Eto kami ni Karl nasa loob ng sasakyan ko on my way home. Hinatid kasi niya ko. Mahirap magdrive pag may sprain ang paa and he even volunteered for it. Kahit na 30 mins. lang ang ride OMWH we’re still on the road stuck on the traffic. Oo nga pala, si Tita Via umuwi mag-isa. Hindi na siya nagpasundo sa amin. And kaya lang kami umuwi kagad kasi nauna pa yung pinasyal ko sa bahay nila. Nahiya ako. There was also complete silence. Stable na yan sa buhay ko kasi hindi naman talaga ako ganun kadaldal. I just pushed the play button of my CD player at nagulat ako sa narinig ko…
“Hi Baby! I miss you and I love you. I love you till…”
Natigilan ako but I am still forcing myself to push the stop button. I felt the heat coming up to my face. Nakakahiya! I’m so stupid na hindi ko chineck yung laman ng player ko. Kaye, know what? Bobo ka talaga. Hindi mo ba naisip na hindi mo pa tinatanggal sa player mo yung CD na bigay niya sayo. Kainis. Mamatay ka sa hiya!
“Ah… Eh... Sorry. Nag-FM radio na lang dapat ako.” Sabi ko sa kanya.
“It’s okay.” Sabay lingon sa akin, “Nasayo pa pala yan. I thought you threw everything when we broke up.”
Should I say I did not throw anything? Na lahat yun eh naka-tago pa rin sa box na binili namin. And the letters are on my unit waiting to be read again. Should I say that my feeling for him still does not change? NO. Not now!
“Why should I throw those?” Bulong ko sa sarili ko habang naka-yuko sa kahihiyan.
After 12354694128123 years of travel nakarating din sa unit ko. Inalalayan niya ko habang naglalakad kahit ang dami niyang dala.
“Kainin na natin ‘to o iuuwi mo na lang?” Sabi ko habang nakatayo sa tabi ng microwave. Nakatayo ako na ang buong bigat ng katawan ko eh nasa right foot ko lang.
“Ako na lang.” Sabi niya sa akin habang inaalalayan niya ko papunta sa high stool malapit sa sink. Hinayaan ko na lang siya pero kumuha ako ng inumin sa ref. In a minute or 2 mainit na ulit siya. Ü
Nagkwentuhan kami tungkol sa mga walang katuturang bagay but I still enjoyed na conversation. Napatingin siya sa likod ko. Sinundan ko naman ng tingin.
“Sht. Kaye, thanks for the day but I have to go.”
9PM na pala ngayon lang namin napansin. May pasok pa kami parehas.
“Use my car, please. Hindi naman na traffic pabalik eh.” Sabi ko sa kanya.
“Sige na nga dahil mapilit ka. I’ll just fetch you 7AM tomorrow.”
I just nodded and he kissed me on the cheeks at lumabas na siya. Inayos ko na yung pinagkainan namin and I did my evening rituals and myself to bed.
Wednesday, like what Karl said sinundo nga niya ko exactly 7AM buti na lang nakapag-almusal na ako. Pagkarating namin sa school mukhang Cullens si JC, James at si Aya. Paano naka-sandal sila pare-parehas sa sasakyan ni James at sabay-sabay tumungin sa amin pagka-baba ko sa car. Bumababa na rin si Karl nun at inalalayan ako papalapit kila James. Medyo pa hop pa nga yug lakad ko kasi medyo namaga yung paa ko.
“Oh my gosh. What happened to you Kaye?” Bati sa akin ni Aya.
“Got sprain yesterday now it’s swollen.” Sagot ko naman sa kanya.
Nakita ko na lang yung tatlo nag-uusap sa likod ni Aya. Hindi ko na naintindihan pinag-uusapan nila.
“And why are you with him? You guys dating?” Tanong sa akin ni Aya.
![](https://img.wattpad.com/cover/1346416-288-kc6a1ee.jpg)