-----
"Sunog!sunog!tulong may tao pa sa loob!pakiusap tulungan niyo kami!!!"sigaw mula sa labas ang naririnig ko,kapitbahay namin yun.
Nakaramdam ako ng pagkahilo at nakaamoy ako ng mabaho...parang mabahong kemikal.
Mabilis akong bumangon kahit ang bigat bigat ng pakiramdam ko.Humawak ako sa handrails ng hagdanan para may makapitan ako.Ipinantakip ko ang kanang kamay ko.Hindi ko halos makita ang daraanan dahil sa itim na usok.Sinikap kong makarating sa pinto dahil hindi ko na makayanang makahinga sa sobrang baho ng usok.
Palabas na ako ng bahay nang marinig ko ang pamilyar na boses papunta sa direksyon ko.
"Sam,Sam!!!"
Nagtaka ako kasi sigaw siya ng sigaw.
Hindi ako makapagsalita baka makalanghap ako ng usok.Ang bilis ng takbo niya.Napatingin ako as likuran niya,mga kapitbahay namin lahat nagsilikas na.Nanginginig ako sa takot kasi bigla nalang akong niyakap ni Andrei at parang may kung anong mabigat na bagay ang tumama sa kanya,naramdaman ko kung gaano ka lakas ang impact nun sa kanya.
Nagpanic ako kasi natumba kami at nakadagan yung mabigat na bagay sa kanya at nakadagan siya sa katawan ko.
Tinignan ko siya ng may pag alala sa mukha ko,sinuklian niya lang ng isang matamis na ngiti.
May pulang likido ang dumaloy papunta sa mukha ko.
Napaiyak ako tumulo na ng tumulo ang luha ko.Bawat hininga niya pinapakiramdaman ko.Sobrang natatakot ako,iba na ang pumapasok sa utak ko.
"Andrei,wag kang mtutulog ha!Andrei naririnig mo ba ako?"
Nanginginig na ang boses ko."Andrei!Andrei naman!!"halos hindi ko na rin magalaw ang katawan ko ang bigat bigat ng bagay na nakadagan sa'min.
Paulit ulit kong tinawag ang pangalan niya pero hindi niya ako sinasagot,mas bumilis ang pag agos ng dugo mula sa ulo niya.Gusto kong gumalaw sa pagkakadagan niya sa'kin, gusto ko niyang dalhin sa hospital.
"Andrei,wag moko'ng iwan wa'g? mo kaming iwan ng magiging baby natin. Magiging Daddy ka pa!"Naramdaman kong bumabagal ang paghinga niya,natatakot na ako mas pinapangunahan ako ng emosyon ko.
Biglang dumilim ang paligid ko,hinihila ako para makatulog pinipigilan ko kasi ayaw kong iwan at tulugan lang si Andrei sa ibabaw ko.
"Dito, dito,may tao rito.Bilisan niyo ang kilos niyo ihanda ang ambulansya!"may naririnig akong sumisigaw mas dumilim ang paningin ko hanggang sa nawalan na ako ng malay.
----
3 Weeks Later
Nagising ako ng may nagpupunas ng kamay ko.Napangiti ako alam kong si Andrei toh!.
Kahit nakapikit pa tinawag ko ang pangalan niya.
"Andrei!Ayos ka na ba?"mahina pa masyado ang boses ko.
"Sam,mabuti naman at nagising ka na.Tita Tito gising na si Sam."Pero ibang boses ang narinig ko at hindi si Andrei.
Dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko.
"Mom Dad nasa'n ako?"may halong pagtataka sa boses ko.
Tinignan lang nila ako na para bang awang awa sila sa kalagayan ko."Tito!tatawagin ko na muna ang doktor."Tanong ni Angelo tumango naman si Dad.
"Mom!Ano ba!"napasigaw ako naramdaman kong may dumaloy na tubig sa mga mata ko.
"An...."magsasalita na sana si Dad ng biglang umiyak si Mommy.
Dumating si Angelo kasama ang doktor.
"Ano bang nangyayari?"nanghihinang tanong ko.
Napayuko ako at napatingin ulit sa kanila.
"Hija,your child is gone."parang binagsakan ng langit at lupa ang buong pagkatao ko sa narinig ko."Sorry but we do our best to save the baby pero mahina ang kapit niya."Umagos ng umagos ang luha ko ang sakit sakit na malaman ko na totoo at hindi pala panaginip ang lahat...
---
Isang linggo na ang nakalipas nang makalabas ako ng hospital.Lutang parin sa mga nangyari.
Tok!
Tok!
Tok!
Biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.
"Ate,kumain ka na raw
sabi ni mama nag alala na sila sayo simula ng umuwi ka rito hindi ka lumalabas ng kwarto mo."tumulo ang luha ko."Ate!pag kumain ka idadate kita gaya ng ginagawa natin noon."Pinunasan ko ang luhang dumaloy sa pisngi ko.
Hindi ako sumagot ilang segundo pa narinig ko ang yabag ng paa niyang palayo.
Umupo ako sa gilid ng kama,yakap yakap ang tuhod ko habang humihikbi.
Tok!
Tok!
Tok!
Binuksan niya ang pinto.
"Anak,kain ka na pinagluto kita ng paborito mong tinolang manok mainit pa to!"tumabi siya sa'kin."Alam ko kung gaano kasakit ya'ng nararamdaman mo pero sana hindi mo pinapabayaan ang sarili mo.""Nasa'n ba si Andrei?"walang ganang tanong ko kay mama habang tulala pa rin akong nakatingin sa isang direksyon at yun ay ang picture frame namin nung First Anniversary namin."Ma,bakit...
--- bakit iniiwasan niyo lahat ang tanong ko?"tumingin ako sa kanya nagsimula na naman akong mapahikbi."Ano ba talagang totoong nangyari sa kanya?nasa mabuting kalagayan ba siya?kumain na ba siya?...
"....-Mama,gusto ko siyang makita!miss na miss ko na siya. Mama nawalan na ako ng anak pati rin ba siya kukunin nila?"
Pumasok sa loob si Papa.
"Sam,tumigil ka na!"sigaw ni Papa sa'kin."Tingnan mo nga sarili mo sa tingin mo kapag nagkakaganyan ka magugustuhan ni Andrei yun?Kapag hindi ka kumakain sa tingin mo babalikan ka pa niya?wag ka ng magmatigas at kumain ka na."umiiyak akong napatingin sa kanya."Ibangon mo ulit ang sarili mo,Sam hindi namin hawak ang buhay mo ikaw mismo ang may hawak nun ibangon mo ang sarili mo,matapang ka di'ba?"nakita ko kung paano tumulo ang luha ni Papa sa harap ko kilala namin siya bilang strikto, at palaging baritono ang boses kapag nakikipag usap kami sa kanya pero ano tong nakikita ko,mas bumigat lalo ang dibdib ko.Lumapit si Papa sa'kin at niyakap ako.
"Anak!nahihirapan kami ng Mama mong nakikita kang tulala at palaging umiiyak sa kwartong to!Yung masayahin at matigas ang ulo na Sam na kilala ko gusto ko siyang bumalik sakin,sa'min ng mama at kapatid mo."
"Papa!"pinunasan ni Papa ang pisngi ko."Simula sa araw na to ako kami na ang magpupunas ng pisngi mo sa t'wing iiyak ka,naiintindihan mo?"tango lang ang tugon ko sa kanila.
