Isa, dalawa, tatlo
Tara magbilangan tayo
Isa, dalawa, tatlo
Tatlong tula ang isinulat ko
Tatlong kanta ang inawit ko
Ngunit higit sa tatlo ang iniluha koIsa, dalawa, tatlo
Muli ay bibilangin ko
Isa, dalawa, tatlo
Tatlong sugat mula sayo
Isa sa kamay, isa sa utak, at isa sa puso koIsa, dalawa, tatlo
Pagod na ako
Ako ang nagmahal pero ako ang nalokoIsa, dalawa, tatlo
Tatlong kasinungalingan mula sa iyo
Mahal mo ako, mahal mo ako, mahal mo ako
Mayroon ba talagang totoo?Isa, dalawa
Hindi na umabot ng tatlo
Isa, dalawa
Hanggang dalawang linggo lang tayo
Isa, dalawa
Dalawang regalong nakalaan sayo
Dalawang labing nagsasabing pagod na ako
Isa, dalawa
Dalawa kami sa puso mo
Isa, dalawa
Ito na ba ang dulo?Isa
Natapos na dito
Lahat ay biglang huminto
Isa
Isang puso ang nasaktan
Isang puso ang nasugatan
Isa
Isang luha ang naiwan
Isang luha ang binitawan
Isa
Isang beses na lang iiyak
Ito na ang huling patak
BINABASA MO ANG
Mga Tula Para Sayo
RandomCollections of poems made by me :) Tulong pagbibigay inspirasyon lang po hehehe 😂 ~~Vi