Isang linggo na ang nakalipas nang makalabas ako ng hospital.Lutang parin sa mga nangyari.
Tok!
Tok!
Tok!
Biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.
"Ate,kumain ka na raw
sabi ni mama nag alala na sila sayo simula ng umuwi ka rito hindi ka lumalabas ng kwarto mo."tumulo ang luha ko."Ate!pag kumain ka idadate kita gaya ng ginagawa natin noon."Pinunasan ko ang luhang dumaloy sa pisngi ko.
Hindi ako sumagot ilang segundo pa narinig ko ang yabag ng paa niyang palayo.
Umupo ako sa gilid ng kama,yakap yakap ang tuhod ko habang humihikbi.
Tok!
Tok!
Tok!
Binuksan niya ang pinto.
"Anak,kain ka na pinagluto kita ng paborito mong tinolang manok mainit pa to!"tumabi siya sa'kin."Alam ko kung gaano kasakit ya'ng nararamdaman mo pero sana hindi mo pinapabayaan ang sarili mo.""Nasa'n ba si Andrei?"walang ganang tanong ko kay mama habang tulala pa rin akong nakatingin sa isang direksyon at yun ay ang picture frame namin nung First Anniversary namin."Ma,bakit...
--- bakit iniiwasan niyo lahat ang tanong ko?"tumingin ako sa kanya nagsimula na naman akong mapahikbi."Ano ba talagang totoong nangyari sa kanya?nasa mabuting kalagayan ba siya?kumain na ba siya?...
"....-Mama,gusto ko siyang makita!miss na miss ko na siya. Mama nawalan na ako ng anak pati rin ba siya kukunin nila?"
Pumasok sa loob si Papa.
"Sam,tumigil ka na!"sigaw ni Papa sa'kin."Tingnan mo nga sarili mo sa tingin mo kapag nagkakaganyan ka magugustuhan ni Andrei yun?Kapag hindi ka kumakain sa tingin mo babalikan ka pa niya?wag ka ng magmatigas at kumain ka na."umiiyak akong napatingin sa kanya."Ibangon mo ulit ang sarili mo,Sam hindi namin hawak ang buhay mo ikaw mismo ang may hawak nun ibangon mo ang sarili mo,matapang ka di'ba?"nakita ko kung paano tumulo ang luha ni Papa sa harap ko kilala namin siya bilang strikto, at palaging baritono ang boses kapag nakikipag usap kami sa kanya pero ano tong nakikita ko,mas bumigat lalo ang dibdib ko.Lumapit si Papa sa'kin at niyakap ako.
"Anak!nahihirapan kami ng Mama mong nakikita kang tulala at palaging umiiyak sa kwartong to!Yung masayahin at matigas ang ulo na Sam na kilala ko gusto ko siyang bumalik sakin,sa'min ng mama at kapatid mo."
"Papa!"pinunasan ni Papa ang pisngi ko."Simula sa araw na to ako kami na ang magpupunas ng pisngi mo sa t'wing iiyak ka,naiintindihan mo?"tango lang ang tugon ko sa kanila.
