HINDI TAYO

88 1 0
                                    

HINDI TAYO

HINDI TAYO kase gusto mo sya
Hindi tayo kase mas maganda sya
Hindi tayo kase mas sexy sya
Hindi tayo kase ikaw na pangarap ko ay may pangarap na iba

Hindi tayo dahil kahit anong titig ko nakatingin ka parin sa kaniya
Hindi tayo dahil kahit anong tawa ko mas lamang parin ang ngiti nya
Hindi tayo dahil kahit anong yakap ko mas pinipili mo parin ang hawak nya
Hindi tayo dahil kahit anong gawin ko, siya at siya parin ang bida

Hindi kasing kinis ng balat ko ang balat nya
Hindi kasing ganda ng buhok ko ang buhok nya
Hindi ako kasing talented katulad nya
At alam ko sa sarili kong kahit kailan, hindi ko mapapantayan ang meron sya

Hindi na ako papalag sa love story nyo
Aasahan ko nalang na maging masaya kayo
Pero paano nga ba? Kung hindi naman ikaw ang mahal ng kinababaliwan mo
Kung hindi naman ikaw ang tibok ng puso nito

Ano pa ngang bang silbi ko?
Syempre ang maging sandalan mo
Ang sasalo sa mga problemang dinadala mo
Uulitin ko, hindi tayo dahil sabi mo kaibigan mo lang ako.

Hindi tayo dahil mahal mo siya pero may mahal syang iba
Hindi tayo dahil nasasaktan ka ng paulit ulit sa kaniya
Hindi tayo pero hindi naman ako nagrereklamo
Masaya ako na kahit hindi tayo, inaasahan mo parin ako
Kinakailangan mo parin ako.

Muli ay uulitin ko, Hindi tayo dahil kaibigan mo lang ako.

Mga Tula Para SayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon