Anong oras na ba?
Oras na bang limutin ka?
Kasi hindi ko na kaya
Ang makita kang maligaya sa piling ng iba.
.
Nagdurugo itong puso kong
Nagkawatak-watak nang iniwan mo ako.
Iniwan mo ako dahil lang ba sa King Kong?
Ano bang marapat kong gawin?
.
Itong puso kong ito,
Ikaw lamang ang sinisigaw nito.
Ikaw lang ang mahal ko.
Pero bakit sabi mong iba ang laman ng puso ko?
.
Dahil bang kahit kasama ko siya,
Ay napapngiti niya ako?
Mahal kita, kaibigan ko lang siya.
Hindi pa ba malinaw 'tong nararamdaman ko?
.
Ipinagtutulakan mo na ako sa kanya
Na alam mong ikaw lang, walamg siya.
Kinakailangan ko pa bang magbuhat ng batya
Upang malaman mong ni isang porsyento wala siya?
.
Dahil ba sa kanya,
Naghanap ka ng iba?
Iniwasan mo na ako't hindi kinausap.
Ni ngiti, wala akong natanggap.
.
Nasaan na ba yng mga ngiti't tawa mo?
Naglaho na ba ng parang bula?
Ba't napakabilis naman yata?
Ano ba ako sa'yo?
.
Ano nga ba ako sa'yo?
Sabihin mo't naguguluhan ako.
Ang mga trato mo sa akin noon,
Asan na ang mga iyon?
.
Ikaw lang ang hinihintay ko
Dahil mahal na yata kita.
Pero hindi ko alam kung ano o sino itong hinihintay ko.
Nagmumukha na akong tanga dahil sa mahal kita.
.
Ano ba ang marapat kong gawin?
Ang kalimutan ka at mahalin siya?
Ni isipin kom pa lang ay hindi ko na magawang gawin.
Mahal kita, kaibigan ko lang siya.
YOU ARE READING
Poem Collection
PoetryPoetry: This is where an author tells or says his her feelings. That moment when I laid my eyes on you I know that I can't get over you You made me so special That everything's went so crucial Loving you makes me feel the heaven When I met you at Ch...