"But I am all alone without you. Days are dark without a glimpse of you."
Isa lamang yan sa mga lyrics na kanta na napapakinggan ko madalas. At di ko naman maitatanggi na sa bawat linya, ramdam na ramdam ko ang bawat kahulugan nyan.
Naaalala pa nga kita.
Sa bawat love songs na lang yata, ikaw na yung lagi kong nakikita, naiisip, pinapangarap.
Ang tamis.
Na para bang mapupunit na ang aking mga labi dahil sa sobrang kilig. Sa dami ba naman nating alaala, paanong may damdaming mimintis.
Pero bakit ganito?
Palibhasa kasi binutasan mo ng sobrang lalim yung puso ko kaya kapag nakakarinig ako ng mga awiting pang - ibig, para kong nasusuka.
Walang maramdaman.
Ang dating puno ng kilig ay ngayon, puno na ng pighati. Ni hindi ko na mawari kung sakit pa ba ito o puro ng galit.
Sinusubukan ko pa ngang alalahanin yung kilig, baka sakaling maramdam ko yung katiting na pagmamahal muli ngunit hindi.
Wala. Wala na.
Love songs.
Sinulat ng mga composers dala ng sidhi ng damdamin. Malalim ang pinang hugutan. Mga pinagsama samang salita na kailanma'y di maibabaon sa nakaraan.
Pero paano naman ang pusong puno na ng agam agam? Ng hapdi? Ng pasakit?
May pag - asa pa bang makaramdam ulit ng pag - alaga at pagka - ahon sa matindi ng lunod ng poot?
Written by : dazzledeyez (8-21-17)
BINABASA MO ANG
Compilation of Heartbreaking Shots
PoezieSamahan mo ako sa daang tinatahak ng aking puso.