Ano ba itong nararamdaman ko?
Ako'y gulong-gulo na
Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.
Hiling ko'y sagot ay dumating na.
-
Sino ka ba sa puso ko?
Ano ka ba para sa akin?
Laging ikaw na lang nasa isip at puso ko.
Ano ba itong nangyayari sa akin?
-
Mahal?
'Yan ba ang tawag doon?
Pero paano masasabing ika'y aking mahal?
Ni hindi ko naman naranasang magmahal noon.
-
Sa buong buhay ko,
Ngayon lang ako nakaranas ng ganito
At hindi alam ang gagawin ko
Sa mga bagay na tulad nito.
-
Sa dinarami-raming tao sa mundo,
Ba't siya ang napili ng puso ko?
Ito na ba ang hudyat na papasukin ko na ang ibang mundo?
Sapagkat siya ang laging isinisigaw ng isip at puso ko.
-
Nahulog na yata ako.
At batid kong ayaw kong aminin.
Aminin itong nararamdaman ko.
Ngunit kailangang puso ko'y dapat na sundin.
-
Ano ba ito?
Mukhang hindi ko na kaya.
Kayang itago ang nararamdaman ko.
Dahil mahal ko na yata talaga siya.
-
Sa bawat sulyap sa kanya,
Napapangiti ako sa mga ngiti niya,
Kumakabog-kabog itong puso ko kapag kausap siya,
At sumisigla kapag nakikita siya.
-
Mukhang huli na ang lahat.
Mahal ko na yata siya.
Sa tingin ko'y puso ko'y naging malat
Sa kasisigaw ng pangalan niya.
-
Ngayon, aamin na ako.
Mahal kita, matagal na.
Hindi ko lang magawang aminin ito.
Dahil sa takot na nangingibabaw noon pa,
Na ako'y kaibigan mo lang.
YOU ARE READING
Poem Collection
PoetryPoetry: This is where an author tells or says his her feelings. That moment when I laid my eyes on you I know that I can't get over you You made me so special That everything's went so crucial Loving you makes me feel the heaven When I met you at Ch...