Cailey Mae Rufuerzo's PovHINDI naging worth it ang paghihintay namin sa teacher namin sa filipino which is, si Mrs.Salas.
2 hours pa man din kami dun.
May meeting daw kasi lahat ng Filipino Teacher. Kaya ayun wala si Madam. Ang alam ko eh hanggang 4:00 yun. Ibig sabihin, wala kaming pasok ng dalawang oras. Which is, 1:00-3:00. Hyyy.
May pasok naman sila Insan kasi English ang subject nila ngayon. Hindi ko naman yun pwedeng puntahan. Hindi rin ako pwedeng maki-sit in kasi, masungit ang teacher nila sa English.
Nakuha naman ng atensyon ko ang dalawang babae na nagbubulungan.
Yung totoo? Andaming kumukuha sa atensyon ko ah. Mga attention seeker!
"Omg! Beshyyyyy...Andiyan yung grupo nila Tres oh. Tapos si Yex."Mabilis namang naibaling ko ang tingin ko sa pinto.
Napairap naman ako sa kawalan. Bakit ko nga ba nakalimutan na may tropa rin sila dito. Si Eian. Sobrang puti at sobrang gwapo. Sa sobrang gwapo, sobrang nakakasawa ang kagwapuhan. Kaya hindi ako na-attract sa kanya. Oo gwapo siya pero wala siyang dating sakin.Pumasok na nga ang grupo nila Tres. Wala ng pumigil sa kanila. Hindi naman din nila yan mapipigilan. Baka mautal pa ang mga yan sa pagsaway. Gaya nga ng inaasahan ko, dumiretso sila sa pwesto ni Eian.
I didn't bother to mind them. Instead na pansinin ko sila ay kinuha ko na lang ang earphone ko sa bag ko at saka ito ikinabit sa phone ko at sa tenga ko. Nilaksan ko ang volume at saka kinuha ang librong binabasa ko ngayon tungkol sa bampira.
NAISIPAN kong isara ang libro ng medyo naboring ako. Pagkatiklop ko ay mukha ni Tres ang bumungad sa akin. The fuck! Bakit may unggoy sa harapan ko?
Sasapakin ko na sana si Tres ng may humugot naman ng earphone sa tenga ko.Nalaman ko kung sino yun dahil bumulong siya sakin.
"Kung hindi si Jungkook, mga bampira naman. Abnormal ka naman Cailey." Kinuha ni Yex yung libro mula sa kabila. Nakapatong ang braso niya sa balikat ko kaya ang style ay parang naka-akbay siya sakin."Ano ba Yex! Umayos ka nga!" Sigaw ko pero di ako humarap sa kanya. Alam ko at ramdam kong malapit ang mukha niya. Kaya kaunting maling galaw lang ay alam na kung anong mangyayari.
Inayos niya naman ang pwesto niya.
"Cutting tayo!" Sabi nito sakin.
Sinuntok ko naman sya sa braso."Go to hell Yex! Wag mo kong idamay sa kagaguhan mo diyan! Kung gusto mo magcut, edi go. Basta wag mo akong idamay."
Binatukan naman ako ni Jam.
Ay! Ang sakit ha!"Hoy Jam! Sapakin kita diyan eh. Makabatok ito, akala mo hindi babae yung binabatukan." Tumawa muna siya.
"Oh? Babae ka pala?" Sabi nito sabay tingin sa mukha ko, pababa. Aba at! Bastos!
"Punyeta ka Jam! Hindi ako flat chested no! Tangna ka. Bastos mo masyado! Baka masampal kita ng bonggang-bongga. Umayos ka! Pwe!"
Tawa lang siya ng tawa. Ganun din sila Ken,Tres,Yex at Hanz. Mga pashnea'ng unggoy! Bwisit!
Tumigil din naman sila sa kakatawa. "Sumama ka na kasi. Mag cecelebrate tayo ng birthday ni Ken." Yaya ulit sa akin ni Yex. Ay! Kelangan talaga kasama ako? Iba rin ito eh!
"Ayaw!" Di ko naman pagpayag.
"Kj naman nito. Bilis na." Sabi naman nila.
Nakakairita na ang mga ito! Pwede namang hindi na ako isama. Hay nako!
Umiling naman ako. Ayaw kong sumama. Lahat sila lalaki. Hindi naman sasama si Insan kasi di naman niya close ang mga ito.

YOU ARE READING
Highschool Crush
Teen Fiction"Nakakagagong magkaroon ng crush." ~Cailey Mae Rufuerzo "Nakakagagong magkaroon ng highschool na estudyante." ~Davin Traver Callanta "Hirap mabusted!" ~Code "Escape tayo. Nakakatamad mag-aral. Pag-aaralan din naman yan ulit kapag college na." ~Luke