Hiling ko para sa'yo

22 1 0
                                    

Ayokong magtapos tayo ng may galit dahil sa dami ng pinagsamahan natin pero mukhang malabo yon dahil sa gitna ng mga pinagsamahan na yon, ay ang mga listahan ng mga sakit na naukit sa pagkatao nating dalawa.

Ikaw na rin nagsabi na hindi bagay sakin ang mabait kaya hindi ko hihilingin na sana balang araw maging masaya ka sa piling ng iba. Hindi ako tanga para hilingin na sana balang araw maging magkaibigan ulit tayo. Na sana balang araw maging maayos tayo. Masyadong masakit. Masyadong mapait.

Siguro kung hihiling man ako eto yung gusto ko.

Sana dumating yung oras na hindi ka makakatulog sa gabi kasi naiisip mo ko. Na bakit mo ko pinakawalan. Na bakit mo ko sinaktan, kahit ilang beses ko pa sayo pinaramdam kung gano kita kamahal. Sana isang araw pag nakahanap ka ng ibang babae, bigla kang mapapaatras kasi mare -realize mo na hindi ako yan, na hinding hindi magiging ako yan kasi nag iisa lang ako at walang makakapantay sa kung ano ako.

Sana balang araw mapapatingin ka sa madaming bagay at lugar at wala kang ibang maiisip kundi ako at ang mga alala ala natin.

Sana balang araw maramdaman mo din yung sakit.

Yung hirap, na tinanggi mong maramdaman dahil sa pride at ego mo.

Sana balang araw pagsisihan mo yung mga plano natin na mangyayari sana, pero pinili mo ang ibang tao at hindi ako, hindi yung tayo.

Written by: dazzledeyez (8-18-17)

Compilation of Heartbreaking ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon