EROS' POV
I never thought I would see her again. Yung babaeng dumurog ng puso ko. Minahal ko siya, eversince makilala ko siya, siya lang ang napusuan ko. I was 18 and she's 17 back then when I first met her. Pinakita ko sa kaniya yung side ko na walang pakealam sa kaniya pero deep inside mahal ko talaga siya. Natakot lang kasi akong sabihin sa kaniya na... Mahal ko siya.
Tapos nung mag-19 ako at siya nag-18, our family decided na ipakasal kami for business reasons. At kahit na sapilitan yun, syempre natuwa ako. That time, hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko kasi ikakasal ako sa taong gusto ko. Sa araw ng kasal, nasa kalagitnaan na ng seremoniya. 'I do' nalang niya ang hinihintay, bigla siyang tumingin sakin and mouthed 'I'm sorry'. Then bigla siyang tumakbo. That's my first heart break at napakasakit non. Pakiramdam ko, pinaglaruan lang ako ng pagkakataon. Halos isumpa ko ang araw na yun, halos mabaliw ako. Araw araw akong nasa bar at nakikipagsuntukan sa mga tambay. But one day, I realized its not worth it. Kaya umalis ako at pumunta ng america para makalimot.
Pero sadyang ang lakas ng tama niya sakin, bumalik ako after six years at heto kasama ko ang taong minahal ko ng totoo at hanggang ngayon mahal ko parin.
"Psyche..",I looked at her in my arms. Tulog na pala. Nasa parking lot na kami, nakita ako ng driver ko na may buhat na babae kaya siya na ang nagbukas ng pinto para sakin. Ipinasok ko siya sa aking limousine at tumabi ako sa kaniya.
"Sir saan po tayo?",tanong ni Minos. Hindi ko alam kung saan ang bahay ni Psyche, mas maganda siguro kung sa unit ko na siya umuwi muna. Ayoko namang gisingin siya, mukang ang himbing ng tulog eh.
"Sa unit ko na..",sabi ko.
Napatingin ako kay Psyche na mahimbing ang tulog sa aking mga braso. Mas gusto kong malapit siya sakin, I miss her so much.
"I miss you..",I whispered. Sana lagi ka nalang tulog, sana lagi kang nasa tabi ko...
"Case... I still love you..",I heard her murmured. Sino si Case? Her boyfriend? Ang isiping may boyfriend na siya is killing me. Akala ko pa naman wala pa siyang boyfriend. Akala ko may babalikan pa ako, huli na ba talaga ako?
"Eros, bakit bumalik ka pa?",kahit tulog nagsasalita eh. Katulad parin siya ng dati, laging nagsasalita pagtulog.
"Bumalik ako para sayo...",I whispered. I kissed her on the forehead and mas lalo ko pang hinigpitan ang yakap ko sa kaniya.
"Sir andito na po tayo..",sabi ni Minos. Hindi ko namalayan nakarating na pala kami sa unit ko.
Nung makarating na kami sa loob ng unit ko, inihiga ko siya agad sa kama para naman mas maging comfortable siya. Lumapit ako at naamoy ko na amoy alak siya. Sabi na eh, uminom siya eh.
"Ikaw talaga Psyche ang kulit mo... Di ka ba sinasabihan ng boyfriend mo na wag iinom kung hindi mo naman kaya...",naibulong ko sa kaniya ang kulit naman kasi eh. Asaan ba ang boyfriend niya at bakit hindi siya sinasamahan.
"Ang init naman..",she murmured. Ang init daw? Hello! Bukas na kaya ang aircon, sapalagay ko di lang siya makatulog ng maayos dahil siguro sa suot niyang damit. Hindi naman kasi siya sanay magsuot nun because never ko pa siyang nakitang nagsuot ng ganitong damit.
Bilang isang mabait at matulunging lalaki, I unzipped her prussian blue dress and pulled it down over her curvy body. Ui, syempre ah, nakapikit ako. Ayoko naman na samantalahin ang pagkakahimbing niya. After mahubad yung damit niya, tinakpan ko agad ang katawan niya ng kumot para di ko makita. Naghanap ako ng t-shirt sa aking drawing at saka pants. Isinuot ko sa kaniya yon pero nakapikit parin ako. Good boy ako, hindi ako mamboboso ano.
YOU ARE READING
He's the one
HumorAng gusto lang naman niya, makalimutan lahat ng pangyayare na sumira sa mundo at buhay niya. Gusto niyang takasan lahat ng kahihiyang naidulot ng pangyayaring yon sa pamilya niya. Kaya mas pinili niyang iwan lahat ng karangyaang natamo niya sa puder...