Chapter 1
Sa wakas, natapos din ang first year. It was every tough though it was only an introduction of everything.
First day of classes for 1st Sem. New classmates, curriculum, professors and most of all new challenges upcoming.
Ngayong sem, every other day na lang ang klase ko pero 8-5 naman lagi. Parehas kami ng schedule nila James at JC. Silang dalawa yung Kuya slash childhood friends slash bodyguard at marami pang slashes. Sa totoo lang hindi ko alam kung paano ko natatagalan yang dalawang yan. Magkakaiba kasi kami ng ugali. Ako yung tipong sobrang sungit at madaling mapikon. Si James naman, happy-go-lucky na mahilig mang-asar pero nagiging drama king sa tuwing napag-uusapan ang kanyang “true love”. Si JC, emo pero pasimple kung manlait, mas mabait siya kay James yun nga lang mas masungit sa akin minsan.
“Good Morning Kaye! Uhmn. You look so pretty today.” Inakbayan niya ko habang naglalakad kami papasok ng building.
“Is that a compliment? Thank you. And if it’s not, you can stay away from me.”
“Eto naman pinupuri na sungit pa rin. May bloody visitor ka?”
“Sira ulo ka talaga James. Tigilan mo nga yan si Kaye. Ang aga-aga…”
“Thanks for the save JC.”
“Thank you ka jan. Pero Kaye… You look…”
“What?!!” Inakbayan niya rin ako habang naglalakad.
“… horrible”
“NAKOOOOOOO! Ako nga layuan niyo kong dalawa. First day mga pambwisit kayooooooooo!”
Tinulak ko silang dalawa ng sabay. So para akong nagtulak ng dalawang malaking pader sa laki ng katawan nila. Naglakad ako ng mabilis at narinig ko silang tumawa ng malakas. Ang sama talaga ng ugali nitong mga ‘to. Kung nandito lang si Lolo na hampas na naman ng tungkod ‘tong mga ‘to.
“Oh kapatid? Bakit ganyan agad ang mukha mo? First day para kang sinakluban ng langit at lupa?”
“Kuyaaaaaa. Inaway kasi ako ng dalawang asungot na yan.” Sht. Parang bata lang. Tinignan ni Kuya Emman yung dalawang ungas sa likod ko.
Tumawa siya at sinabing, “Hayaan mo na lang sila. Naglalambing lang yan sayo.” Kinurot niya ko sa pisngi at pumasok na sa room niya.
Si Kuya Emman parang si James at JC pero hindi ko siya childhood friend, Kuya lang. Last year ko lang nakilala si Kuya dahil din yun sa sinalihan kong organization. Kasama ko kasi siyang naging candidate for officer ng Entrepreneurial society. During the campaign, pag may free time nagkukwentuhan kaming lahat na candidates pero si Kuya Emman lang lang talaga yung naging close- to- tight. Nanalo ako sa position na tinakbuhan ko which is PRO. Si Kuya din and the rest of the members of the party na sinalihan ko.
Ako nga pala si Kaye RainneDominguez. Full-blooded Filipina, 17 years old. Entrepreneurship student and a cheer dancer. Amn, only child. Height, 5 feet 7 inches. Weight, hindi ko po alam pero hindi ako mataba. Tan! May dimples, malaki cheek bone.
Nakita ko sa loob ng room ko yung dalawang ungas. Bakit kaya nandun yung dalawa? Wala namang kinalaman ang Cost Accounting sa Architecture at BioChem.
“Bat nandito kayo?”
“Wala lang. Masama?”
“OO!”
“Eto naman, high blood kagad.”