Keziah's POV:
"Juliaaaaaaaaaaaaaa! Alam mo ba kung saan ko nailagay yung vans kong kulay blue?"
"Ano ba keziah wag kang maingay! Nakita ko yun eh! Hmm san ko ba nakita yun??"
"Hays kainis! Parati nalang nawawala yun." Sabi ko naman sa kanya.
"Ah! Naalala ko na! Nakita ko nga pala yun dun sa may malapit sa cr. Hahaha marumi siya naalala ko ginamit mo yun nung pumunta tayo sa pangasinan."
"Ah ganoon ba? Sige thank you isusuot ko na lang yung Nike ko hahaha."sabi ko. Hindi ko na maalala na yun yung sinuot ko nung pumunta kami pangasinan.
"Ay teka bes! Saan ka ba pupunta at mag sasapatos ka?"tanong niya sakin.Sakin malamang alangan naman yung halaman magsasalita ba yun? Hahaha joke nababaliw na naman ako. Hahahaha
"Huh? Diyan lang sa grocery store nauubos na kasi yung pagkain natin."
Hindi ko pa pala nababanggit sa inyo may sarili kaming bahay ni julia Maliit lang naman kung ikukumpara sa bahay namin o sa bahay ni julia .Sosyal kami noh? Hahaha pinayagan na rin kami ni mommy dahil narin siguro sa alam niyang hindi kami makapaghiwalay ni julia.
"Huh? Bat dimo sinabi sakin gusto kong sumama!"with matching pout pa niya.hahahaha cute*•*
"Wag na dito kana para naman may tao tong bahay.hahahaha. sige na alis nako babalik naman ako kaagad atsaka pagkabalik ko naman eh marami na tayong makakain ulit hahahaha.Babush!"
Sasakay nalang ako ng jeep. Hays.
At nga pala kung nagtataka kayo kung ano ang nangyari sakin nung pinatawag ako ni dean eh dahil lang naman sa hiniram ko daw na libro sa library hahaha nakalimutan ko na namang ibalik hahaha.
"Ate pasuyo naman po nitong bayad ko. Hayan thank you po."
~💞~*at the grocery store*
Ano pa ba ang bibilhin ko? Nakuha ko na yung kailangan sa bahay. Ahm! Wala na siguro marami naman na ito.
"Miss magkano lahat?"
"P2 153 po lahat mam"
"Here miss." Inabot ko sa kanya yung card ko.
"Ah sorry po mam pero po hindi pa po kami tumatanggap ng card eh.Cash Malang po mam."
" Huh? Ah eh naiwan ko kasi yung pera ko pamasahe ko lang ang andito ah miss pwede ko bang iwan muna to saglit mag wiwithdraw lang ako. Saglit lang talaga miss."
"Sorry po mam hindi po pwede eh napunch na po kasi lahat atsaka makakaistorbo po tayo sa mga susunod pa po sa inyo.""Ahm. Miss isama mo narin tong sakin ako nalang magbabayad. " huh? Who's this guy? Teka taga sa school namin to ah.
"Sige po sir."
"Ahm. Thank you. So bale hintayin mo nalang ako diyan sa may mc do ahm mag wiwithdraw lang ako saglit."
"No need basta pag kailangan ko ng tulong mo tutulungan mo ko simple lang naman eh.Hindi mo na ko kailangang bayaran."
"Huh? Ah eh-"
"Schoolmate kita diba kaya magkikita pa naman tayo.Sige Bye."
Whuuutttt? Eh ayaw ko yung nagkakautang ako atsaka hindi ko pa naman kilala yun.Hays bahala na nga.
-----------------------------------------------------------
Hello guys! Sorry ngayon lang ulit ako nakapag update kasi naman eh sobra sobrang practice ang ginagawa namin. So bale mga I peperform namin ngayong buwan ng wika kasama ako sa sayaw. Hayss hahahaha yung sayaw pa naman na yun delikado kasi may banga ka sa ulo.hahahaha. sorry ulit guys.Gracias!😊😘
-Immortal👑