PSYCHE'S POV
Andito na ako sa shop, naka-upo sa pinaka-dulong part ng coffee shop. Lumilipad ang isip ko, hindi ko alam pero ang utak ko parang may pakpak, laging kay Eros ang punta. Hindi maalis sa isip ko ang muka niya, pati yung sinabi niya parang sirang plakang paulit ulit na gumugulo sa isipan ko.
"But I love you...",yung mga salitang yun ni Eros na pilit nagsusumiksik sa puso ko. There's a part of me na masaya, natutuwa at kinikilig kasi hindi ko inaasahan na sasabihin ng isang lalaking masungit sakin dati ang mga salitang yon. Pero yung other part of me, sinasabing 'hindi kaba nahihiya Psyche, tinakbuhan mo siya tapos ano ngayon... Mahuhulog ka? Tanga ka ata talaga eh... Tigilan mo yan'. Sino bang dapat kong pakinggan... Hindi ko na alam.
"Hoy babae, sabi ni Hera kunin mo daw yung coffee maker machine sa bodega...",sabi ni Hade. Mabait yang lalaking yan, pero hindi malaman kung bakit ang tawag niya sakin babae at hindi ako tinatawag sa aking real name. And para siyang robot sa sobrang tahimik. Minsan lang siya magsalita pero gwapo yan.
"Bakit... Nasaan si Hera?",usisa ko.
"Kasama ang boyfriend, Hermes daw ang pangalan",aba kakakilala lang nila nung isang gabi sila na agad. Ang bilid bilis naman.
Anyway makuha na nga yung coffee maker machine sa bodega. Lumakad ako papunta sa kusina at binuksan ang backdoor. Dumiretso na ako sa bodega. Binuksan ko ang pinto at pumasok, hinayaan kong bukas ang pinto baka ma-lock ako sa loob eh. Nakakatakot kaya dito.
"Nasaan na ba ang coffee maker machine na yun...",tanong ko sa sarili ko. Hindi ko kasi makita eh. Hinanap ko na sa lahat ng mga box na nakasalansan dito sa loob, wala naman akong makita. Sigurado ba si Hade na dito ko talaga hahanapin yun?
Naglibot libot pa ako sa loob, medyo malaki rin kasi 'tong bodega eh. Baka nasadulo lang yung hinahanap kong coffee maker machine.
"Nasaan na kaya ang babae na yon... Di na bumalik, iniwan pang bukas ang pinto ng bodega. Tsk... Babae nga naman...",narinig ko ang boses ni Hade. Tumakbo ako para pigilan si Hade, baka isara niya at makulong ako.
"Haaaaaade... Wag.... Wahhh... Aray ko!",nadapa ako sa mga box na nakaharang. Bakit kung kailan may pipigilan ako o tatakasan nadadapa ako. Lord, galit ka ba sakin ha? Nakakainis naman eh, good bye bright world, hello madilim na bodega. Ano dito nalang ba ako hanggang sa may makaalala na buksan ang bodega? Baka bangkay na ako...Wahhh!!! Ayooooko.. >_____<
"Ah wait, yung phone ko!",bigla kong naalala yung phone ko at bigla din akong nagkaroon ng pagasa. Inapa ko yung bulsa ko para malaman kung naandun nga but suddenly.... WALA PALA!!! *cry.. cry* Wala na akong pag-asa!!!
Nakulong na ako dito mag-isa, may sugat pa sa tuhod. Anong kasunod mare-rape naman? Grabe naman... Bakit ba ang malas malas ko... Kasalanan 'to ni Eros eh, simula nang bumalik ang lalaking yon nagsimula na din ang kamalasan sa buhay ko. Hay nako naman Eros!!!
Pero hindi! Hindi ito ang oras para ako'y mawalan ng pag-asa! Kaya ko 'to. Tumayo ako at naglakad papunta sa pinto. Susubukan kong tawagin si Hade baka sakaling marinig niya ako.
"Hade! Hade!",sinubukan ko ding sumigaw at pinaghahampas ng kamay ko ang pinto. Please naman Hade wag kang bingi dyan. Kaasar kanaman kasi eh!
"Hell... Sinong naandyan... Sobrang ingay aba!",suddenly a voice came from no where echoed. Wow! My.. My multo!!!
"Wahhh!!! Hade! Hade! Hade!!! Tulungan mo ko!!!!",sigaw ko. Nagmamakaawa po ako Lord sana marinig ako ni Hade, may multo dito. May multo... Wahhh...
YOU ARE READING
He's the one
HumorAng gusto lang naman niya, makalimutan lahat ng pangyayare na sumira sa mundo at buhay niya. Gusto niyang takasan lahat ng kahihiyang naidulot ng pangyayaring yon sa pamilya niya. Kaya mas pinili niyang iwan lahat ng karangyaang natamo niya sa puder...