H.S.Crush |2|

13 2 0
                                    


Cailey Mae Rufuerzo's POV

"Oh, Miss Rufuerzo. Buti naisipan mo pang bumalik." Heto nanaman po siya at nagsusungit.
"Hehehe. Babalik naman po talaga ako Sir. Kaya lang po natagalan ako dahil napakalayo ng cubicle. Kayo naman Sir, masyado niyo naman akong namiss."

Tinaasan lang ako nito ng kilay.
"Tsk. Take your seat. Get 1/2 sheet of paper. And answer the equation on the board." Eh. "Ako lang Sir ang masagot?"

"Nope. Can't you see nagsasagot din sila. May quiz kayo Miss. Rufuerzo." Ano? Quiz agad! "What?"

"Wag mokong wina-what diyan. Masama na bang magpa-quiz ngayon Miss.Rufuerzo?" Tanong nito. Umiling naman ako. "Hindi naman po. Pero sana naman po hinintay niyo ako para naremind po ako at di nagulat."

"Wag kang pa-special Miss.Rufuerzo. Yan ang napapala ng patagal-tagal. Tsk. Take your seat and start answering the equation on the board." Ugh! Sir.Callanta is getting to my nerves!

Napa-irap na lang ako. Pagkaupo ko ay kumuha ako ng 1/2 at ballpen.

Hanggang 1-5 yung equation.
Madali lang yung 1-3 kaya umasa ako na ganun din sa sa 4 at 5 kaya lang ng makita kong may mga fraction na ay nalito na ako. Bwisit naman yan oh.

Nagtanong ako sa mga katabi ko kung pano yung number 4 at kung may sagot ba sila.
Pero ang natanggap ko lang na sagot ay... Wala eh, kesyo di ko alam, at no cheating daw e' sabi ni Sir. Hay nako! Alam kong meron silang sagot at alam kong papakopyahin naman nila ako. Kaya lang naalala ko wala nga pala ako kanina. Malamang sa malamang, binantaan na sila ni Sir. Kahit kelan talaga Sir.Callanta. Napaka-kontrabida!

Natapos ang oras namin sa Math. Buti na lang at nasagot ko ang number 4 at 5. Nakailang scratch ako dun eh.
Lumabas na si Sir kaya naman hindi na ako nag-atubili at tinanong sila.

"Umamin nga kayo. Binalaan kayo ni Sir no'?" Tanong ko sa kanila. Sabay-sabay naman silang nagsi-tanguan. Hay nako!
Sinasabi ko na nga ba. Pashnea ka talaga Sir.Callanta. Ikaw ang gwapong kontrabida sa buhay ko.

Nagsorry naman sa akin yung mga tinanungan ko kanina. Sabi ko okay lang dahil hindi naman sila ang may kasalanan. Tsk.
Buti na lamang at wala kaming Math bukas.

Kung meron ay, baka makipag-away nanaman ako kay Sir.Callanta. Tss.
Nakakainis ang kagwapuhan niya at ang kasungitan niya. Kakastress si Sir. Pashnea!

Lumabas na ako ng room dahil lunch break na. Pumunta na ako sa room nila Insan. Buti naman at palabas na rin siya.
"INSAN!" Sigaw ko.

Napatingin naman ito sa akin. "Oh,Insan! Pupuntahan pa lamang sana kita. Nandito ka na pala."

Nag-flip lang ako ng hair.
Tumingin ako sa loob ng room nila.
Napansin naman ito ni Insan. "Oh, sino hanap mo? Si Luke ba?" Ngumiti na lamang ako.

"Loka." Hinila niya ako. "Wala kang aasahan sa Luke na yun. As usual, nag-escape nanaman." Sabi niya naman. Ngumuso naman ako. Hay nako!

"Oh? Kamusta ka naman?" Tanong naman nito sa akin. "Heto, muntik ng mabawasan ang beauty ko dahil kay Sir.Callanta." Umirap ako matapos kong sabihin yung linya ko.

"Oh? Ano nanaman nangyari?"

Kinuwento ko naman lahat na nangyari kanina sa room namin.

"Ay, di na ako magtataka kung mababa ang grades mo sa Math." Napatingin naman ako sa kanya. "Pano mo naman nasabi?"

"Eh kasi naman, mukhang mainit ang ulo sayo ni Sir.Callanta." Hys! Lagi ngang mainit ang ulo nun sakin. Pero sana naman di madamay yung grades ko diba?

"Tsk. Di niya naman siguro idadamay yung grades ko diba?" Di ko siguradong saad sa kanya at saka bumuntong hininga.
Nagkibit-balikat na lamang siya.

She didn't bother to asked me after that.

Pagkapasok namin sa canteen ay dumiretso na kami sa counter at bumili ng lunch.

Matapos kong ibigay ang bayad ko eh,naghanap na kami ni Insan ng upuan.

Isusubo ko na sana yung inilagay kong kanin at ulam sa kutsara ko ng mapukaw ng atensyon ko ang ingay na nagmula sa entrance ng canteen.

Grupo nila Ken iyon. Agaw atensyon sila, dahil rinig na rinig ang mga malulutong na mura na nagmumula sa bibig nilang lima.

"Fvck! Bwisit yung bantay dun." Galit na sabi ni Tres.
"Oo nga eh. Bwisit! Nakakagago panalo na sana tayo eh! Ang yayabang pa nung kalaban natin. Sabi ko i-extend ng 1 hour sa pc 5 nabingi at sa 6 ba naman nilagay. Nakakainis! Nagastusan pa ako sa wala. Nakalibre tuloy yung nasa pc 6." Badtrip naman na sabi ni Jam.

Kilala ko sila dahil lahat sila naging kaklase ko. Yung iba nung 1st year ako at yung iba classmate ko sila last year. Dahil nga classmate ko sila, may hula na ako kung bakit ganyan yang mga yan.

May problema sa computer shop.

"Ahuh! Kaya pala mga wala kanina!" Ani naman ni Ken.

Ay nako! Walang mga pinagbago. Kapag tinamad pumasok, didiretso na lang sa computer shop.

"Ken!" Sigaw ng isang lalaki. I noticed that voice, its Luke.

Sabay-sabay silang nagtiringan. Yung totoo lahat kayo si Ken?
"Oh Luke!" Sabay-sabay nilang sabi.
Inapiran naman sila ni Luke.

"San ka galing?" Tanong naman ni Ken.

"Diyan lang sa tabi-tabi. Dinate si GF."
Tsk.

"Hoy, kumain ka na nga! Wag mo ng pansinin ang mga yan. Oh, andiyan na yung hinahanap mong si Luke. Nag-escape at dinate ang gf niya. Wag tularan huh! Kumain ka na." Di na ako nagsalita at kumain na lang.

Di naman ako na-inform na dito pala sila dadaan sa may table namin.
Papansin. Napatunayan ko yan dahil sabay-sabay nilang tinawag ang pangalan ko pwera kay Luke dahil hindi nya naman ako kilala.
"Hi Cailey!" Bati nila sakin.

Sinamaan ko muna sila ng tingin. Sanay na yang mga yan sa akin. Lagi ko silang binibigyan ng death glare dati eh.
"Ouch. Di man lang ngumiti." Nginitian ko sila ng pilit.

"Alam nyo kung wala kayong mapagtripan, at naghahanap kayo. Wag ako, okay? I'm not in the mood." Sabi ko sa kanila. Napahawak naman kuno si Tres sa puso. "Ouch. Para naman wala tayong pinagsamahan." Napangiwi ako sa tinuran ni Tres. Iba! Lakas ng pagkaadik nito.

Inirapan ko na lang sila at hindi na pinansin.

Aalis din ang mga yan.

But, I'm wrong.
Kita ko parin ang mga sapatos nilang colorful.
May Black,blue,red,orange,green at gray.

Tinaasan ko naman sila ng kilay.
"Para kayong mga tanga. Hindi ba kayo aalis?" Nagkibit balikat muna si Hanz bago ako nito sinagot. "Sabi nga namin, aalis na. Ang sungit nito."

Napahinga naman ako ng maluwag. Mabuti at umalis na sila.

"Ay iba, Insan! Ano yun? What is that? The six guys execpt Luke."
Napatingin naman ako kay Insan.

"Insan, sila yung kinukwento ko sayo."
She looked at me with her confusion.
Eh. Nakalimutan na niya?
"Yung mga crush ko dati." Sabi ko naman.

"Ah." Tango-tango pa siya. Akala ko tuloy naalala niya na. Kaya lang false alarm pala dahil sa sunod niyang sinabi. "Limot ko na Insan. Kwento mo naman ulit." Napasapo naman ako sa noo. Sila ba yung sinasabing mayroon short term memory? Hay nako!

"Oo ikwekwento ko sayo. Mamaya. Let me finish my lunch." Sabi ko at tumango naman siya. "Okay. You owe me a story. Take your time." Sabi niya.

Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko.
Dalawang subo pa lamang ata ang nagawa ko kanina. Masyadong kinuha ng lima ay anim pala ang atensyon ko. Tss.

©All Rights Reserved
                  2017

Pusa's Note:
    
  Ibang mga klase ang binuo kung character dito. My ghad! Di ko tuloy alam kung sino makakatuluyan niya. ^w^
Hayst!

To be continued...

Highschool CrushWhere stories live. Discover now