Cailey Mae Rufuerzo's Pov"So you mean, sila yung crush mo na may iba't ibang talent?" Tanong sa akin ni Insan. Tumango naman ako.
"Oo sila nga yun. Si Tres, magaling yan sa Chess. Si Hanz naman magaling mag-volleyball. Si Jam, singer yan. Si Yex, sobrang puti niyan kaya naging crush ko pero syempre may talent rin siya. Isa siyang Dancer. At si Ken, kilala mo naman siguro siya diba? Sa totoo lang na-bitter ako sa kanya kaya, di ko alam kung bakit ko siya naging crush. Pero, naalala ko na dahil pala matangkad siya. Tapos ang cool niyang maglaro ng basketball. Totally lahat naman sila naglalaro ng basketball. Kaya lang, pagdating sa kanya. Iba na yung dating eh." Napalumbaba ako sa lamesa ng matapos kong ikwento lahat sa kanya.Hyyyy. Lahat ng crush ko ay hindi pa lahat. Classmate ko lang pala yung limang yun. Sila ang mga naging crush ko dati.
Baka mapuno ang 1/4 o di kaya 1/2 sheet of paper sa mga list ng name ng crush ko.
Alam kong madami, but don't judge me. Hindi ako malandi. Kapag ba maraming crush, malandi na agad?
Masama na bang humanga.
Ako kasi yung tipo na kapag gwapo tas malakas ang dating, hindi ko napipigilang humanga.Ewan ko ba, minsan yung biglaan ko lang makikita may iba ang epekto. Yung tipong mapapatitig ka tapos iba yung dating niya.
Tapos, awtomatikong idedeklara mo na lang sa sarili mo na crush mo na yung tao.
MATAPOS kong ikwento kay insan lahat. Umalis na rin kami. Kasi, 30 minutes na lang ang natitira bago mag 1:00.
Pagkalabas namin, nakasunod din pala yung anim. Nanadya ba sila?
If nagtatanong kayo kung alam ba nila na crush ko sila? Syempre hindi. Hinding-hindi ko sasabihin sa kanila yun noh!
Baka, imbes na iwasan nila ako pag nalaman nila ay baka baliktad o di kaya'y mas malala pa ang kakahantungan.Umakbay sa akin si Tres.
Kinurot ko naman yung kamay niya.
"Ouch!" Daing nito. Taray! Pwede namang aray. Ouch pa talaga. Yayamanin si kuya.
Sinamaan ko naman ito ng tingin.Nagpeace sign naman ito at nagpacute. Totally, hindi siya nagmukhang cute. Nagmukha siyang unggoy na naiipit. Tch. Sama ko ba? Sorry naman huh. Hindi naman pangit si Tres.
Gwapong mestiso siya. Magiging crush ko ba siya, kung hindi siya gwapo? Syempre hindi. May taste naman kasi ako.Gaya nga ng sabi ko. Yung may mga dating. Kaya lang, alam niyo yung feeling na kapag EX Crush mo na yung isang tao...lahat ng pwedeng ilait, ilalait mo sa kanya. Normal ba talaga yun? Or its just me? Masama ba ako. Hmp!
"Itigil mo nga yan." Sabi ko naman kay Yex sabay tulak. Pano ba naman, sayaw ng sayaw. Eh, nasa unahan ko siya. Kasura. Inaabala ako.
"Sus! If I know, nagagalingan ka lang sakin." Eh? Lakas ng apog.
"Alam mo, kung siguro ikaw si Jungkook. Kikiligin pa ako. Kaso hindi eh, wala ka pa sa talampakan nun." Sabi ko sabay irap."Oh? Na-extra ang baklang yun?" Literal na sinuntok ko siya sa braso niya.
Napa-aray naman siya dahil dun.
"Sinong bakla ha! Umayos-ayos ka Yex. Mas mukha ka pa ngang bakla dun."
Galit na sigaw ko sa kanya. Nagsitawanan naman yung mga kasama namin."Hi Fafa Yex! Bakla ka pala, di mo naman kami ini-inform. Kay Cailey pa talaga namin nalaman ha!" Malokong sabi ni Tres at nag-ala boses babae. Pfft. Para namang baklang daga na naipit. HAHAHAHAHA.
"TUMIGIL NGA KAYO!" Sigaw ni Yex sa tropa niya.
"At ikaw, sinong bakla? Ako?"
Ngumiti naman muna ako. "Sino ba kausap ko kanina? Sila ba? Diba ikaw! Kaya ikaw yung bakla! Pero pwede ding sila." Tinuro ko yung tropa niya. "Mukha din silang bakla eh. Kumbaga, tropang bakla kayo." Sinamaan ako ng tingin ni Yex.
YOU ARE READING
Highschool Crush
Teen Fiction"Nakakagagong magkaroon ng crush." ~Cailey Mae Rufuerzo "Nakakagagong magkaroon ng highschool na estudyante." ~Davin Traver Callanta "Hirap mabusted!" ~Code "Escape tayo. Nakakatamad mag-aral. Pag-aaralan din naman yan ulit kapag college na." ~Luke