AYOKO NG SUMULAT NG TULA
Ayoko ng sumulat ng tula kase masakit na
Ayoko ng sumulat ng tula kase sobra na
Ayoko ng sumulat ng tula kase ang sabi ng lahat, tapos na
Pero kahit anong gawin ko, bawat hawak ko sa lapis at papel, isang tulang laan sayo ang nagagawa koAyoko ng sumulat ng tula kase sabi mo wala na tayo
Ayoko ng sumulat ng tula kase ayoko, na malaman mong malaki parin ang halaga mo sa puso ko
Ayoko ng sumulat ng tula kase naririndi na ako sa paulit ulit na pagtulo ng luha ko sa tuwing isusulat ko ang bawat letra na nilalaman ng tula na para sayo
Ngunit bakit sa tuwing naririnig ko ang pangalan mo libong tula ang nagagawa ko?Bawat ngiti mo, sampung tula ang naisusulat ko
Bawat tawa mo, daang tula ang naisusulat ko
Bawat tingin mo, libong tula ang nagagawa ko
Ngunit sa isang titig mo na kahit ilang segundo, isang madugong tula ang nagagawa koAyoko ng sumulat ng tula dahil madalas, sakit mula sayo ang nilalaman nito
Ayoko ng sumulat ng tula dahil parating ikaw ang naiisip ko
Ayoko ng sumulat ng tula kaya nag mamakaawa ako, pigilan mo na ako
Pigilan mo na ang puso ko na mahulog ng todoAyoko ng sumulat ng tula na tungkol sayo
Ayoko ng sumulat ng tula dahil kalilimutan ko na ang nararamdaman ko
Ayoko ng sumulat ng tula dahil hindi rin ito tula, kung hindi ikaw ang nilalaman nito
BINABASA MO ANG
Mga Tula Para Sayo
RandomCollections of poems made by me :) Tulong pagbibigay inspirasyon lang po hehehe 😂 ~~Vi