tsk. Ayaw naman umamin. Naalala ko pa nga, tinanong ko siya noon. Kasi, naiwan ako dahil inutusan niya ako kaya lang, inirapan lang ako nito.

Tch. Crush ko pa naman sana siya.

"Ano Miss Rufuerzo, gising ka na ba? Kung matutulog ka lang, mas mabuti pang lumiban ka na lang sa klase." Hay nako Sir! Kung pwede nga lang. Kaya lang mas bet kong makita yung gwapo mong mukha. Kahit na masungit ka!

"Yes Sir. Di na po ako matutulog. You can start your lesson now Sir." Sabi ko naman sa kanya. Syempre, inenglish ko siya para ma-impress siya sa akin. HAHAHA.
Nag-tsk na muna siya bago ako inirapan at saka siya tumalikod.

Haist! Bakla ata talaga ito.

Pumunta na siya sa unahan.
Nagsulat siya ng equation.

He asked us, kung alam daw ba namin kung anong klaseng equation yun. Syempre, walang sumagot. Tsk. Tanungin daw ba kami, e' di nga namin yan alam. Kaya nga na andiyan siya para ituro.

Sa huli ay sinabi niya na rin kung ano ang tawag dun. Dami pa kasing paarte , sasabihin din naman pala.

He discussed about that equation and he explained how can we simplify that equation. Means from the equation that's so complicated we're going to simplify it by using some formula.

At ang formula na iyon, ay ituturo pa lamang ni Sir.

Nag-umpisa na siyang ituro ang first step hanggang sa last step.
Tiningnan ko ang iba.

Halos lahat ay seryoso. Tila ba, kapag hindi nila ito inintindi ay mamatay sila. Yung iba nga ay may paturo-turo pa ng ballpen sa board mula sa malayo. Kunwa ito ang way nila para maunawaan nila ito.

Yung iba naman ay halos ilapit na sa board ang mukha.

Pero ako, eto at maduduling na.
Akala ko ang sabi simplify, pero feeling ko mas naging komplikado pa yata. Nyemas!
Ang simple nga lang ng sagot pano naman daw yung solution?
Argh! Ginaya ko na lang din ang iba. Tinuro-turo ko yung nasa board gamit ang ballpen ko.

Balik-balik ako mula sa first step hanggang sa last step.
With matching kausap pa sa sarili ang peg ko.

Nagulat ako ng biglang magsalita si Sir.
"Okay, who wants to try to answer these equation?" He asked us sabay turo sa equation na isinulat niya sa board.
Istorbo din 'to eh! Di niya ba nakikitang nagco-concentrate kami. Psh! Pashnea!

Akala ko may magtataas na ng kamay. Kaya lang lumipas ang ilang minuto wala pa rin.

Hala,patay! Paniguradong magtatawag na yan si Sir. Aish! Sino ba naman gugustuhin ang magsagot kung masungit ang teacher niyo. Pero, to tell you the truth. Masungit lang yan si Sir pero hindi naman siya nang papahiya. Kung mali yung sagot mo, tuturuan ka lang niya kung ano yung tama. I-explain niya yun ulit. Mabait naman si Sir eh. Kaya lang, kapatid na ata ng mabait niya ang pagiging masungit. Hay, ewan ko diyan!

Napagawi ang tingin ni Sir sakin.

Nanlaki ang mata ko at napa-iwas. Bumilis ang tibok ng puso ko. I have a bad feeling about this. Lalo na't mainit ang ulo nito sakin kanina bago magsimula ang kanyang klase.

Kaya bago pa niya ako matawag ay gumawa na ako ng excuse.
"Excuse me Sir. May I go out? I need to pee na po kasi. Ang sakit na po kasi ng pantog ko." Excuse ko. Pero tinaasan niya lamang ako ng kilay.

Hutaness! Baka di ako nito ako payagan. Hays! "Ok, you may." Napa-yes naman ako sa isip ko. Buti naman.

Lumabas ako at dumaan sa room ni Insan. Kaya lang may klase din sila. Dumiretso na lamang ako sa C.R.
Nakaramdam na rin kasi ako ng pagsakit ng pantog ko.

Tamad na tamad akong naglakad. Bakit ba naman kasi ang layo ng cubicle namin dito sa school.

Ang ingay pa sa hallway dahil andaming mga estudyante.
Napapairap na lang ako sa kawalan.

Mas lalo akong nainis ng may dumagwil sa akin. Shit! Kasura yun ah. Narinig kong may isinigaw siyang pangalan na nakapagpatigil sa akin.

"KEN!" Sigaw nung lalaking nakadagwil sa akin.

Malayo ako sa kanila. Hindi ako huminto pero maliliit lamang ang hakbang ko.
Inaabangan ko ang paglingon nito.

Hindi na ako nagtaka na siya nga iyon. Likod pa lang kilala ko na. Hyyy.
Siya si Ken Nedick Delos Reyes. EX classmate ko. Na EX crush ko din. Wala eh, ang gwapo. Kaya lang may nililigawan na siya kaya itinigil ko na habang maaga pa. Mahirap ng mahulog ako ng mas malalim.

Huminto sila dahil nga tinawag siya nung lalaki. I guess is, classmate nila iyon.

Pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad ko at binilisan na.
Lalampasan ko na sana sila nung tinawag NIYA ako.

"Cailey." Huminto ako at napatingin sa kanya.

"Oh Ken. Bakit?" Tanong ko naman.

"Wala lang. Kamusta?" Ay tinde! Tinawag talaga ako para lang mangamusta bawal i-messenger?

"Okay lang naman." Sagot ko naman at ngumiti. Alam mo yung feeling na ang awkward. Dahil may kasama siya at nakahinto pa talaga kami sa hallway. Imagine that?
"Ah. San ka pupunta?" Tanonong naman nito sakin ulit. Bakit sasama siya? "Sa cubicle." Sagot ko. "Ah. Ganon." Tumango naman ako at sinabing, "Sige mauna na ako sa inyo." Paalam ko at naglakad na.

Naglakad na rin naman sila.
Kaya rinig ko ang usapan nila.

Kaya narinig ko ang tanong ng isa sa mga kasama niya.
"Sino yun? Ex mo?" Tanong nito. Hyy. I hope so na ex ko nga siya.

"Oo." Rinig ko namang sagot ni Ken. Na nagpabilis ng tibok ng pusok. My god Ken!
Di ko pinahalata na narinig ko yun.

"Totoo?" Tanong muli ng kasama niya.
"Oo nga. EX......classmate ko siya." Sabi nito at humagalpak ng tawa. Ay, bwisit ka Ken.

"Potek ka!"

"Aray! Grabe ka makabatok huh!"
Daing ni Ken. Pfft. Buti nga yan sayo.

Narating ko na din ang cubicle kaya naman pumasok na ako.

Pagkatapos ko ay tinungo ko na ang daan pabalik. May 30 mins pang klase sa Math. Hay nako!
Nakasalubong ko naman si Code.

Isa pa ito. Ang gwapo kaya lang hindi ko type yung mga member ng choir. Di ko feel. Pero ang alam ko crush ako nito eh.

Sabi nung isa sa mga close ko na classmate niya. Nanligaw rin sya pero, binusted ko din agad. Di ko nga kasi feel yung mga choir members.
Nginitian ako nito kaya naman nginitian ko rin siya. Di naman ako snobber eh. Pero kung hindi niya ako nginitian e' hindi ko rin naman siya ngingitian. Ano ako, tanga?

Pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad ko. Masyado na ata akong natagalan. Paniguradong pagkabalik ko ay nakasalubong na kilay ni Sir.Callanta ang sasalubong sa akin. Kaya naman, dinalian ko na lang.

©All Rights Reserved
                  2017

To be continued...

Highschool CrushWhere stories live. Discover now